top of page
Search

ni Gerard Arce / E. Miralles-OJT @Sports | March 30, 2023



Itotodo na lahat ng Creamline Cool Smashers ang pinag-ensayuhan at pinaghandaan sa pamumuno ng ace playmaker Julia Morado-De Guzman, habang babawi ang Petro Gazz Angels upang makuha ang back-to-back title sa pangunguna ni Mar Jana Phillips sa winner-take-all Game 3 ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) All Filipino Conference ngayong hapon sa MOA Arena sa Pasay City.


Matapos malasap ang pagkabigo sa Game 1, todo puwersa ang Cool Smashers sa lahat ng aspeto ng laro upang maitulak ang fifth setter panalo sa 18-25, 25-16, 25-18, 23-25, 15-6. Nakatakdang tapusin ang serye at maipagtanggol ng Cool Smashers ang unang komperensiya sa nag-iisang laro ng 5:30 p.m. kung saan puntirya rin ng Petro Gazz ang ikalawang sunod na kampeonato.


Naging mahusay ang pagmamando sa laro ni Morado-De Guzman sa impresibong 30 excellent sets. “Petro Gazz is not a team that you can be complacent with, and we saw that earlier,” aniya, na namumurong makuhang muli ang pagiging best-setter sa komperensiya. “That's what we're going to prepare for training tomorrow, and our best today has to be even better in the coming Game Three.”


Samantala, inilista ng UST Golden Tigresses ang solo third place nang blangkuhin ang kulelat na UE Lady Warriors sa bisa ng 25-17, 25-16, 25-17, kahapon sa 2nd round 85th UAAP women’s volleyball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.


Nag-iisang manlalaro ang senior player at team captain na si Ejiya “Eya” Laure na kumana ng double-digit scoring sa 17 puntos mula sa 15 atake, at tig-isang ace at block.


Inilampaso ng UST Tigers ang UE Red Warriors 28-26, 25-16, 20-25, 25-22, sa men's volleyball.


Umabanse sa 8-1 overall ang UST Golden Spikers, samantalang ang Red Warrior ay nanatili sa sixth spot matapos ang pang-anim na sunod-sunod na talo, 2-7. Sa pahayag ni UST head coach Odjie Mamon, "A W is a W... Yesterday, nagalit ako sa training birthday na birthday ko kasi they were lax, they were complacent pero ano naman yung preparation namin hanggang sa dulo so okay pa ito pero hindi na pupuwede sa next two games."

 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 30, 2023



Mga laro sa Abril 11 (Lunes)


Game 1: Best-of-Three Finals

12:00 n.t. – UPHSD Altas vs San Beda Red Lions (men’s)

2:00 n.h. – CSB Lady Blazers vs LPU Lady Pirates (women’s)


Papasok sa kauna-unahang pagkakataon sa championship round ng women’s volleyball tournament ang Lyceum University Lady Pirates nang silatin ang No.2 ranked na UPHSD Lady Altas sa 25-18, 20-25, 25-17, 26-24 panalo sa 4th set kahapon sa winner-take-all stepladder semifinals sa 98th National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.


Nagpamalas ng mahusay na pagmamando si last season best setter Venice Puzon ng 20 excellent sets, kasama ang 5 puntos mula sa apat na service aces upang pamahagian ng opensa sina Joan Doguna na nanguna sa puntusan sa 17pts mula sa 16 kills, Johna Dolorito sa 14pts mula 13 atake at Janeth Tulang sa 12 puntos, habang sumuporta rin si Jewel Maligmat sa 9 puntos.


Nasayang ang pagkakataon para kay rookie Shaila Omipon na nanguna sa puntusan sa 17pts mula sa 16 atake at katambal na si Mary Rhose Dapol sa 13pts, habang may ambag si Winnie Bedana na siyam at Razel Aldea ng 7 puntos na tumapos ng 8-1 sa eliminasyon.


Bago ito makatuntong sa championship round katapat ang walang talong DLSU Saint Benilde Lady Blazers sa pagtatapat sa Abril 11, nauna munang sinagupa ng Lady Pirates ang Mapua Lady Cardinals na tinapos ang kampanya sa bisa ng 25-18, 25-23, 29-31, 27-25 noong nagdaang Linggo ng hapon.


Samantala, sasagupain ng SBU Red Lions ang three-peat seeking na Altas sa men’s division nang talunin sa sariling stepladder semis ang AU Chiefs sa dikdikang five-setter panalo sa 25-23, 26-24, 22-25, 23-25 16-14 mula sa 34 puntos ni Carl Bedal.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 28, 2023



Mga laro sa Miyerkules


(SM Mall of Asia Arena)

Second Round Eliminations

10:00 n.u. – UE Red Warriors vs UST Golden Spikers (men’s)

12:00 n.u. – UE Lady Warriors vs UST Golden Tigresses (women’s)

2:00 n.h. – FEU Lady Tamaraws vs DLSU Lady Spikers (women’s)

4:00 n.h. – FEU Tamaraws vs DLSU Spikers (men’s)


Sinigurong babawi sa susunod na laro ang defending champions na National University Lady Bulldogs matapos malasap ang ikalawang sunod na pagkatalo sa kamay ng undefeated na De La Salle University Lady Spikers sa pagsisimula ng kampanya sa 2nd round ng 85th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament nitong Sabado.


Ito ang binitawang pangako ni outside hitter Evangeline Alinsug patungkol sa panibagong pagkatalo na nagresulta sa pagbagsak ng koponan sa ikatlong puwesto katabla ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa 5-3 kartada. “After po noong last loss namin noong Wednesday [also against La Salle], may dalawang araw po kami na mag-training. So, pinag-usapan po namin lahat na lahat po ng ginawa namin sa training gagawin namin ngayon,” pahayag ni Alinsug. “And napakita naman po namin, pero alam namin na may kulang pa. Alam ko na may kulang pa. Pero yun nga, sa susunod alam namin na babawi talaga kami,” dagdag ni Alinsug na sunod na makakalaban ang namomroblemang University of the Philippines Lady Maroons sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.


Subalit bago nila maisakatuparan ang naturang pagnanais ay kinakailangang bantayang mabuti ng Lady Bulldogs ang sangkaterbang errors na inirehistro sa nagdaang laro na umabot umano sa 31, habang ayon listahan ay may kabuuang 26 errors ang Jhocson-based lady squad kumpara sa 12 lamang ng DLSU na tinukoy na dahilan ng pagkatalo higit na sa mga importante at krusyal na pangyayari upang muling mawalis ito sa bisa ng 24-26, 24-26, 16-25.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page