top of page
Search

ni Gerard Peter - @Sports | May 03, 2021



ree

Napanatili ni 2016 Rio de Janeiro Olympian boxer Charly Suarez ang malinis na kartada sa kanyang professional boxing career nang pasukuin sa 4th round si Pablito Canada Jr., Sabado, sa main event ng VSP Boxing na ginanap sa Urdaneta Cultural Sports Complex sa Pangasinan.


Pina-ayaw ng 32-anyos mula Sawata, Davao del Norte ang mas batang boksingero sa edad na 26-anyos mula Sampaloc, Manila sa 4th round ng kanilang 6th round super-featherweight bout nang magsimulang maghagis ng tuwalya ang kampo kasunod ng gulping inabot sa laban.


Nakatakda sanang makalaban ng 3-time SEA Games gold medalist ang Puerto Princesa City, Palawan-native na si Lorence Rosas, ngunit sa kasamaang palad ay tinamaan ito ng sikat na sakit kaya’t iniatras sa laban, habang ang makakalaban din sana ni Canada Jr. ay tinanggal rin sa boxing card na siyang dahilan ng biglaang pagtatapat ng dalawa.


Praise the Lord for the victory ba ibinigay niya po sa akin. Ang tanging plano lang talaga namin is laruin kung ano yung naaakma ng galaw niya tsaka namin gagawin yung atake namin,” pahayag ni Suarez sa panayam ng Bulgar Sports sa online messaging na umakyat sa 6-0 (5KOs) ang kanyang marka.


Pinahirapan ni Suarez si Canada Jr sa mga binitawang kumbinasyon sa iba’t ibang bahagi ng katawan at ulo na naging dahilan upang mangapa ng todo ito sa diskarte ng Philippine national team member.


Ilang mga matitinding birada ang binitawan ng 2014 Incheon Asian Games silver medalist sa Pagadian City, Zamboanga del Sur-native para mapaluhod ito at sumubsub sa katawan ni Suarez upang maiwasan ang pagbagsak. Ngunit nagpatuloy sa atake si Suarez sa 4th round sa mga binitawang kaliwa’t kanang combination hook upang tuluyang umayaw ito sa nalalabing 16 segundo sa ika-4th round. “Wala naman pong plano na pabagsakin. Undercard dapat siya sa laban ko kaso nagkasakit kase yung dalawang boxer’s kaya kami ang naglaban,” esplika ni Suarez.

 
 

ni Gerard Peter - @Sports | May 03, 2021



ree

Dinomina ng No.5 seed Dumaguete ang No.4 ranked Tabogon sa overtime, 67-65, Sabado ng gabi para makausad sa stepladder playoffs ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup Visayas leg sa Alcantara Civic Center sa Cebu.

Sumandal ang fifth seeded Dumaguete Warriors sa mapagmilagrong kamay nina Ronald Roy at Jaybie Mantilla upang silatin ang 4th placer na Tabogon Voyagers, sa kauna-unahang overtime game sa Visayas leg, habang naitakbo ng ARQ Builders Lapu-Lapu City Heroes ang panalo laban sa Tubigon Bohol Mariners, 73- 69, Sabado, sa stepladder playoffs.


Isinalpak ni dating Marikina Shoe Masters guard na si Roy ang naglalagablab na three-point shot sa 1:37 ng extension period habang ibinuslo ng dating 2017 CESAFI MVP na si Mantilla ang importanteng free throws para dalhin sa overtime ang laro at ang panuldok na technical freethrow para gulantangin ang Voyagers sa knockout playoff round.


Kumunekta ng double-double sina Roy na may 11 puntos, 12 rebounds, 3 assists at 3 steals; ang one-and-done player ng University of the Philippines at University of San Jose-Recoletos star na si Mantilla sa 24pts, 12 rebs, 3 assists at 4 steals, habang trumabaho rin si Mark Doligon na may 17pts, 10rebs, at 2 assts para sa Warriors, samantalang nasayang naman ang 18pts at 21rebs ni dating FEU center Arvie Bringas para sa Voyagers.


Nagkapit-kamay naman sa pagsaklolo sa Lapu-Lapu City Heroes sina dating PBA veteran Reed Juntilla at dating Adamson Soaring Falcons stalwart Dawn Ochea upang tuluyang patalsikin sa kumpetisyon ang Bohol Mariners at manatiling buhay ang pag-asang makakatapat sa semifinal round ang may bentahe ng twice-to-beat na KCS Computer Specialist Mandaue City sa Martes.

 
 

ni Anthony E. Servinio / Gerard Peter - @Sports | May 02, 2021



ree

Magaan na dinispatsa ng ARQ Builders Lapu-Lapu ang Tubigon Bohol Mariners, 101-67, Biyernes ng gabi sa pagtatapos ng double-round elimination, habang nasiguro ng KCS Computer Specialists-Mandaue City ang No.1 spot sa semifinals ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Civic Center sa Cebu.


Tinapos ng ARQ ang eliminasyon tangan ang 5-5 para masungkit ang No.3 seed sa stepladder playoffs simula ngayong Sabado (Mayo 1). Muling magtutuos ang Heroes at Mariners squad (2-8) sa knockout game stepladder phase ganap na 3:00 ng hapon. Nauna rito, hindi na nagpatumpik ang KCS Mandaue City para ibaon ang Dumaguete City tungo sa dominanteng 78-50 panalo at patatagin ang kampanya na makausad sa Finals ng kauna-unahang professional basketball league sa South sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).


Napatibay ng KCS ang katayuan sa No.2 tangan ang 8-2 record at twice-to-beat advantage sa semifinal duel. Naghihintay na sa best-of-three Finals ang MJAS Zenith-Talisay City na awtomatikong umusad sa championship round matapos walisin ang elimination tangan ang 10-0 karta. “Of course, maganda ang morale nila pero mas importante is our defensive schemes are getting more consistent than before. We are also addressing the rebounding. I think we are more than ready for the semis,” pahayag ni coach Mike Reyes.


Naitarak ng KCS ang 17 puntos na bentahe sa halftime, 37-20. Mula rito, hindi na nakatikim ng anumang pagbabanta ang Mandaue sa karibal. “Getting better na si Ping (Excimiano). His groove sa game is medyo okay na. Pero ayun nga every time tatakbo siya, natatakot kami,” sambit ni Bautista, patungkol sa kanyang pambatong forward. “Good thing is okay naman ngayon. Lahat masaya kasi he’s back!” Tinapos ng Dumaguete ang eliminations na may 2-8 marka.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page