top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 13, 2021



ree

Nagsagawa na ng contact tracing ang Philippine National Police (PNP) simula noong Biyernes sa mga nakasalamuha ni Gen. Debold Sinas matapos itong magpositibo sa COVID-19.


Pahayag ni PNP Officer In Charge Lt. Gen. Guillermo Eleazar, “Based on the guidance of our Chief PNP, General Debold Sinas, all our personnel who made close contact with him must be checked as a matter of protocol and for their health safety and the safety of their family.”


Ayon kay Eleazar, ang lahat ng nakasalamuha ni Sinas simula noong Marso 9 hanggang Marso 11 sa mga pinuntahan nitong lugar ay kailangang matukoy at maisailalim sa Health assessment kabilang na ang mga miyembro ng media.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 19, 2020


ree

Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyon ng publiko at mga eksperto na gawing exempted ang mga solo-riding cyclists sa pagsusuot ng face shields sa bagong polisiya bilang parte ng health protocols.


Pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario, “This is a form of exercise kasi and when you do your exercises, you require for oxygen.


“So, nu’ng nagpalabas po tayo ng guidelines noon sa mask, atin pong nabanggit ito at sinasabi natin na kung hindi talaga kaya ay hindi naman kailangang gawin as long as you are alone at mag-isa ka lang naman du’n sa bisikleta and you are not in a crowded place.


“So, ito pong pagpe-face shield when you do your biking ay atin pong pag-uusapan, pero nakikita po natin that we can consider this as long as alone sila at nagbibisikleta.”


Ayon din sa DOH, maglalabas sila ng joint administrative order sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa guidelines ng pagsusuot at paggamit ng face shields.


Pag-aaralan din umano ng DOH kung papayagan ang mga may sakit, ang mga nahihirapang huminga na maging exempted sa pagsusuot ng face shield.


 
 

ni Twincle Esquierdo | December 13, 2020


ree


Inaresto ng Manila Police District Station 3 ang 20 katao na pumunta sa isang reception ng binyag sa Manila North Cemetery nitong Sabado ng gabi. Nilabag ng mga suspek ang health protocol na ipinatupad ng Department of Health (DOH) laban sa Covid-19.


Nagulat na lamang ang mga bisita nang biglang dumating ang mga pulis kung saan ginanap ang nasabing reception. Naglagay din sila ng tent para sa nasabing reception, walang mga suot na face mask at face shield at nagbi-videoke pa habang nag-iinuman.


Dinala sa isang covered court malapit sa Station 3 ng MPD sa Sta. Cruz, Maynila ang mga inaresto at nahaharap sa reklamong paglabag sa health protocols.


Nauna nang nagbabala ang DOH na bawal ang pagbi-videoke dahil mataas ang tsansang makapag-transmit ng virus habang kumakanta dahil iisang mic lang ang ginagamit na pinagpapasa- pasahan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page