top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | August 29, 2021


ree

Muling hinimok ng DOH na bawasan ang kapasidad sa mga opisina sa pamamagitan ng pagpapatupad ng work from home. Ito’y matapos maitala ang matataas na kaso ng COVID-19 sa ilang tanggapan ng pamahalaan.


"Ipinag-utos na po ng IATF na dapat bawasan ang carrying capacity ng bawat opisina o iyong mga nagtatrabaho. Those who can work from home, they should stay at home at doon na lang magtrabaho muna sa bahay para kakaunti lang po ang magsasama-sama sa mga opisina o sa mga work places at maiiwasan po natin ang impeksiyon,” mungkahi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.


Ayon kay Vergeire, mahalaga ring may sapat na ventilation ang opisina, may nagmo-monitor na safety officer sa kalusugan ng mga empleyado, at natitiyak ang pagsunod sa health protocols.


Matatandaang nakapagtala ang Office of Civil Defense ng 116 COVID-19 positive cases sa kanilang tanggapan.


Nagkaroon din ng 29 COVID-19 cases sa tanggapan ng Food and Drug Administration.

 
 

ni Lolet Abania | June 17, 2021


ree

Ikinokonsiderang polisiya ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinakailangan ang pagsusuot ng face shield sa ibabaw ng face mask sa mga ospital na lamang sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon sa Malacañang.


“I can confirm what Senate President [Vicente] Sotto and Senator [Joel] Villanueva said that the President did say that the wearing of face shield should only be in hospitals,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa Palace briefing ngayong Huwebes.


“When the President has decided, that is the policy,” dagdag ni Roque. Gayunman, ayon kay Roque, ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ang policy-making body ng gobyerno sa pagtugon sa COVID-19 ay maaaring umapela sa Pangulo sa desisyon nito.


“The President announced a new policy but this is without prejudice to the IATF appealing the decision of the President,” sabi ng kalihim.


Una namang binanggit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na magdedesisyon ang IATF hinggil sa isyu sa gagawing pulong ngayong Huwebes ng hapon.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 11, 2021


ree

Puwede nang lumabas ng bahay ang mga senior citizens na nakatanggap na ng kumpletong bakuna laban sa COVID-19 sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at Modified GCQ (MGCQ).


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Biyernes, napagdesisyunan ito ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) sa isinagawang pagpupulong noong Huwebes.


Saad pa ni Roque, "Subject ito sa mga kondisyon tulad ng pagdadala ng duly issued vaccination card at pagsunod sa minimum heath protocols.”


Samantala, limitado pa rin ang pagbibiyahe para sa mga senior citizens maliban lamang sa mga point-to-point travel, ayon kay Roque.


Hinikayat din ni Roque ang iba pang senior citizens na magpabakuna na laban sa COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page