top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 17, 2021



Pumanaw na ang Hollywood actor na si Felix Silla na mas kilala sa pagganap bilang Cousin Itt sa pelikulang "The Addams Family" sa edad na 84, ayon sa kanyang kaibigan na si Gil Gerard ngayong Sabado.


Pahayag ni Gerard, "Felix died just a few hours ago and the only good I can draw from his passing is that he didn’t suffer any longer.


"I will miss him terribly, especially the great time we had at our panels. Just him telling me to go 'f ' myself."


Parehong naging bahagi ng "Buck Rogers in the 25th Century" sina Silla at Gerard.


Ayon sa ulat, pancreatic cancer ang ikinamatay ni Silla na ilang taon din niyang pinaglabanan.


Napasama rin si Silla sa film na "Planet of the Apes" (1968). Noong 1983, gumanap naman siya bilang Ewok sa "Star Wars: Episode VI — Return of the Jedi" at naging bahagi rin siya ng "Indiana Jones and the Temple of Doom" noong 1984.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 26, 2021




Pumanaw na ang Hollywood award-winning actress na si Jessica Walter noong Miyerkules sa New York City sa edad na 80, ayon sa kanyang anak.


Pahayag ng anak ni Walter na si Brooke Bowman, "It is with a heavy heart that I confirm the passing of my beloved mom, Jessica.


"A working actor for over six decades, her greatest pleasure was bringing joy to others through her storytelling both on screen and off. While her legacy will live on through her body of work, she will also be remembered by many for her wit, class and overall joie de vivre."


Samantala, hindi binanggit ng anak ni Walter ang sanhi ng kanyang pagkamatay. Isinilang si Walter sa New York City at naging kilala sa kanyang pagganap sa mga pelikulang "Grand Prix", "Play Misty for Me", at "Photo Finish" kung saan siya nakatanggap ng Clarence Derwent Awards noong 1963. Nanalo rin si Walter ng Emmy award noong 1975 sa pagkabilang niya sa series na "Amy Prentiss" ng NBC.


Bahagi rin si Walter ng television series na "Trapper John M.D." at "Streets of San Francisco."


Mas naging tanyag ang pangalan ni Walter sa kanyang pagganap bilang si Lucille Bluth sa classic series na "Arrested Development" at pagbibigay-tinig sa katauhan ni Malory Archer ng animated series na "Archer."

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | January 29, 2021




Pumanaw na ang Hollywood actress na si Cicely Tyson sa edad na 96 noong Huwebes nang hapon.


Pahayag ng manager ni Tyson na si Larry Thompson, “With heavy heart, the family of Miss Cicely Tyson announces her peaceful transition this afternoon. At this time, please allow the family their privacy.”


Walang binanggit na dahilan ng pagkamatay ni Tyson na nakilala sa kanyang pagganap bilang “strong black woman.”


Na-nominate siya para sa Best Actress sa Academy Awards dahil sa pagganap niya bilang si Rebecca Morgan sa 1972 film na "Sounder.” Nagwagi si Tyson ng dalawang Emmy awards dahil sa “The Autobiography of Miss Jane Pittman" (1974) at "The Trip to Bountiful" (1985).

 
 
RECOMMENDED
bottom of page