top of page
SB19 at BINI PH - IG.jpg
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 12, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 12, 2026 (Martes): Simple lang ang sikreto ng iyong kapalaran. Aasenso ka hangga’t gusto mong umasenso. Ngayong tag-init, aalalayan ka ng langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, ipinaaalala ng iyong kapalaran na hindi mo dapat tigilan ang iyong pangarap, dahil habang nangangarap ka, ang mga suwerte ay tuluy-tuloy na magdaratingan sa buhay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-11-15-25-36-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mas aangat ka kumpara sa iba. Ang kulang lang naman sa iyo ay ang pagtukoy kung ano ba talaga ang gusto mo sa buhay. Tukuyin mo na ito upang matupad mo ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-18-22-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Sakyan mo ang agos ng kapalaran. Habang nakasakay ka, gumawa ka ng pagbabago na hindi pa nasusubukan ng iyong mga kakumpitensya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-20-32-37-41.


CANCER (June 21-July 22) - Pinagsisikapan ang pag-akyat sa tuktok ng tagumpay. Hindi totoo ang sinasabi ng iba na kikita ka sa mga bagay na ‘di mo pinagsusumikapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-12-24-26-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pigilan mo ang pagiging galante ngayong araw. Ito ang katotohanan para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-21-29-38-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magandang maalala mo na sa mga araw na ito, pinagpapala ang gumagawa ng kabutihan sa kapwa. Bibiyayaan ka kapag pinasaya mo ang alam mong naghihirap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-19-23-27-37-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Higit kaninuman, dapat kang maniwala sa iyong kakayahan. Ito ang sikreto ng maganda mong kapalaran.  Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-26-30-33-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Simple lang ang sikreto ng agos ng buhay na umiiral ngayon. Kung sino ang masaya, mas papasayahin pa. Kaya itago mo muna ang iyong kalungkutan at magsaya ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-25-28-34-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dalawa lang ang dahilan ng kawalang pag-usad ng kapalaran mo. Una, ang kawalan ng tiwala sa sarili, at ikalawa, ang hindi pakikipagkaibigan sa iba. Baguhin mo na ang iyong personalidad upang mabago na rin ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-11-15-20-22-39.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Noon ka pa sinusuwerte, at mas bubuwenasin ka ngayon kapag dinalasan mo ang pagdarasal. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-16-21-29-31-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muli, kumilos ka nang kumilos upang kumilos din ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-22-25-37-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa mga pala-daing at reklamador. Sapagkat ngayong panahong ito ng tag-init, hindi lang sakit ang nakakahawa, bagkus maaari ka ring mahawa sa mga reklamador. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-19-26-28-30-43.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 11, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 11, 2026 (Lunes): Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin, at huwag kang mag-aalinlangan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran na dapat mong malaman at isagawa upang suwertehin ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kailangan mong mahirapan ngayon, dahil may babala na lalabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Aakalain mong madali lang makuha ang bawat gusto mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-16-19-23-28-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kailangan ng alalay. Hindi ka dapat masanay na laging may umaagapay sa iyo. Mas maganda kung malaya mong nagagawa ang gusto mong gawin nang mag-isa. Sa pag-iisa, mas mabilis ang suwerte at pag-unlad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-18-21-24-34-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Bakit inaakala mong mas malakas sa iyo ang iyong mga karibal? Sa katunayan, sa biglang tingin lang sila malakas. At ang isa pang totoo, kapos sila sa talino. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-12-20-26-33-38.


CANCER (June 21-July 22) - Nakalimutan mo na ba na ang takot ay nasa isip lang? Magpakatapang ka at gawin mo ang lahat ng gusto mo. Makikita mo, kapag sumugod ka, mas madaling mapapasaiyo ang mga inaambisyon at pinapangarap mo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-2-15-22-30-35-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malamig ang loob ng refrigerator, pero hindi ka dapat manlamig sa pagsisikap. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-14-27-31-36-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng ideya sa mga nauna na sa iyo. Hindi ka puwedeng magmalaki ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-28-30-39-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtago sa masasayang aktibidad. Ang mga problema ay hindi iniiwasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-21-23-32-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kailangan mo, iyon ang pag-ukulan mo ng pansin. Hindi ka dapat matuksong maghangad sa mga bagay na hindi mo naman talaga mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-1-15-25-31-39-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka madadalian, iyon muna ang iyong unahin. Ang mahihirap na gawain ay ipagpaliban mo muna. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-17-20-22-35-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinaghahandaan ang hinaharap, at hindi hinihintay. Nagsasakripisyo at nagsisikap ka para sa magandang kinabukasan, hindi ba? Kaya huwag mong kalilimutan ang mga bagay na ito. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-16-18-24-27-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit wala kang gawin, sa araw na ito ay magsisimula nang umalis sa iyo ang mga hindi magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-13-20-25-30-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang habulin ang mga taong umalis. Sa katunayan, kusa rin silang babalik. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-8-14-28-31-34-41.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 10, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Mayo 10, 2026 (Linggo): Kaarawan mo ngayon. Kaya tiyak na susuwertehin ka. Magsimba, sumamba, o makibahagi ka sa anumang religious at spiritual activities. Makikita mo, lalo pang dadagsa sa buhay mo ang mga suwerte at magagandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mawawala na ang dilim sa landas ng iyong nilalakaran. Dahil dito, ngayon na ang tamang pagkakataon upang gawin mo nang mabilis anumang gusto mong gawin. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-21-28-30-34-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpapatuloy ang pagganda ng ikot ng iyong kapalaran. Dapat mong malaman na kaya mo lamang inaakalang hindi maganda ang takbo ng iyong kapalaran ay dahil natatangay ka ng inis sa mga taong naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-11-17-20-36-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong piliting masolusyunan ang mabibigat mong suliranin na noon pa man ay nakadikit na sa iyong buhay. Sapagkat noon pa man, ang mga bagay na hindi mo kaya, langit mismo ang kumikilos upang makayanan mo ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-16-25-27-30-38.


CANCER (June 21-July 22) - Emosyon ang magbibigay sa’yo ng suwerte. Kaya sa araw na ito, damhin at pairalin mo ang iyong emosyon upang mas gumanda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-19-23-26-32-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magniningning tulad ng isang paganda nang pagandang bituin ang iyong personalidad. Saan ka man makarating, marami ang maghahangad na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-2-18-21-24-36-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawasan mo ang iyong pag-iisip. Alalahanin mo na ang mga isda ay wala sa malalim na tubig, kundi nasa mababaw lamang. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-15-22-28-30-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maniwala sa iyong mga mata at huwag ka ring makinig sa iyong mga naririnig. Magpasya ka ayon sa nadarama ng iyong puso. Sa ganyang paraan, mas magtatagumpay at liligaya ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-20-33-34-38-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pinahihirapan mo lang ang iyong sarili. Kahit pa magulo ang iyong isip, sakyan mo lang ang dikta ng iyong kapalaran. Sa ganitong paraan, liligaya at mapapanatag ang loob mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-14-18-21-29-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maaakit sa iyo ang mga suwerteng nasa paligid mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-17-22-32-39-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ramdam mo bang susuwertehin ka ngayon? Tama ang iyong pakiramdam dahil nagpasya na ang langit na hulugan ka ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-20-26-35-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo obligasyon na bigyang-katuwiran ang iyong mga ikinikilos. Ang mga taong kung anu-ano ang sinasabi sa iyo ay dapat mo lamang dedmahin dahil nakakaabala lang sila sa mga suwerteng paparating sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-19-23-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mula sa malayo, magmamadaling dumapo sa iyo ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-13-24-27-35-43.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page