top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 12, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 12, 2025 (Miyerkules): Mapapasunod mo ngayon ang mga taong nasa paligid mo. Noon pa man, taglay mo na ang kakayahang utusan ang iyong kapwa.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manguna ka! Pangunahan mo ang pagbabago. Ngayon ang tamang panahon para ang mga makalumang kaugalian ay isantabi, itago, at huwag nang gamitin pa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-10-13-29-33-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magdagdag ka pa! Huwag kang makuntento sa kung ano ang meron ka ngayon. Walang sinuman ang may hawak sa hinaharap, kaya mas magandang magsumikap ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-12-24-31-39-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Aangat pa ang antas ng iyong kabuhayan. Pero wala ka nang dapat ipag-alala, dahil mas lamang ang pag-angat mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-15-17-27-34-36.


CANCER (June 21-July 22) - Yakapin mo ang magagandang aral na natutunan mo mula sa iyong mga kabiguan. Ito ang magsisilbing susi upang hindi na maulit pa ang masaklap mong karanasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-14-22-28-35-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang wala ka, iyon ang hanapin mo. Muli, hanapin mo ang katangiang kulang sa iyo at idagdag mo sa iyong pagkatao. Sa ganyang paraan, magsisimula kang suwertehin at paburan ng langit. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-20-29-32-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdalawang-isip, dahil ang pagdadalawang-isip ay sagabal sa mabilis na pag-asenso. Madalas, ito rin ay nagreresulta sa panghihinayang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-19-21-23-30-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mas pipiliin mo ngayon ang mga magaganda. Walang masama sa ganito dahil bakit nga ba pipiliin ang hindi naman kaaya-aya sa paningin? Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-22-33-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dapat makapagpigil ang malakas. Malakas ka ngayon, kaya dapat mo ring makontrol ang galit mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-14-18-26-34-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito, at ang maganda pa nito, para pa rin sa iyo ang mga araw na darating. Ngayon mo na simulan ang mga proyektong hindi mo itinuloy dahil sa pinanghinaan ka ng loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-13-23-34-39-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patatatagin ng langit ang kabuhayan mo. Kaya lang, baka hindi mo agad ito maunawaan dahil ang paraan ng langit minsan ay hindi kaya ng isip ng tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-16-20-29-31-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat magmadali sa lahat ng bagay. Kung babalikan mo ang nakaraan, madalas na dahilan ng iyong kabiguan ay ang padalus-dalos mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-18-21-25-28-38.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pabagu-bago ang lagay ng panahon, at ikaw rin ngayon ay magpapabagu-bago ng isip. Pero ang masayang balita ay nagsasabing sa huli, kung ano ang pinakatamang maisip mo, ito ay kusang ipagkakaloob sa iyo ng nasa Itaas. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-7-23-26-33-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 11, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 11, 2025 (Martes): Malakas ka. Kaya ka lang naman humihina ay dahil iniisip mong mahina ka. Huwag mo itong kalilimutan dahil ito rin ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tutukan mo ang gusto mong mangyari. Hindi ka dapat maapektuhan ng hindi magagandang karanasan ng ibang tao. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-19-24-28-30-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumalakas ang negosyo kapag ang may-ari ay palakaibigan. Kaya maging palakaibigan ka para muling bumalik sa iyo ang magandang takbo ng negosyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-17-27-32-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi na dapat maulit pa ang kabiguan. Ito ang mensahe ng kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-21-35-38-43.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat maapektuhan ng mga negatibong tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-18-23-37-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Tumulong ka para makarekober ang malapit sa iyo, lalo na kung kailangan niya ng tulong. Makakaasa kang gagantimpalaan ka ng langit kapag ginawa mo ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-14-20-26-35-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang papatangay sa mga naglalakas-lakasan, dahil tiyak na madadamay ka lang sa masaklap na kabiguan. Mas magandang analisahin mo munang mabuti ang sitwasyon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-10-21-25-31-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi puwedeng maging tama ang mali. Ito ang tandaan mo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-19-29-34-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ang tulong ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-16-28-30-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maging huwaran ka. Ang huwaran ay ipinapakita ang tama. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-27-36-37-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maging maunawain ka. Kapag naging maunawain ka, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-21-26-35-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malakas ang taong naninindigan, at mahina naman ang taong walang paninindigan. Dapat sa una ka mapabilang, dahil sa gagawin mong paninindigan ang magpapaganda ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-5-19-24-27-31-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ipanatag mo ang sarili mo. Hindi nakakapag-isip nang mabuti ang masyadong emosyonal. Ang kailangan mo ngayon ay ang katahimikan at kapayapaan ng kapaligiran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-18-20-25-30-57.



 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | November 10, 2025



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 10, 2025 (Lunes): Aani ka ng magagandang kapalaran mula sa iyong pagsusumikap. Pero ang tunay na magpapaganda ng buhay mo ay ang pagiging likas mong masuwerte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang magpapasaya sa iyo, iyon ang gawin mo. Hindi sa lahat ng sandali ay kailangan mong magsakripisyo para sa iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-20-26-31-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ito ang araw na dapat kang kumilos nang walang pag-aalinlangan. Kapag natagpuan ng nasa Itaas na buo ang loob mo, walang alinlangang tutulong sa iyo ang langit. At ang langit mismo ang maghahatid sa iyo ng suwerte at tagumpay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-18-23-29-38.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi lang ang mga tao sa paligid mo ang humahanga sa iyo, kundi maging ang langit ay napapahanga rin sa kakaiba mong galing at talino. Kaya ang gantimpala mo ay bultu-bultong suwerte na magsisimula na ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-4-14-25-27-32-43.


CANCER (June 21-July 22) - Lahat ay bago para sa iyo — ito ang pasya ng langit. Maaaring masaktan ka, pero sa huli, magpasalamat ka dahil ang mga pagbabagong ito ay para sa ikauunlad ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-13-22-31-35-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ituloy mo na ang noon mo pa binabalak na pagpapaganda ng career at pagpapalago ng kabuhayan. Panahon mo ngayon, kaya anumang pagbabago ang gawin mo, tiyak na hahantong ito sa pag-unlad at pagsikat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-10-28-33-43-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lumayo ka sa mga problema, pero ang unang layuan mo ay ang takot. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-19-22-24-31-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pag-ibig ang susi sa iyong ligaya. Bukod sa kaligayahan, sa tuwing umiibig ka, napapansin mo bang sinusuwerte ka? Kaya ang payo, magmahal at umibig ka nang totoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-15-26-28-30-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pairalin mo ngayon ang tapang. Kapag sumugod ka, tiyak na tuluy-tuloy susulong sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-27-33-36-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag mong pansinin ang mga nagpapansin, dahil masasayang lang ang oras mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-12-20-36-40-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi na mahalaga kung gusto mo o hindi ang mga pangyayaring sa una ay hindi mo maintindihan. Sa huli, ito pa rin naman ang pagmumulan ng iyong suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-25-28-35-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakaiba ang magiging kapalaran mo ngayon. Ang gusto mo ay maaaring hindi mangyari, at ang ayaw mo naman ang magaganap. Pero sa dulo, lahat ng ito ay papabor sa iyo. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-7-19-27-32-38-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi puwedeng puro plano, pangarap, at imahinasyon lang. Dapat kumilos ka rin! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-22-31-35-39-42.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page