top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 15, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 15, 2026 (Biyernes): Hindi ka nila masisisi kung bakit naaakit ka sa magaganda, dahil ang mismong araw na ito ng iyong pagsilang ay nagsasabi na magaganda talaga ang para sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagagandahang ideya ang maglalabas-masok sa isip mo. Kahit ano pa ang piliin mo, lakipan mo ito ng kaukulang pagkilos, makakaasa ka na mas gaganda pa ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-16-20-23-28-35.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Gawin mo na ang gusto mo, dahil langit mismo ang kukunsinti sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-21-30-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Maaakit ka sa masayang pagkilos. Gayunman, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-25-29-34-41.


CANCER (June 21-July 22) - Lumabas ka ng bahay para sumigla ka. Kapag nanatili ka lang sa inyo, hihina ang iyong resistensya. Sa madaling salita, mas maganda kung mamamasyal ka ngayon, lalo na sa mga lugar na malapit sa nature. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-14-18-26-31-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Problema ang kakaharapin mo kapag nahulog ang loob mo sa mga taong tinutulungan mo. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-20-26-32-43.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikislap ang mga mata mo, at ito ay nangangahulugan na makakaramdam ka ng pag-ibig. ‘Di ka inaawat na umibig, pero kilalanin mo muna siya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-12-22-28-30-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Susuwertehin ka ngayon. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung mga kontrabida sa buhay mo! Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-15-21-27-31-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mas maganda kung marunong kang makinig sa payo ng mga malalapit sa iyo. Higit kaninuman, ang tunay na kaibigan ang lubos na nakakakilala sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-14-25-29-33-36.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipagdamot ang mga bagay na hindi mo na kailangan. Sa araw na ito, susuwertehin ka kapag nagbawas ka ng mga bagay na hindi mo naman napapakinabangan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-24-34-38-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kusang lalapit sa iyo ang mga suwerte. Noon pa man, madalas nangyayari sa iyo na ang mga suwerte’y kusang dumarating sa kapalaran mo. Kaya ‘wag mong kalimutan na magpasalamat sa Diyos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-20-23-32-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umiinit na ang panahon, kaya ‘wag kang magtaka kung iinit din ngayon ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-21-26-28-35.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang habulin ang nawala sa iyo. Ang harapin mo ay ang mga oportunidad na magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-14-22-37-39-41.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 14, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 14, 2026 (Huwebes): Bilis ang ibinigay na sandata sa iyo mula nang ika’y isilang. Gamitin mo ito upang makamit mo ang iyong layunin.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mabagal man, pero tiyak naman. Ito ang bawat pagkilos na pinag-aaralan. Ang nakakalimot na mag-analisa sa maaaring mangyari ay mahaharap sa malalaking kabiguan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-16-20-28-35-40.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag ka nang lumayo pa, dahil ang suwerte mo ay nasa malapit lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-19-21-25-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Marami ang gustong maging bida ngayon, pero ikaw ang pinili ng langit dahil sa kakaiba mong galing at husay. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-5-15-18-26-30-36.


CANCER (June 21-July 22) - Pinipili ang may mabuting kalooban kaysa sa nagkukunwari lamang. Ikaw ay napabilang sa hanay ng nauna. Dahil dito, tiyak na mapipili ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-27-31-34-38.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang una. Kaya sa madaling salita, may kasunod ka, ngunit maiiwan mo sila nang maiiwan. Gayunman, huwag ka munang magsaya. Ang mahalaga ay manatiling mapagkumbaba. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-14-23-32-37-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maaga mong makikilala ang hindi naman pala para sa iyo. Baguhin mo ang iyong plano upang makatiyak ka ng isang malaking panalo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-10-16-20-35-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsaya ka, buksan mo ang pintuan ng pagkakaisa at pakikipagkasundo. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-18-25-29-31-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kaya ka nananalo, dahil sa kabaitan mo. Bilang pasasalamat, muli mong ipakita ang pagiging matulungin at pagmamahal mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-19-26-30-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumabagsak ang nasa itaas dahil sa iyo. Matutupad ang kasabihan na, “Ang nagmamataas ay ibinababa at ang nagpapakumbaba ay itinataas.” Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-16-22-27-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tapos na ang sobrang kaba at napalitan na ito ng labis na saya. Ang mensahe at payo para sa iyo ay ihanda mo ang iyong sarili sa marami pang sorpresang ibibigay ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-17-23-32-37-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ngayon mapapatunayan na ang mga kaaway ay maaari ding maging kaibigan. Ito mismo ang istorya matapos ang madramang pangyayari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-14-24-28-31-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tinatanggal ang mga taong walang karapatan. Ito ang batas ng kapalaran. Gayunman, hindi ka matatanggal dahil ikaw ay may karapatan. At sa araw na ito, bubuhos ang marami pang suwerte at magagandang kapalaran sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-15-20-26-39-43.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 13, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 13, 2026 (Miyerkules): Malakas ka, kaya malakas din ang nakakabangga mo, pero ang panalo ay nasa iyo, lalo na kapag ‘di ka sumuko sa laban. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa desidido ng isang malapit sa iyo ang mga suwerte mo. Kaya sa kanya ka dumikit, pero dapat palihim lang upang lumipat sa iyo ang ilang mga suwerte niya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-18-20-33-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sumunod ka lang sa gustong mangyari ng taong makulit. Sa huli, ikaw ang makikinabang at hindi siya. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-21-26-38-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na parang wala kang problema. Kapag ganito ang ginawa mo, mahimalang maglalaho at hindi na babalik kailanman ang mga problema mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-17-24-27-30-42.


CANCER (June 21-July 22) - Sundin mo ang pandama mo dahil ito ang magtuturo sa iyo sa kung ano ang pinakamagandang gawin upang mas gumanda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-13-25-28-31-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagbababala ang kapalaran mo na kapag ‘di ka gaanong kumilos, katamaran ang maghahari sa iyo. At kapag ganito ang nangyari, puwede kang magkasakit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-15-19-22-25-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap kang unawain ngayon. Mas maganda kung ‘di mo na hahabaan pa ang iyong mga paliwanag, at hayaan mo na lang upang hindi masayang ang iyong oras. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-16-20-26-33-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Igiit mo ang gusto mo, dahil sa huli, ikaw  pa rin naman ang masusunod. Minsan, ang pangungulit ay nagbubunga rin ng magandang resulta. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-30-35-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ito ang araw na sadyang ginawa at inilaan para sa iyo. Anuman ang iplano at ipatupad mo, tiyak na mangyayari ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-15-24-32-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong ipagdamot ang kakayahan mo, lalo na ang mga susi mo sa tagumpay. Kapag marami kang natulungan, mas dadami ang biyaya sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-19-25-28-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpapatalo sa pag-aalinlangan. At huwag ka ring magpapatangay sa mga taong mahihina ang loob. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-16-21-29-30-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong balikan ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay mo. Hindi ka isinilang upang mabuhay sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-19-22-28-35-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang malito. Kung ano ang gusto mo, iyon ang gawin mo. Tandaan mo, ikaw ang may hawak sa sarili mong kaligayahan. Gets? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-24-31-34-40.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page