top of page
Search

ni Lolet Abania | May 21, 2021



ree

Itinaas na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa 30 porsiyento ang seating capacity para sa mga religious gatherings sa NCR Plus at iba pang mga lugar sa bansa, ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra.


Sinabi ni Guevarra na ang bagong polisiya, kung saan maisasagawa rin sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions, ay inaprubahan ng IATF kahapon matapos ang hiling at pakiusap ng mga simbahan.


Gayunman, ito ay ipapatupad nang hanggang May 31.


“This applies to all religious faiths, sects, and denominations,” ani Guevarra.


Matatandaang ipinatupad ng gobyerno ang limitadong 10% venue capacity para sa mga religious gatherings upang maiwasan ang pagkalat pa ng COVID-19.


Gayunman, isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila at karatig-probinsiya gaya ng Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna – na tinatawag na NCR Plus -- sa GCQ with heightened restrictions mula May 15 hanggang May 31.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 18, 2021


ree

Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabakuna sa mga estudyante laban sa COVID-19, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).


Pahayag ni CHED Chairman Prospero de Vera, "Magbabakuna ba tayo ng mga estudyante at mga bata? This is going to be discussed, by the way, in the IATF this week.”


Aniya pa, "In other parts of the world... they are reviewing their policy and thinking of prioritizing vaccinating students so they can go back to some face-to-face classes."


Ayon kay De Vera, maaaring makatulong sa mental health ng mga estudyante ang pagbabakuna dahil marami ang mas nahihirapan sa online classes.


Saad pa ni De Vera, "The mental health of students are really getting affected and they'd like the students to be going out of their homes more frequently. The answer in other countries is to vaccinate them.”


Ayon sa vaccine czar na si Secretary Carlito Galvez, kabilang sa mga pinag-aaralang bakunahan ay ang mga edad-12 hanggang 17.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 13, 2021


ree

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong Huwebes nang gabi ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang NCR Plus na binubo ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, at Laguna sa general community quarantine "with heightened restrictions" simula sa May 15 hanggang 31.


Isasailalim din sa GCQ ang Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga, Mountain Province, Abra, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Batangas, Quezon, Puerto Princesa, Iligan City, Davao City, at Lanao del Sur.


Modified enhanced community quarantine naman ang ipatutupad sa City of Santiago, Quirino, Ifugao, at Zamboanga City.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page