top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 26, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 26, 2025 (Linggo): Naparaming malalaking suwerte ang nakalaan sa iyo,  ‘yon nga lang, sa iba ito napupunta dahil ipinamimigay mo lang. Mas magandang asikasuhin mo ang iyong sarili.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo ang mga suwerte mo, kaya tiyak na aangat ka! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-19-25-34-35-44.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Alagaan mo ang paborito mong halaman na iyong napabayaan na. Sa ganitong paraan, muling babalik ang mga suwerte at magagandang kapalaran sa buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-24-29-36-41.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Isuot mo ang lumang kuwintas, pero ibalik mo muna ang kislap nito, dahil ngayon ang epektibong araw para suwertehin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-18-28-32-43.

 

CANCER (June 21-July 22) - Pakinggan mo ang kutob mo para ang suwerte ay kusang lumapit sa iyo. Masuwerteng kulay-green.  Tips sa lotto-3-7-16-27-35-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap paniwalaan pero ang pampasuwerte mo ngayon ay ang sikat ng araw.  Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-21-25-37-44.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hadlangan mo ang utos ng iyong isip. Para magawa mo ito, ikilos mo ang katawan mo na nakatuon sa dati mo nang naiplano. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-11-14-23-38-40.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bagong damit ang pampasuwerte mo. Hindi na mahalaga kung mamahalin o maliit lang ang presyo, basta ang importante ay bago. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-28-31-35-39.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manahimik at huwag ka munang kumibo, dahil ito ang pampasuwerte mo, na nagsasabing kapag nanahimik ka, ang magagandang kapalaran ay darating na sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-25-27-32-43.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano na ang nasabi mo, iyon na ang gawin mo! Ang pabagu-bagong isip ay hindi makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-18-20-23-39-42.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang sinasabi ng kapalaran mo ngayon, na kapag tingin ka nang tingin sa orasan ang mga naggagandahang bagay ay darating na sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-11-17-29-37-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mag-alala, sa halip ay matuwa ka kapag binago mo ang iyong pasya dahil kapag bago ang iyong pasya, magbabago rin ang takbo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-15-22-33-36.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwedeng nasa bahay ka lang. Mamasyal ka rin kahit wala kang malaking halaga. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-26-32-40-45.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 25, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 25, 2025 (Sabado): Hinihintay ka na ng mga suwerte mo sa malayong lugar, kaya obligado para sa iyo ang mag-abroad. Ito ang mensahe sa iyo ng araw na ito.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mataas ang antas ng iyong malikhaing kaisipan. Mapapakinabangan mo ito sa trabaho at sa pagpapaunlad ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-10-19-24-33-45.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magmumula sa malayo ang mga suwerteng paparating sa buhay mo. Ito ang magsisilbi mong susi para makapagsimula ka ng mas magagandang proyekto. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-16-20-35-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Matutukso kang baguhin ang mga plano mo. Dahil ito ay isang klase ng tukso, ibig sabihin, hindi makakabuti kapag binago mo ang mga naunang laman ng isip mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-14-15-29-31-42.


CANCER (June 21-July 22) - Nakabukas ang puso mo ngayon, at sadyang malaki ito, kaya puwede mong papasukin ang taong magpaparamdam sa iyo ng pagtingin kahit hindi mo siya gaanong kakilala at gusto. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-22-28-36-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na sunud-sunod na suwerte ang darating sa iyo, lalo na sa materyal na bagay. Kaya lang, dapat kang lumabas ng bahay at huwag na huwag kang makukuntento sa iyong comfort zone. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-25-27-36-38-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Buksan mo ang komunikasyon sa mga gustong maging bahagi ng buhay mo. Sa ganitong paraan, makikilala mo sila nang husto at mapag-aaralan mo ang kanilang motibo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-16-19-24-29.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malakas ngayon ang kakayahan mong mapasunod ang mga nasa paligid mo, lalo na ‘yong sobrang dikit sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-10-17-21-38-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano lang ang nahahawakan ng mga kamay mo, iyon lang ang sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-13-22-28-35-43.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahihirapan kang tapusin ang mga bagay na dapat tapusin, lalo na kapag patuloy mong pinansin ang mga tila magagandang bagong ideya sa isip mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-12-29-30-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka na parang hindi ka naaapektuhan ng mga problema. Magugulat ka, dahil maglalaho ang mga ito kahit pa malalaki at mabibigat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-17-25-27-31-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pansinin ang mga nasa malayo, dahil masasayang lang ang mga oras at araw mo sa kanila. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-23-26-28-30.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mo, iyon din ang gugustuhin ng langit. Kaya huwag mong kalimutan ang mga taong nakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-25-38-32.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 24, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 24, 2025 (Biyernes): Kikilos ang kapalaran mo hanggang sa tuluyang gumanda ang buhay mo. Sa katunayan, kahit magkamali ka ng paulit-paulit, kikilos pa rin ang langit upang pagandahin ang kapalaran mo.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bubukas ang puso mo para sa bagong pag-ibig. Pero hindi ibig sabihin nu’n ay dapat ka nang magmahal. Hindi porke nakabukas ang puso mo, papasukin mo na agad ang maling pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-19-22-27-30-43.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Iyo ang araw na ito. Sinumang magtangka na gawan ka ng masama ay mapapahamak, dahil langit mismo ang kikilos para ipagtanggol ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-12-18-23-35-40.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Oo, talagang napapakinabangan mo ang bilis mo ngayon, pero pag-isipan mo munang mabuti ang gagawin mong desisyon pagdating sa larangan ng pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-16-21-25-39.

 

CANCER (June 21-July 22) - Araw mo ngayon! Ibig sabihin, anuman ang balakin at planuhin mo, tiyak na matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-13-19-30-32-45.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Kumapit ka sa mga lumang aral na mula sa matatanda. Totoong hindi na mga napapanahon ang kanilang mga paniniwala, pero sila talaga ang pinakatama sa lahat. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-17-28-33-36-41.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo puwedeng sundin ngayon ang sinasabi ng isip mo. Ito ang babala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-20-24-27-35.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na muling ibabalik sa iyo ng langit ang mga pagkakataon para gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-18-29-35-38-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit mo pa papansinin ang opinyon ng iba, gayung hindi naman sila mahalaga? Kung ako sa iyo, hayaan mo na sila, at ‘wag kang magpapaapekto sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-8-21-29-31-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ka ngayon, iyon ang iyong ipakita. Huwag kang tumulad sa mga mahiyain na pilit na ikinukubli kahit ang magagandang katangian nila. Ito ang susi mo sa isang matagumpay na buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-20-28-33-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kabilang ka sa makikinabang sa mga biyaya at pagpapala na ihuhulog ng langit sa mismong araw na ito. Ang anumang masasahod o mapupulot mo na hindi mo kailangan, ibigay mo sa mga kapuspalad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-10-14-22-30-44.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masyadong magulo kapag madami kang mahal. Kaya piliin mo lang ang kaugali mo, dahil tiyak na siya ang magpapaligaya sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-24-26-31-37-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dapat masaya kayo ngayon para ang mga suwerte ay magsilapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-21-29-32-36-41.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page