top of page
Search

ni Lolet Abania | December 15, 2021



Nasa tinatayang 150 indibidwal ang na-trap sa bubong ng World Trade Centre ng Hong Kong ngayong Miyerkules, matapos sumiklab ang sunog sa gusali sa mataong lugar ng Causeway Bay commercial at shopping district, ayon sa mga awtoridad.


Sa ulat ng pulisya sa Reuters, 13 katao ang agad na dinala sa ospital, kung saan isa sa kanila ay semi-conscious o bahagyang nawalan ng malay.


Ayon sa city authorities, gamit ng mga bumbero habang inaapula ang apoy ang dalawang high-powered hose, gayundin ng mga hagdan at breathing apparatus upang i-rescue ang mga nata-trap sa sunog.


Agad naman ang mga shoppers at office workers na lumabas ng gusali habang unti-unting napupuno ng matinding usok dito.


Pinahinto na rin ng pulisya ang trapiko sa ilang pangunahing kalsada sa paligid ng 39-floor World Trade Centre, kung saan maraming mga restaurants, shops at mga opisina.


Ayon sa broadcaster RTHK na batay sa pulisya, nasa 100 katao naman ang pinalikas mula sa isang restaurant patungo sa itaas ng 39th floor nang sumiklab ang sunog habang napupuno ng usok ang dining area.


Batay sa media, ang sunog ay nagsimula sa isang utility room sa lower level ng shopping mall bandang tanghali, bago kumalat sa bamboo scaffolding na nakapalibot sa block.


Hindi naman malinaw ang naging dahilan ng sunog. Patuloy na ring inaalam ng mga awtoridad ang pinagmula ng apoy.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 13, 2021



Sa kabila ng COVID-19 pandemic, tumaas pa ang buwanang sahod ng mga Filipino household service workers (HSWs) sa Hong Kong, ayon sa online survey ng HelperPlace-HK shows.


Nasa 92% ng 12,501 foreign HSWs na sumailalim sa interview mula January 2021 to December 2021 ay pawang mga Pinoy.


"In 2021, the average actual monthly salary for a foreign domestic helper is HK$5,288 (P34,132.96). The average monthly salary for 2019 and 2020 are $4,765 (P30,757.10) and $4,825 (P31,144.39), respectively. It reveals a significant annual increase of 9.60% from 2020 to 2021 compared to only 1.26% from 2019 to 2020," saad ni community head Mark Silva ng HelperPlace.


Nangyari ito sa kabila ng pag-freeze ng gobyerno ng Hong Kong sa minimum monthly salary sa HK$4,630 (P29,885.70), dahil sa travel restrictions na nagdulot sa shortage ng overseas helpers.


"The struggle to book quarantine rooms for helpers due to its limited number, the long process, and the fees for quarantine hotel and food of HK$15,000 (P96,821.92) to hire an overseas helper push employers to find other solutions. As a result, employers have a preference for hiring foreign domestic helpers who are already settled in Hong Kong."


Napag-alaman din sa survey na tumataas ang sahod ng isang HSW depende sa years of experience nito; majority sa kanila ay nagtatrabaho nang higit 12 oras kada araw; karamihan ay mayroong libreng pagkain sa pinapasukan; at mayroon pa ring HSWs na living-out kahit ipinagbabawal ito ng batas.


“Based on the survey, the hiring channel is one of the important factors for salary. The average salary ranks lowest for the agency ($4,683 or P30,227.80), then online platform ($5,393 or P34,810.71), and highest for employer referral with $5,418 (P34,972.08).”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 23, 2021



Maaari nang makapasok sa Hong Kong ang mga Filipino workers na nabakunahan sa Pilipinas sa susunod na linggo, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III noong Linggo.


Matatandaang kamakailan, ang mga nabakunahan lamang na OFWs sa Hong Kong ang pinapapasok sa naturang bansa at hindi tinatanggap ng kanilang pamahalaan ang mga vaccination certificates mula sa mga local government units ng Pilipinas.


Ngunit ayon sa DOLE, sa pakikipag-ugnayan ng ahensiya sa Bureau of Quarantine (BOQ) at Philippine consulate sa HK, inaprubahan na ang pagpapapasok sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na bakunado na laban sa COVID-19 ngunit nararapat na ipakita nila ang mga valid vaccine certificates mula sa BOQ.


Ayon kay Bello, 3,000 OFWs ang nakatakdang i-deploy sa Hong Kong.


Samantala, sasailalim umano ang mga OFWs sa quarantine sa mga specified hotels na sasagutin ng kanilang mga employers.


Ayon pa sa kanya, nakikipag-ugnayan na ang pamahalaan ng HK sa mga partner hotels para sa mga iku-quarantine na OFWs.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page