top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports News | May 24, 2025



Photo: Palarong Pambansa - Circulated FB


Laoag City - Maaaring hatiin ang mga gagawing mga laro at kompetisyon sa dalawang bahagi sa  gaganaping 65th Palarong Pambansa dulot ng mataas na heat index sa Ilocos Norte.


Inihayag ni Department of Education undersecretary Malcolm Garma, na Secretary-General ng Palarong Pambansa  lilimitahan nila ang kompetisyon ng hanggang 10:00 a.m. at at itutuloy ng 3 p.m. upang hindi mababad sa initan ang mga manlalaro.

 

Number one consideration natin is yung standard is yung elevated Heat Index. So, kahit indoor yan, minsan hindi po kaya na sa sobrang init. Kaya this is why we are making sure that our tournament directors na kung hindi kaya yung init within the venue at playing venues,” ani Garma kasama rin sina Atty. Donato D. Balderas, Jr., Schools Division Superintendent at iba pa. 


Inilahad din ni Garma na naging maigi ang kanilang preparasyon at pagsusuri sa mga playing venues ng 24 sports kabilang ang tatlong Larong Lahi na Patintero, Kadang-Kadang at Sack Race, na pasok sa tamang pamantayan. “We solicited the help of Philippine Sports Commission (PSC) and various NSA’s (National Sports Association) and together with our tournament directors and officials would been going around checking the final playing venue making sure that it is within the standard and second the playability of the venue and third yung condition natin to make sure it is safe,” esplika ni Garma. 


Inaasahang dadalo si Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos bilang pormal na magbubukas ng mga laro kasunod ng mahahalagang mensahe para sa mga kabataan na naglalayong makabuo ng malawak na kahusayan sa pampalakasan.


Sa kabilang banda, pamumunuan ni weightlifting gold medalist Hidilyn Diaz-Naranjo ang Oath of Coaches at Technical Officials, bilang kanyang kauna-unahang tungkulin bilang Technical Director ng Weightlifting event (demonstration sports) sa Palarong Pambansa. 


 
 

ni Gerard Arce @Sports News | Apr. 24, 2025



Photo: PLDT High Speed Hitters at Petro Gazz Angels sa AVC - PVL


Mga laro ngayong Huwebes

(Philsports Arena)

4 p.m. – Zhetysu vs PLDT

7 p.m. – Petro Gazz vs. Baic 


Haharapin ng kapwa PLDT High Speed Hitters at Petro Gazz Angels ang nakalaang tungkulin na malampasan ang malaking pagsubok na hatid sa quarterfinal round sa magkahiwalay na banatan sa 2025 AVC Women’s Volleyball Champions Cup ngayong araw sa Philsports Arena.


Malalaman kung mananatili o magtatapos ang kampanya ng dalawang Pinoy teams na kakaharapin ang mga top teams ng ibang grupo na magsisimula bandang 4 p.m. sa pagitan ng Pool D 2nd placer High Speed Hitters kontra Pool A top seed Zhetysu VC ng Kazakhstan at ang Pool A 2nd ranked Petro Gazz Angels laban sa Beijing Baic Motor.   Nakaantabay  ang 2025 All-Filipino Conference titlists Creamline Cool Smashers laban sa Nakhon Ratchasima sa Biyernes.  


Bagaman natanggap ng PLDT ang masaklap na five-set pagkatalo laban sa Thai squad, pinatunayan ng High Speed Hitters ang kanilang katatagan sa paghabol sa 0-2 set bago tuluyang matalo sa decider. Tila mas kinakailangan pang maging halos perpektong laro ng PLDT laban sa mas matangkad at disiplinadong depensa ng Zhetysu, na kumana ng straight set laban sa Creamline.

 

Same nu'ng bago mag-Thailand. Alam naman namin high level, malakas and all. Pero bilog pa rin naman bola. Tulad ngayon, wala naman nag-expect na makakahabol kami ng dalawa. Pero umabot kami sa dulo,” pahayag ni PLDT coach Rald Ricafort na patuloy na sasandalan si Fil-Canadian Savannah Davison, na ikatlong best scorer ng torneo, katulong sina Cuban import Wilma Salas at Kim Kianna Dy laban kina Karyna Denysova, Valeriya Yakutina at Tatyana Nikitina.

 
 

ni Gerard Arce @Sports News | Apr. 23, 2025



Photo: Nagpakawala ng malupit na atake si PLDT High Speed Hitters spiker Savi Davison upang hindi mapigilan sa depensa ng katunggaling si Anyse Mar Lee ng Nakhon Ratchasima Thailand sa kasagsagan ng kanilang laro sa AVC Women's Volleyball Champions League kahapon sa PhilSports Arena. (Reymundo Nillama)


Kapwa masisilayan sa quarterfinal round ang Petro Gazz Angels, Creamline Cool Smashers at PLDT High Speed Hitters na sasabak sa magkahiwalay na laban sa 2025 AVC Women’s Champions League sa Philsports Arena sa Pasig City sa Huwebes at Biyernes. 


Nagtapos ang preliminary game ng Cool Smashers nitong Lunes ng gabi sa Pool A laban sa Zhetysu ng Kazakhstan sa straight sets na 16-25, 17-25, 17-25, subalit nakapasok ang Creamline sa quarters matapos talunin ng Kazakhs squad ang Jordanian team kahapon sa bisa ng 25-10, 25-15, 25-11. 


Sa kabilang banda, kinapos namang makapagtala ng reverse sweep ang PLDT laban sa Nakhon Ratchasima sa pamamagitan ng 26-24, 25-20, 20-25,20-25,15-9, kahapon. 


Ang buong akalang mabilis magtatapos ang laro kasunod ng 2-0 bentahe ng Thai spikers, nabuhayan ng husto ang High Speed Hitters sa third at fourth set sa bisa ng mga atake nina Savi Davison, Wilma Salas at Dell Palomata upang dalhin sa deciding set ang laro.


Nagawa pang makadikit ng PLDT sa 8-8 iskor sa fifth set subalit nagsunod-sunod ang errors at atake ng Nakhon Ratchasima upang makuha nito ang top spot para sunod na kalabanin ang No.2 seed na Creamline, habang makakatapat naman ng PLDT ang Pool A top ranked Zhetysu VC sa susunod na round.


Nakapasok din ng quarterfinals ang Petro Gazz Angels nang tilarin sa tatlong straight sets ang Hip Hing ng Hong Kong kagabi, 25-8, 25-12 at 25-12 sa bisa ng 17 points ni Giovina Day.  


Swak na rin sa QF ang VTV Binh Duen Long An ng Vietnam vs. Iran na nagresulta sa 22-25, 25-15, 25-20, 25-15 upang makuha ang second spot sa Pool C. Sunod na makakatapat nito ang top ranked ng Pool B na Kaohsiung Taipower ng Chinese-Taipei sa knockout round ng torneong suportado ng federation partners.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page