top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | March 28, 2023



Makokonsiderang mala-David versus Goliath ang bakbakang Petro Gazz Angels at Creamline Cool Smashers sa kanilang best-of-three championship series – subalit tila nakaisa na ang mas pursigido at determinadong challenger na hindi papaawat upang makuha ang inaasam na back-to-back na korona at makabawi sa koponang lumampaso sa kanila sa nagdaang mga komperensiya.


Nasungkit ng Petro Gazz ang isang pambihirang panalo sa dikdikang Game 1 sa pamamagitan ng fourth set panalo sa 25-22, 24-26, 25-23, 26-24 nitong Linggo ng gabi kasunod ng hindi pagsuko sa laro ni Jonah Sabete kahit may iniindang cramps upang lumapit sa inaasam na kauna-unahang korona sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference na inihahanda ang muling paghaharap sa Game 2 ngayong Martes ng gabi.


Isang panalo na lamang ang kinakailangan ng 2022 Reinforced champions na Angels upang maisakatuparan ang matamis na pagbawi sa Cool Smashers na nangwalis sa kanila noong 2022 Open Conference.


Gayunpaman, nais panatilihin ni coach Oliver Almadro ang bagsik at higpit ng preparasyon dahil hindi nila maaaring balewalain ang kakayahan ng Cool Smashers na makabawi at makabalik sa laban sa tagpong laro sa ganap na alas-6:30 ng gabi, habang tatangkain ding kunin ng F2 Logistics Cargo Movers ang third place finish laban sa PLDT High Speed Hitters sa unang laro sa alas-4:00 ng hapon.


We’re not taking the one-win-away, we just have to do our job, we just have to prepare, and we need to manage ourselves not to be overwhelmed, we have to be consistent, so sabi nga namin we will brief them properly, kase tapos na yung isang game, but hindi pa tapos yung series so sabi nga nila mahirap to get the series,” pahayag ng first-timer Finalist sa professional league, na aminadong babawi ang pwersa ng defending champions, kaya’t kinakailangan ng matinding preparasyon.

 
 

ni VA/GA @Sports | March 27, 2023




Determinado ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mabawi ang gold medal sa men’s basketball ng Southeast Asian Games mula sa koponan ng Indonesia na tumapos sa 52-game winning run at sa paghahari ng mga Pinoy sa rehiyon noong nakaraang 31st SEAGames sa Vietnam.


Ito ang misyon ng Pilipinas sa 32nd SEAG na gaganapin sa Phnom Penh sa Mayo “That moment is upon us, and we’re not leaving any stone unturned in our overall bid to regain basketball glory in our region," ani SBP president Al Panlilio.


Kaugnay nito, nagsumite ang SBP ng 28-man national pool sa 5-on-5 basketball para sa kanilang Entry By Name (EBN) list sa Philippine Olympic Committee. Nangunguna sa nasabing listahan sina 6-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo, Roger Pogoy at naturalized Filipino Justin Brownlee. Tanging sina Fajardo at Pogoy lamang ang natira mula sa 2021 lineup kung kaya pawang baguhang ang 26 pang isinama sa 5-on-5 Gilas pool.


Kabilang na rito ang mga bagong mukha na sina Mikey Williams, Jeremiah Gray, ang magkapatid na Michael at Ben Phillips, Mason Amos, Jerom Lastimosa, Brandon Rosser, Deschon Winston at AJ Edu. Ang iba pang kasama sa pool ay sina CJ Perez, Chris Ross, Marcio Lassiter, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Jamie Malonzo, Christian Standhardiger, Stanley Pringle Jr, Calvin Oftana, JP Erram, Mikey Williams, Chris Newsome, Raymond Almazan, Norman Aaron Black, Arvin Tolentino, Kevin Alas at Kevin Quiambao. Magsisilbing head coach nila si Chot Reyes. Sa men’s 3×3 na gagabayan ni coach Lester del Rosario, kabilang sa pool sina Angelo Kouame, Almond Vosotros, Samboy De Leon, Brandon Bates, Jorey Napoles, Lervin Flores, Joseph Eriobu, Jeff Manday, Alfred Batino at Joseph Sedurifa. Sa 5-on-5 Gilas Women team na nakatakdang ipagtanggol ang gold medal, nasa pool ni headcoach Patrick Aquino sina Jack Animam, Afril Bernardino, Stefanie Berberabe Mai Loni Henson. Kasama rin nila ang mga beteranang sina Sofia Roman, Mikka Cacho, Clare Castro, Chack Cabinbin, Khate Castillo, Camille Clarin, Monique Allison Del Carmen, Ella Fajardo, Katrina Guytingco, Andrea Tongco, Janine Pontejos, Tin Cayabyab, Ann Pingol, Jhazmin Joson, at Angel Surada.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 27, 2023



Lumapit ang F2 Logistics Cargo Movers sa kauna-unahang podium finish sa liga matapos itaob ang PLDT High Speed Hitters sa iskor na 20-25, 25-22, 25-18, 25-17 sa Game 1 ng Battle-for-third place ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference, kahapon na dinaluhan ng 11,314 manonood sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Nadiskarga man sa unang set ang Cargo Movers matapos ang malinaw na koneksyon ng PLDT, nabuhay ang determinasyon ni middle blocker Aby Marano sa second set upang pangunahan ang atake at depensa ng koponan nang ilista nito ang 19 puntos mula sa 14 atake at limang blocks, habang pinangunahan sa puntusan ni Kim Kianna Dy sa 20pts mula sa 15 atake, tatlong blocks at dalawang aces, gayundin ang ambag ni Ara Galang sa 13pts mula sa matinding anim na blocks, apat na atake at tatlong aces at Kim Fajardo na namahagi ng 21 excellent sets at tatlong puntos.


Nangibabaw ng husto ang matinding depensa ng Cargo Movers nang itala nito ang 18 blocks kumpara sa anim ng PLDT, kabilang ang walong aces matapos maging dikitan ang atake ng parehong koponan sa 48-47. “Siguro noong first part ng game nag-aadjust pa kami, and then noong medyo nakakasabay na kami, come second set na-feel ko na yung fire kaya for the go na,” pahayag ni Marano matapos ang laro, kung saan nanonood ang dating coach na si Ramil de Jesus.


Sakaling mapagwagian ng F2 ang third place, ay maaari ito na ang pinakamataas na puwestong makukuha nito sa liga matapos na maging parte ng liga noong 2022 season at mahigitan ang fifth place finish sa Reinforced Conference, habang asam ng PLDT na mahigitan ang ika-apat na pwesto sa 2022 Invitational Conference.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page