top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 20, 2021



Inaprubahan ng House Committee on Human Rights ang Comprehensive Anti-Discrimination bill ngayong Huwebes na naglalayong ipagbawal ang diskriminasyon sa lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon atbp..


Sa virtual hearing, inaprubahan ng House Committee on Human Rights ang consolidated version ng Comprehensive Anti-Discrimination bill at walang tumutol sa mosyong inihain ni Bataan Rep. Geraldine Roman.


Layunin din ng naturang panukala na maparusahan ang sinumang magdi-discriminate base sa etnisidad, lahi, kulay, kasarian, sexual orientation, wika, relihiyon, atbp., gayundin ang pagsulong na magkaroon ng non-discrimination sa mga ahensiya, korporasyon, kumpanya at educational institutions.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | May 19, 2021





Nag-sorry ang Philippine National Police Human Rights Affairs Office (PNP HRAO) sa mga organizers ng community pantry na na-red tag umano kamakailan, batay kay PNP HRAO Acting Chief Police Brigadier General Vincent Calanoga sa ginanap na briefing ng House Committee on Human Rights ngayong araw, May 19.


Aniya, "Sa mga naapektuhan po, humihingi po ang PNP HRAO ng paumanhin sa mga taong naapektuhan kung ano man po 'yung naibalita o nai-post na hindi po nila nagustuhan."


Sabi pa niya, “Yung iba pong insidente na kung saan tinawag po na profiling o red tagging ay hindi po sakop ng pulisya, ng buong PNP. Ito po ay binigyan ng kaukulang aksiyon para hindi na po ito mauulit.”


Gayunman, nilinaw naman niya na ang pagtatanong o pagkuha ng ilang impormasyon sa isang indibidwal ay kasama sa katungkulan ng bawat nagpapatrol na pulis bilang record sa kanilang areas of responsibility.


Dagdag pa ni Calanoga, "Kaya 'pag ang pulis po ay nagtatanong, 'yan po ay para maisama po sa kanilang patrol report. Sana po, maintindihan natin ang ating mga kapulisan."


Matatandaan namang nag-umpisa ang community pantry sa Maginhawa, Quezon City sa pangunguna ng organizer na si Anna Patricia Non na umano’y na-red tag.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page