top of page
Search

ni Lolet Abania | February 10, 2022


ree

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga papasok na mga dayuhan na nais na manatili sa Pilipinas ng lampas sa 30-araw, ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles.


Sa Laging Handa public briefing ngayong Huwebes, sinabi ni Nograles na inamyendahan ng IATF ang kanilang guidelines mula sa ilalim ng Resolution 160-B ng bagong inisyung Resolution No. 160-D.


“Ibig sabihin, ‘yung citizens coming from the 157 countries under EO408 series of 1960 as amended, who intend to stay beyond 30 days for purposes other than tourism or leisure, may enter the Philippines through an entry exemption document issued under existing IATF rules and regulations,” sabi ni Nograles.


Ayon sa opisyal, dapat na ang mga travelers ay fully vaccinated na, maliban lamang sa mga batang below 12-anyos na bumibiyahe kasama ang kanilang fully-vaccinated na mga magulang.


Kailangan na mayroon silang tinatanggap na proof of vaccination at may negative RT-PCR test na kinuha sa loob ng 48 oras bago pa ang petsa at at oras ng departure mula sa bansang pinagmulan o first port of embarkation.


Una nang sinabi ni Nograles na inaprubahan na ng IATF, ang rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na i-recognize o tanggapin ang COVID-19 vaccination certificate ng apat pang mga bansa kabilang ang Brazil, Israel, South Korea, at Timor Leste.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 7, 2022


ree

Dinagdagan ng IATF ang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3, ayon kay acting Presidential Spokesperson Sec. Karlo Nograles.


Ang mga lugar na mapapabilang sa Alert Level 3 simula Enero 9-15 ay:

* Dagupan

* City of Santiago

* Cagayan

* Olongapo City

* Angeles City

* Bataan

* Pampanga

* Zambales

* Naga City

* Iloilo City

* Lapu-lapu City

* Batangas

* Lucena City

* Baguio City


Ayon pa kay Nograles, bumabase ang IATF sa health care utilization rate metric sa pagsusuri ng alert level classifications upang mas matukoy ang available health care workers.


“Based on the experience sa ground, marami na po sa healthcare workers natin ang under quarantine dahil exposed po sila sa positive case po ng COVID, at meron din pong nagkaka-mild COVID kaya isolated rin po sila,” pahayag ni Nograles sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte.


“So we have to look the healthcare workers natin as isa pang indicator sa pagdedesisyon natin ng alert levels,” dagdag pa niya.

 
 

ni Lolet Abania | December 13, 2021


ree

Naghain ng reklamo ang ilang residente ng General Santos City laban sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) hinggil sa mandatory vaccination kontra-COVID-19 sa ilang mga lugar sa bansa.


Sa ulat, ito ay may kaugnayan sa issuance ng IATF Resolution No. 148-B, kung saan nagre-require sa mga onsite workers na magpabakuna kontra-COVID-19.


Batay sa resolution, bagaman ang mga empleyado ay maaaring hindi matanggal sa trabaho, ang mga unvaccinated employees ay kailangang sumailalim sa RT-PCR tests at sagutin ang lahat ng gastusin dito.


Sa 5-pahinang dokumento, ayon sa mga complainants na sina Nenit Caminoy, Mary Ann Doce, Norma Marquez, Marylin Reynoso at Vivien Viernes, ito ay ilegal na gawin, ang pagbabakuna ng mandatory o sapilitan gaya ng nakasaad sa Republic Act 11525 na ang vaccination cards ay hindi kinakailangan sa employment.


Anila pa, mahalaga ang pagkakaroon ng voluntary consent para sa pagbabakuna laban sa COVID-19.


Giit din ng mga residente na ang RT-PCR tests ay napakamahal, habang anila, posibleng magresulta ito sa ilang mga manggagawa na mag-resign na lamang sa kanilang mga trabaho.


Gayundin, ayon sa grupo ang experimental antiviral pill molnupiravir ay gagawing available bilang alternative medicine.


Ang mga respondents ng kanilang complaints ay sina Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, acting presidential spokesperson Karlo Nograles, at ang abogadong si Charade Mercado-Grande.


Sa ngayon habang isinusulat ito ay wala pang ibinigay na komento sina Duque at Nograles hinggil sa isyu.


Kinumpirma naman ni Ombudsman Samuel Martires na natanggap na ng kanyang opisina ang naturang complaint noong Disyembre 6 at iniimbestigahan na nila ang tungkol dito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page