top of page
Search

ni MC / VA / GA @Sports | October 03, 2023



Matapos ang kanyang nakapanlulumong performance sa vault na naging sanhi ng kabiguan niya sa individual all-around, nakabawi ang Filipino gymnast na si Carlos Edriel Yulo sa kanyang paboritong event na floor exercise at nakamit ang target na 2024 Paris Olympics berth noong Linggo ng gabi (Manila time) sa 2023 Artistic Gymnastics World Championships sa Antwerp, Belgium.

Tumapos si Yulo na highest ranked gymnast sa floor exercise mula sa inabot nitong disaster sa unang araw ng qualifying.

Pumangatlo si Yulo sa men's floor exercise sa naitala nitong 14.600 points kasunod ng mga nangunang sina Artem Dolgopyat ng Israel (15.100) at Frederick Richard ng US (14.600).


Ngunit dahil qualified na sa Paris Games sina Dolgopyat at Richard hindi pa man naidaraos ang World Championships ay umangat si Yulo.

Dahil dito, nakabawi na rin si Yulo sa kanyang 'di malilimutang pagtatapos sa vault na nagresulta ng kanyang pagka-zero sa vault.

Si Yulo ang ikalawang Filipino athlete kasunod ni EJ Obiena na nakasisiguro na ng slot sa Paris Olympics.


Samantala, inspirado ngayon si Carlo Paalam kontra astiging kasagupa na si regining world champion Carlo Khalokov Abdumalik ng Uzbekistan ngayong Martes sa quarterfinal round. Aakyat si Paalam sa ring kontra 23-ayos na Uzbek ng 7:30 p.m. sa Hangzhou gymnasium. Kailangang dispatsahin ng Tokyo silver medal winner si Uulu Munarbek Siitbek ng Kyrgystan sa Round-of-16 sa iskor na 4-1 upang maabot ang q'finals. Si Seiitbek, 27, ay bronze medalist sa nakaraang World C'ship sa Tashkent, Uzbekistan.


Si Paalam ay sasabak na sa gold medalist para makasama si Marcial sa semis. “Halos lahat sila sa division namin magaling,” pag-amin ng 25-anyos na Pinoy hinggil sa stacked roster sa men's 58 kg class na unang beses siyang lalaban.

 
 

ni GA @Sports | September 21, 2023



Humambalos ng matinding panalo ang Philippine men’s volleyball team nang walisin ang matamlay na koponan ng Afghanistan sa pamamagitan ng 25-23, 25-16, 25-12 upang makuha ang unang panalo sa pagbibida ni power-hitter Bryan Bagunas kahapon na ginanap sa Deqing Sports Centre Gymnasium sa pagdaraos ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China.


Nagawang makabawi ng Pilipinas sa pagkakadapa sa unang laban kontra sa mahigpit na katunggali sa Southeast Asian Games na Indonesia sa straight set nitong Martes sa bisa ng 22-25, 23-25, 20-25.


Bumanat ng husto ang 25-anyos na tubong Batangas City na si Bagunas ng kabuuang 18 puntos mula sa 16 na atake at tig-isang ace at block, kasama ang 7 receptions at 3 digs, habang sumegunda si Steven Charles Rotter sa 13 puntos mula lahat sa atake upang makamit ng bansa ang 1-1 sa Pool F. Nasundan ni Bagunas ang 19-pts na kinana sa pagkatalo kontra Indonesia.


Nag-ambag din sa Pilipinas sina Lloyd Josofat sa 8 puntos mula sa 5 blocks, 2 atake at 1 ace, Joshua Umandal sa 7 puntos mula sa 6 kills at isang ace, kabilang ang 12 receptions, habang may tig-anim na puntos sina Kim Malabunga at Marck Espejo, na sumalo rin ng 5 receptions at 3 digs.


Maagang nagparamdam sina Bagunas at Rotter na kumamada ng 8 at 6 na puntos, ayon sa pagkakasunod, gayundin si Umandal na pumalo ng 5 puntos upang pangunahan ang Pilipinas na maitakas ang first set.


Naging mas epektibo ang takbo ng opensa para sa Pilipinas nang magsimulang magdagdag na rin ng puwersa ang iba pang miyembro ng national squads sa 2nd set, habang patuloy na minanduhan nina Bagunas at Rotter ang takbo ng atake.


Nakatakda namang harapin ng Pilipinas ang Japan ngayong alas-7:00 ng gabi, Setyembre 21, na kasalukuyang kinakaharap sa mga oras na isinusulat ang balita, ang koponan ng Indonesia.

 
 

ni GA @Sports | September 17, 2023



Kumuha ng panibagong koneksyon para sa PLDT High Speed Hitters ang beteranong playmaker na si Angelica “Anj” Legacion upang alalayan ang bagong koponan na maihatid sa inaasam nitong podium finish sa Premier Volleyball League (PVL) 2nd All-Filipino Conference simula Oktubre.


Magsisilbi ring reunion ang muling pagsasama nina Legacion at PLDT ace playmaker Rhea Dimaculangan matapos ang pagkamada ng opensa sa dating koponan na Petron Blaze sa Philippine Super Liga. Papalitan sa pwesto ng 30-anyos na dating Arellano University Lady Chiefs si two-time National Collegiate Athletic Association (NCAA) best setter Venice Puzon mula Lyceum of the Philippine Lady Pirates na naghahanda na sa panibagong season sa susunod na taon.


Back up! Back up! Requesting for back up! With Venice Puzon returning to the collegiate scene, the PLDT High Speed Hitters are proud to welcome Anj Legacion into the fold! Reliable. Hardworking. And a great team player. A perfect complement to Rhea Dimaculangan in our setting department. Let’s get it!!” ayon sa inilabas sa Instagram post ng koponan para ipakilala ang 5-foot-3 setter na minsan ring naglaro para sa UAC Power Hitters at Chery Tiggo 7 Pro Crossovers.


Nabiyayaan ang tandem nina Dimaculangan at Legacion ng matitinding spikers at blockers na malaki ang potensyal na masungkit ang inaasam na medalya sa pro-league matapos muling kapusin sa nagdaang Invitational Conference sa ika-5th place.


Makakasama nila ang mga spikers na sina Fiola Ceballos, Mary Anne Mendrez, Michelle Morente, Jules Samonte, Erika Santos, Honey Rose Tubino at ang nagpapagaling na si Jovelyn Prado, habang nakaantabay naman ang middle blockers na sina Rachel Anne Austero, Jessey De leon, Dell Palomata, at team captain Mika Reyes. Nakaantabay naman sa floor defense sina Maria Viray at best libero Kath Arado.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page