top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 25, 2021


ree

Umabot sa 79 nurses ang nag-resign sa 16 government hospitals sa Quezon Province ngayong taon, batay sa tala ng provincial health office.


Kabilang dito ang nasa 60 nurse na nagbitiw sa Quezon Medical Center mula Enero hanggang ngayong Setyembre.


Ilan daw sa mga dahilan ay ang pagod, pangamba sa COVID-19 at oportunidad abroad, at ang naunsiyaming pagtaas ng kanilang suweldo mula salary grade 11 papuntang salary grade 15.


"Isang malaking factor 'yan maybe partly 'yung talagang nababaan 'yung kanilang income, compared to jobs abroad and more on frustration as it’s already in the law. We were always operating the hospital on a handicapped staffing sa nurses," ani Quezon Medical Center chief of hospital Dr. Rolando Padre.


Naunsiyami ang pagtaas ng kanilang suweldo dahil reenacted budget lamang ang nagagamit ngayon matapos hindi aprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ang 2021 Proposed Annual Budget na P3.8 bilyon.


"Ang isyu doon is very simple, kapag ginamit ko 'yung reenacted budget na 2020, 2019 wala pang COVID noon, so wala ako pang-COVID response for the 2021 budget, kaya 'yung tulong na natatanggap ko galing lahat sa national government," ani Quezon Governor Danilo Suarez.


Ayon naman sa head nurse ng Quezon Medical Center na si Yonito Rivero, umaasa sila na mabibigyan pa sila ng tamang pasahod para mabigyan ng hustisya ang lahat ng kanilang pagod.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 21, 2021


ree

Malaki ang kakulangan ngayon sa manpower ng Lung Center of the Philippines matapos tamaan ng COVID-19 ang 36 nilang health workers.


"Sa ngayon ang active cases namin 36. Isa na ito sa pinakamadami sa history ng Lung Center since last year. Pero 405 na po ang naka-recover dito. Ang total namin 442. This is actually a good batting average compared to other healthcare hospitals,” sabi ni Dr. Norberto Francisco, ang humahawak sa media relations ng ospital.


“Ngayon, hirap po kami kasi talagang kulang na kulang ang manpower. We want to expand our services and we have been, isa ito sa pinakamataas naming din-dedicate ang ospital sa COVID beds, nasa 84 percent po kami ng capacity ng ospital dedicated sa COVID. Ang isa sa pumipigil yung healthcare personnel namin, limitado po. Masalimuot ang COVID, maalagain ang mga pasyente,” sabi ni Francisco.


Sa ngayon ay puno pa rin daw ang kanilang ospital at minsan ay umaabot pa ng hanggang limang araw ang paghihintay ng mga pasyente sa emergency room para maiakyat sa kwarto.

 
 

ni Lolet Abania | August 26, 2021


ree

Ipinahayag ng Alliance of Health Workers (AHW) na binibigyan na lamang nila ng hanggang Biyernes, Agosto 27, ang gobyerno para i-release ang kanilang mga benepisyo o tuluyan nilang isasagawa ang planong kilos-protesta.


Sa isang radio interview ngayong Huwebes, sinabi ni AHW President Robert Mendoza na nagkaroon sila ng pagpupulong nitong Miyerkules at nabuo ang kanilang desisyon na paigsiin ang deadline ng hinihintay nilang benepisyo mula sa pamahalaan.


“Nag-set na kami na ‘yung ginawa naming September 1 [na deadline] ay dapat sa Friday na, dahil wala kaming inaantay na magandang balita para sa mga health workers,” ani Mendoza.


Matatandaang nagbanta ang grupo na magsasagawa ng mga mass protests kung mabibigo ang Department of Health (DOH) na i-provide ang lahat ng mga benepisyo at kompensasyon ng medical frontline workers ng Agosto 31.


Nitong Miyerkules, inianunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) na nai-release na nila ang P311.79 milyon subalit ito ay para lamang sa mga long overdue na special risk allowances (SRAs) ng mga health workers.


Giit ni Mendoza, dapat na ibigay din ng DOH ang P38,000 halaga ng meal at transportation allowance mula Disyembre 2020 hanggang Hunyo 2021, pati na rin ang P3,000 monthly active duty hazard pay ng mga medical frontliners.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page