top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 4, 2021


ree

Naghain na ng kandidatura si dating pangulo at speaker Gloria Macapagal-Arroyo para tumakbo bilang kongresista ng 2nd District ng Pampanga.


Ayon sa kanyang anak na si incumbent Pampanga 2nd District Rep. Juan Miguel Arroyo, nagpadala ng kinatawan ang kanyang ina para ihain ang certificate of candidacy (COC) nito noong Oktubre 1.


Kung mahahalal si Macapagal-Arroyo, ito na ang kanyang ika-apat na termino sa Kamara.


Una siyang nagsilbing kongresista ng 2nd district ng Pampanga mula 2010 hanggang 2019.


Noong Hulyo 2018, inihalal siya bilang lider ng Kamara ilang oras bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 
 

ni Lolet Abania | November 26, 2020


ree

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo bilang adviser sa Clark flagship programs at iba pang proyekto dito, ayon sa Malacañang ngayong Huwebes.


Kinumpirma ito ni Executive Secretary Salvador Medialdea kung saan ang appointment ni Arroyo ay magkakaroon ng compensation umano na P1 kada taon.


Positibo naman ang tugon ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) sa pagkakatalaga kay Arroyo.


"Her wisdom and gravitas will be invaluable in making the vision of Clark as the next premier metropolis of Asia a reality," ayon sa inilabas na statement ng (BCDA). Naging pangulo si Arroyo mula January 2001 hanggang June 2010.


Nagsilbi siya ng tatlong magkakasunod na termino bilang congresswoman sa second district ng Pampanga at naging Speaker mula 2018 hanggang 2019.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page