top of page
Search

ni Lolet Abania | December 7, 2021


ree

Nakapagtala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng 23 highly urbanized cities, karamihan dito ay mula sa Metro Manila na nakamit na ang target na herd immunity kontra-COVID-19.


“Umaabot po na 23 siyudad ang umabot na po ng 70% and up na fully vaccinated. So ibig sabihin po … ay nakamit na ang herd immunity sa target population,” pahayag ni DILG Secretary Eduardo Año sa kanyang report kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the People na ipinalabas ngayong Martes.


Kabilang sa listahan na mula sa National Capital Region na na-achieve na ang herd immunity ang mga sumusunod:

• San Juan City

• Mandaluyong City

• Pateros

• Marikina City

• Taguig City

• Pasay City

• Las Piñas City

• Parañaque City

• Manila City

• Muntinlupa City

• Makati City

• Valenzuela City

• Quezon City

• Navotas City

• Pasig City

• Malabon City

• Caloocan City


Sa labas naman ng NCR ay sa Baguio City, Angeles City, Iloilo City, Lapu-Lapu City, Mandaue City at Davao City.


Samantala, naunang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na plano ng gobyerno na magbigay ng second dose sa pitong milyong Pilipino sa second leg ng isasagawang mass vaccination drive mula Disyembre 15 hanggang 17.


Hanggang nitong Disyembre 6, tinatayang nasa 38.7 milyon indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, batay sa datos ng gobyerno.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 4, 2021


ree

Dahil sa paglaganap ng Delta variant, mahirap na umanong makamit ang herd immunity sa ating bansa, ayon sa isang eksperto.


Dagdag pa rito, nahahawahan pa rin ng COVID-19 maging ang mga indibidwal na kumpleto na ng bakuna.


Dahil dito, dapat itaas na raw ang target na bilang ng populasyon na babakunahan kontra COVID-19, ayon kay Dr. Rontgene Solante.


“Because of this Delta variant, that’s the game changer now, that all countries are recalibrating their target of vaccination rate, not necessarily herd immunity, but vaccinating the whole population,” ani Solante.


“For example, Israel is vaccinating 70 percent. Initially they said they were able to achieve herd immunity. But now since there were breakthrough infections even at 70 percent, they are now targeting 100 percent vaccination and even giving booster to the elderly. My opinion, very difficult to achieve herd immunity with the virus that’s highly transmissible and at the same time can evade immunity or protection against many of these current vaccines,” dagdag niya.


Matatandaang kamakailan lamang ay sinabi ng World Health Organization na laganap na ang mas nakahahawang Delta variant sa bansa.


Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, posibleng makamit ng Pilipinas ang herd immunity bandang unang quarter ng 2021, kung saan target mabakunahan ang 77 milyong Pilipino.


“Supply permitting and assuming that there will be about 500,000 or 600,000 doses jabbed per day, the conservative estimate is… we might be able to achieve herd immunity sometime second month of the first quarter. Mga first quarter po ‘yan, mag-spill over po sa first quarter 2022,” ayon kay Duque.


Masasabing naabot na ang herd immunity kung nabibigyan ng proteksiyon mula sa virus maging ang mga hindi bakunado, sa pamamagitan ng pagbabakuna ng malaking bahagi ng populasyon.

 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 28, 2021



ree

Tatlong libong overseas Filipino workers (OFWs) at 2,000 minimum wage earners ang tinatarget mabakunahan kontra-COVID-19 ngayong darating na Labor Day, May 1, ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.


Aniya, "Humingi ako kay Galvez... binigyan naman ako ng 5,000 bakuna para sa pagbabakuna namin ng 3,000 OFWs at saka 2,000 manggagawa. Gumagawa na kami ngayon ng listahan."


Matatandaang nagsimula ang vaccination rollout sa ‘Pinas noong ika-1 ng Marso sa pangunguna ng mga frontline healthcare workers at pulis na sinundan ng mga senior citizens at may comorbidities.


Kabilang din sa mga naging prayoridad sa bakuna ang mga mayor at governor na nasa high risk areas.


Sa ngayon ay prayoridad na ring mabakunahan ang mga nasa A4 Priority Groups, kung saan kabilang ang mga frontline employees upang maabot ang herd immunity sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page