ni Angela Fernando @News | September 14, 2024
Nanindigan si Surigao del Norte Representative Ace Barbers, ang pinuno ng apat na joint committees ng Kamara na nagsisiyasat sa mga umano’y krimen na kinasasangkutan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na ang subpoena para sa mga dokumentong pinansyal ni dating presidential spokesperson Harry Roque ay nakabatay sa interes ng publiko.
"[The] right to public information that affects the national interest must prevail over right to privacy in an inquiry in aid of legislation," saad niya.
Binigyang-diin din ng mambabatas na nais lamang ng House quad committee na sagutin ni Roque ang mga tanong mula sa mga miyembro nito.