top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | May 15, 2023




Bumanat ng panibagong panalo si three-division World champion John Riel "Quadro Alas" Casimero upang tanghaling bagong World Boxing Organization (WBO) Global super-bantamweight champion matapos daigin si Filipus "Energy" Nghitumbwa ng Namibia sa bisa ng 12 round unanimous decision kagabi sa Okada Manila Grand Ballroom sa Paranaque City.


Nailusot ni Casimero (33-4, 22KOs) ang pambihirang panalo sa pamamagitan ng dalawang 114-112 at 116-110 na desisyon na nagbigay ng malaking panalo sa orthodox power-puncher kasunod ng six-round knockdown dulot ng kaliwang hook at ang pagbawas sa puntos kay Nghitumbwa sa 12 round dahil sa pagsuntok sa likod ng ulo ni Casimero.


Sinubukang maghanap ng maagang knockout victory ng 34-anyos na tubong Ormoc City, Leyte sa simula ng laban, subalit patuloy sa pagsagot ng mga kontra atake ng Namibian boxer at pilit na naklikipagsabayan sa pakikipagpalitan ng suntok.


"Hindi ko siya mapabagsak talaga kase matibay talaga. Hinahanap ko yung timing ko kase mahirap siyang patamaan talaga, kailangan hanapan mo siya ng ibang anggulo kase inaabangan ka rin talaga niya, kaya hindi ko masabing mapapabagsak talaga agad siya na kailangan laruin muna siya," pahayag ni Casimero sa ginanap na post-fight press conference. "Sinubukan kong huwag layuan siya para mahanap yung suntok ko kaso kailangan kong ilagan din kase malakas talaga, diskarte talaga."


Nagpatuloy sa pagiging agresibo ang 27-anyos na 5-foot-5 boxer na ginagamit ang kanyang reach advantage at counter-punching na istilo na naging malaking problema ni Casimero upang mahirapang maipasok ang kanyang mga atake.


Simula pa lamang ng laro ay pinuntirya na ni Casimero ang bodega ni Nghitumbwa, subalit nanatiling matatag ang pagkakatayo nito at patuloy na tinatanggap ang mga power-punches ng dating WBO bantamweight titlist. Dahil sa nahihirapang maipasok ni Casimero ang kanyang mga suntok ay naiiwang bukas ang depensa nito para kuning bentahe ng Namibian boxer para sa counter-punching.

 
 

ni Gerard Arce / Clyde Mariano @Sports | March 13, 2023




Hawak pa rin ang tatak bilang multi-titled wushu star ni Agatha Wong makaraang masungkit ang gold medal sa women’s taijiquan at taijijian event sa 32nd Southeast Asian Games na idinaos kahapon sa Chroy Changvar Convention Centre sa Cambodia.


Nakatipon si Wong ng 9.683 points sa taijijian event para pangunahan ang kompetisyon.


Umiskor din ang wushu star ng 9.58 points sa taijiquan event noong Miyerkules.


Gintong medalya rin ang nasungkit ng women's recognized poomsae team taekwondo na sina Nicole Labayne, Andaine Laxa at Jocel Ninobla. Bronze medalist sina Jenifer Kilapio ng women's sanda 48kg wushu, Sandrex Gainsan sa jianshu +Qiangshu event.


Nasa 6th place pa rin ang Pilipinas sa medal tally as of 8 a.m. Mayo 12 sa 27 gold, 51 silver at 65 bronze, nangunguna pa rin ang Vietnam sa 58-57-72, 2nd ang Cambodia-56-44-54, 3rd ang Thailand sa 54-39-58, 4th ang Indonesia sa 42-34-58, 5th ang Singapore sa 36-28-33, 7th ang Malaysia sa 24-31-50, 8th ang Myanmar sa 14-13-38, 9th ang Laos sa 6-14-39, 10th ang Brunei sa 1-1-4, 11th ang Timor Leste sa 0-0-2. Nadagdagan ng 2 ginto dakong 5 pm mula kay Wong at Poomsae.


Nabigong madepensahan ni US Penn State University fencer Samantha Kyle Catantan ang kanyang korona sa women’s individual foil matapos magtamo ng knee injury matapos ang semifinal battle. Pilit na tinapos ng 20-anyos na dating UAAP junior’s MVP ang kanyang laro sa semifinal match kontra kay Kemei Chung ng Singapore sa iskor na 15-6. Matapos ng laban ay binuhat si Catantan gamit ang stretcher kasunod ng mamilipit ang kanyang kaliwang tuhod na nagresulta ng matinding pananakit nito.


Dahil sa nangyari ay idineklara ng panalo ng gintong medalya ang mahigpit na katunggali na si Maxine Wong ng Singapore at siya ang silver medalist.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 13, 2023




Hahanap ng maagang knockout na panalo si three-time-division champion John Riel “Quadro Alas” Casimero laban sa knockout artists na si Fillipus “Energy” Nghitumbwa ng Namibia para sa World Boxing Organization Global Super-Bantamweight championship sa darating na Sabado sa Okada Manila Hotel and Casino sa Paranaque City.


Tila nabitin sa kanyang huling laban ang dating WBO bantamweight titlist sa laban kontra Ryo Akaho nung Disyembre sa Paradise City Plaza, Incheon South Korea na nagtapos lamang sa ikalawang round matapos na suriin at baguhin ang laban mula sa No Contest patungo sa knockout dahil hindi nanggaling sa suntok sa batok ang pag-ayaw ni Akaho.


Nabitin ako sa last fight ko dahil dalawang round lang na-stop na, [pero] ngayong Sabado mas maganda pa yung ipapakita natin, abangan nyo yan. Basta may magandang patama, ayun na yun,” pahayag ni Casimero nitong Huwebes ng umaga sa ginanap na press-conference sa Elorde Sports Complex Ballroom sa Sucat, Paranaque City na dinaluhan ng makakatapat na Namibian boxer, gayundin ang iba pang mga nakalinyang sumabak sa undercard match.



Mag thrash-talk na sya habang maaga dahil pagdating ng laban hindi na siya makakapag-thrash-talk, takbo na yan. Pero sana huwag tumakbo para maging maganda yung magiging laban namin,” dagdag ng 34-anyos mula Ormoc City, Leyte.


Samantala, buong pusong ipaglalaban ni Filipino boxer Vincent “Asero” Astrolabio na maiuuwi sa Pilipinas ang bakanteng World Boxing Organization (WBO) bantamweight title laban kay two-time challenger Jason “Mayhem” Moloney ng Australia para sa bakanteng World Boxing Organization (WBO) bantamweight title sa darating na Linggo (oras sa Pilipinas) sa Stockton Arena sa Stockton, California sa Estados Unidos.


Puspusan ang pinagdaanang paghahanda at pagsasanay ng 25-anyos na tubong General Santos City para sa pagsabak sa kanyang kauna-unahang World title bout.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page