top of page
Search

ni Hiraya - @No Problem| December 20, 2020




Dahil ibang-iba ang 2020, napakarami nating adjustment. Marami ring mga aktibidad at tradisyon ang hindi natin nagawa dahil hindi pa safe.


At ngayong Kapaskuhan, bawal pa rin ang mass gathering para iwas-hawaan, kaya for sure, “virtual party” na lang muna ang ganap ng karamihan sa atin.


Pero ang tanong, paano naman ito gagawin? Worry no more dahil narito ang ilang tips para first-ever virtual party ninyo:


  1. PUMILI NG TEMA. Bukod sa pula at berde, marami pang kulay na puwedeng gamitin bilang tema sa inyong virtual party. Gayunman, puwede ring gumawa ng tema base sa paborito ninyong holiday movie. Dahil first time ito, pumili muna ng madali at komportableng tema na swak sa personality ninyong magkakaibigan o pamilya.

  2. MAGPADALA NG IMBITASYON. Pagkatapos pumili ng tema, magpadala ng imbitasyon sa iyong guests. Make sure na maganda at mapapa-“wow” ang makatatanggap nito para sure na hindi sila tatanggi. He-he-he!

  3. MAGHANDA NANG MAAGA. Para iwas-stress at hindi magahol sa oras, puwedeng-puwede kang maghanda nang isa o dalawang araw bago ang virtual party. Halimbawa, kung magluluto para sa pamilya, ihanda na ang mga rekado o kagamitang kailangan para tuluy-tuloy ang pagkilos at hindi maabala ang party.

  4. HOLIDAY PLAYLIST. Ang paghahanap at pamimili ng music para sa party ay isa sa mga pinaka-chill na gawain. Ang paggamit ng holiday playlist o music ay makatutulong para ma-set ang mood ng party kahit hindi kayo magkakasama.

  5. HUMINGI NG TULONG. Akala natin, madali lang itong gawin dahil hindi kailangang maglinis ng bahay, magluto para sa mga bisita at kung anu-ano pa, kaya feeling natin ay hindi kailangang humingi ng tulong sa iba. Pero kung hindi ka gaanong techy o maalam sa mga teknikal na bagay, oks lang naman humingi ng tulong sa iyong kapamilya o kaibigan para maging successful ang ganap na ito.


Oh, mga beshies, may time pa kayo para mag-isip at mag-imbita. Make sure na gagawin n’yo ang tips na ito para iwas-stress ang inyong kauna-unahang virtual party. Copy?

 
 

ni Hiraya - @No Problem| November 30, 2020




Kahit may pandemya, for sure, may mga ganap pa rin ang bawat isa sa atin. Dahil ipinagbabawal pa rin ang mass gathering, challenging ang set-up dahil marami ring kailangang sundin tulad ng tamang social distancing, pagsusuot ng facemask at face shield, at marami pang iba.


Sa kabilang banda, tiyak na marami rin sa ‘tin ang nagdadalawang-isip kung tatanggapin ang imbitasyon ng ilang kaanak o kaibigan. Bagama’t nakapag-decide na ang iba na gumora, narito naman ang ilang paraan para tumanggi nang ‘di nao-offend ang nag-imbita.


  1. MAGPADALA NG REGALO. Hindi porke wala ka sa event ay hindi mo na puwedeng ipakita na na-appreciate mo ang imbitasyon sa iyo. Kung ang event ay birthday o wedding, puwede kang magpadala ng gift card o anumang regalo. Kung ito naman ay casual get together, magpadala ng bulaklak o pera at may note na, “I’m sorry, I can’t be there. Dessert’s on me!”

  2. MAGTANONG TUNGKOL SA SOCIAL DISTANCING. Ang “personal risk assessment” ng bawat isa ay iba’t iba. Halimbawa, komportable kang makisama sa ibang tao, pero dapat lahat ay naka-facemask at nasusunod ang tamang social distancing. Kaya ang tanong, oks lang bang tanungin ang host kung keri niyang bantayan kung masusunod ang social distancing? Well, sey ng experts, hindi, pero depende umano ito sa relationship mo sa host. Kung siya ay kapamilya o matalik na kaibigan, oks lang magtanong at katunayan, puwedeng gamitin ang kanilang ugali bilang reference. Kung nakikita mong nagpo-post siya ng mga picture sa isang crowded public area o mga party nang hindi nakasuot ng mask, puwdeng hindi siya istrikto sa mga ganitong bagay ‘pag nag-host siya ng party. Kapag nagtanong ka, mas makatutulong kung gagamit ka ng yes-or-no question sa halip na diretsahin siya dahil hindi lahat ay may parehong pang-unawa kung ano ang “good social distancing”. Mas oks itanong ang ganito, “Magma-mask ba ang mga bisita?” “Magkakalayo ba ang bawat table?”

  3. OKS LANG KUNG ‘DI KOMPORTABLE. Nahaharap pa rin tayo sa pandemya, kaya oks lang hindi maging komportable kapag may ibang taong kasama, lalo na kung hindi mo naman sila nakasalamuha bago ang party o pagkikita. Lahat tayo ay nag-iingat pa rin, kaya ‘wag tayong mahiya na gawin ito sa lahat ng pagkakataon dahil kailangang iprayoridad ang ating kaligtasan, gayundin ang mga mahal natin sa buhay.

  4. ‘PAG NAKALIMUTAN ANG SOCIAL DISTANCING. Bagama’t sinabing dapat naka-mask at oobserbahan ang social distancing, pero makalipas ang ilang oras at napansin mong nabalewala na ang mga ito, it’s time para um-exit. Dehins mo na kailangang magpaliwanag kung bakit mo kailangang umalis dahil oras na hindi ka na komportable sa ginagawa ng ibang guest, mas oks na umalis na lang. Gayunman, dapat sabihan mo ang host na uuwi ka na at magpasalamat sa imbitasyon.


Kung sa una pa lang, alam mo nang mababalewala ang minimum health standards, mas oks na ‘wag na lang pumunta.


Wala namang masama sa pagtanggi, lalo na kung para naman ito sa ating ikabubuti. Marami pang “next time” kung kailan mas safe at oks nang mag-party nang wala tayong ibang iniintindi. Kailangan lang natin masabi nang maayos ang ating desisyon para hindi rin ma-offend ang ating kapamilya o kaibigan na nag-imbita. Copy?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page