top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | May 1, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Mayo 1, 2025 (Huwebes): Palaging nakasikat ang Haring Araw sa kapalaran mo. Ibig sabihin, hindi ka iiwan ng suwerte mo anuman ang mangyari sa iyo.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat maapektuhan ng kalungkutan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-20-24-26-30.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa mga taong reklamador at panay ang daing, dahil iisa lang ang kanilang kauuwian at iyon ay ang pagkakaroon ng ‘di magandang kapalaran. Kaya lumayo ka na muna sa kanila at baka madamay ka pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-23-32-39-45

 

GEMINI (May 21-June 20) - Bumibilis ang kilos kapag ang tao ay sinusuwerte. Ito mismo ang mangyayari sa iyo, dahil bubuwenasin ka ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-26-29-31-38-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kahit masipag ang tao, ‘di pa rin siya uunlad kung wala sa lugar ang kanyang kasipagan. Tukuyin mo kung saan ka magaling at doon mo gamitin ang iyong kasipagan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-25-34-38-40.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Sabi nila, sa likod ng madilim na ulap, meron liwanag. Kaya panatilihin mo ang ningas ng iyong pag-asa kahit pa may pinagdaraanan ka. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-22-27-30-35.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka hihiwalayan ng mga suwerte ngayon, dahil noon pa nagpasya ang langit na kahit ano ka pa, papakitaan ka pa rin ng pagmamahal ng Diyos. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-13-21-24-41.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Madalas nakakalimot ang kaibigan. Subalit hindi ibig sabihin nu’n ay hindi na niya pinahahalagahan ang inyong pinagsamahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-22-29-37-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nababasag ang itlog kapag malapit nang lumabas ang sisiw. Kaya mali ang inaakala mo na kaya nabasag ang isang bagay at dahil sa paparating na kamalasan. Sa katunayan, mas susuwertehin ka pa sa susunod na mga araw. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-17-23-39-44.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ito paramihan ng kaibigan. Sa katunayan, mas konting kaibigan, mas masaya. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-3-12-22-28-32-43.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka dapat magdusa at masaktan sa maling pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-08-17-25-30-41.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mas matamis ang bunga kung ito ay hihintayin munang mahinog. Huwag kang mainip at isabuhay mo muna na ang taong marunong maghintay ay tiyak na magkakaroon ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green.Tips sa lotto-15-18-21-28-33-40.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isinasauli ang hiniram. Kaya anuman ang hiramin mo, isauli mo ito agad. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-24-30-35-42.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Apr. 29, 2025



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Abril 29, 2025 (Martes): Kahit madalas kang naiisahan ng kapwa mo, ipagpatuloy mo pa rin ang iyong kabaitan.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawakan mo ang sarili mo. Nagbababala ang iyong kapalaran na gugustuhin ka nilang maging bahagi ng kanilang buhay upang magamit ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-23-28-30-31-36.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapatalo sa iyong emosyon. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-11-18-20-21-29-30.


GEMINI (May 21-June 20) - Papasanin mo ang krus ng ibang tao. Ang nakakagulat at nakakatuwang balita ay masasarapan ka habang pinoproblema ang suliranin ng iba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-10-14-25-31-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Muli, mas maganda kung mananahimik ka na lamang. Sa katahimikan, nag-iipon ng lakas ang puso na maaaring magamit sa sandali ng pangangailangan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-20-22-25-27-38. 


LEO (July 23-Aug. 22) - Magbawas ka ng mga masasayang aktibidad. Kung ano lang ang mahalaga sa iyo, iyon lang ang asikasuhin mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-25-27-35-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Makakaya mo na ang mabibigat na gawain. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-13-14-18-22-25.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magtiwala ka sa iyong sarili at ‘wag kang tumulad sa iba na nakaasa lang sa iba. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-24-29-39.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdaratingan na ngayon ang magaganda mong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-22-23-26-33-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mo ang sarili mo sa tukso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-18-20-28-30-38. 


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag hindi mo kaya, huwag mong pilitin ang sarili mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-29-30-31-32-39.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang tingin nang tingin sa kapwa mo. Dahil may tsansang maakit siya sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-13-25-26-34-37. 


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Isip ang gamitin mo ngayon. Hindi nasosolusyunan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon ang problema. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-24-27-30-42.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Dec. 23, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayon Disyembre 23, 2024 (Lunes): Maraming tagumpay ang nag-aabang sa landas na iyong nilalakaran. Kaya naman, maging masinop at mapagpahalaga ka sa iyong kabuhayan.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ituloy mo lang ang kasalukuyang pormula ng pagpapalaki ng iyong kabuhayan. Huwag mong babaguhin ang anumang lakad o desisyon mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-13-29-35-38.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mabibilis ang mga kaganapan sa iyong harapan, kaya dapat mabilis ka rin, nang sa gayun ay hindi ka maiwanan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-12-14-26-34-45.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Marami kang natutunan sa pakikipagsapalaran. Ang kailangan mo na lang gawin ngayon ay isabuhay ang mga ito at patuloy na dagdag ang iyong kaalaman. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-15-28-30-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Isantabi mo muna ang pagiging sensitive at emotional mo. Bagkus, tutukan mo ang iyong pangkabuhayan. Samantalahin mo ang magandang takbo ng kalakalan, nang sa gayun ay mas dumami pa ang iyong pakinabang. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-19-25-29-33-44.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka pa makakapagpahinga ngayon dahil kakailanganin ka pa rin ng ilang malalapit sa buhay mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-13-23-27-36-45.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang pag-asa ng mga nalugi. Ang bago at kakaibang ideya na naiisip mo ang magpapabawi sa mga nawala sa kanila. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-18-22-28-30-35.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na liligaya ka pagdating sa larangan ng damdamin at materyal na bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-15-19-23-35-42.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibalik mo ang dating ginagawa mo para bumalik din ang magandang takbo ng iyong pinagkakakitaan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-13-21-29-34-41.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muli kang mangako sa sarili mo na hindi ka hihinto hanggang sa makuha mo ang pangarap mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-16-28-33-39.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo kailangan ang mga bagong kagamitan ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-23-32-40-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Masasayang kaganapan ang nakaabang sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-14-18-24-34-42.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi ka manghihinayang sa ipangpupuhunan mo, pero manghihinayang ka kapag sa ibang araw ka pa nakipagsapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-7-16-27-31-44.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page