top of page
Search

ni GA @Sports | November 21, 2023



Isinasantabi muna pansamantala ng nag-iisang eight-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao at two-division UFC titlist Conor “The Notorious” McGregror ang pinagdaanang asunto upang magdiwang at magkasama sa isang sport event sa Riyadh Saudi Arabia nitong nagdaang Oktubre.


Matapos ang ilang buwan at umano’y mainit na hirit ni McGregor sa social media laban kay Pacquiao ay muling nagkita at nagkabatian ang mga ito, higit pa rito ay nagkasama sa isang larawan kasama ang dalawang boxing legends na sina “Iron” Mike Tyson at Roberto “El Cholo” Duran. “Tag team in a street fight anyone? I got my team,” wika ni Pacquiao sa kanyang Instagram post.


Maraming fans naman ang natuwa sa pagsasama-sama ng mga legendary combat fighters sa isang okasyon, kung saan maaaring nagsimula ng magkaroon ng kaliwanagan sina Pacquiao at McGregor na nagawa pang magkabiruan at magtawanan sa naturang pagdiriwang.


Iminungkahi pa ng mga fans na kung maaari ay idaan na lamang sa maayos na kasunduan ang kanilang pinagdaanang kaso. Kaantabay nito ang pananabik ng mga tagasunod sa magiging kalalabasan at kahihinatnan ng hinaharap ng dalawang panig sakaling ituloy nila ang naudlot na tapatan noong 2020. “We have a little bit of fun. You know Manny and me, not legal issues, my management stay by its issues,” saad ni McGregor sa panayam ng BT Sport. “I said I kickbox Manny, a kick, so we’ll see what happens,” pabirong hirit nito sa pagtatapos ng interview, kung saan inamin din mismo nito na halos matuloy ang laban nila ni Pacquiao sa Saudi Arabia.


’I feel like I’m the person that can do that. His excellency (Mohammad bin Salman) set myself and Manny Pacquiao together. There was a discussion, it was close for us to fight in Saudi Arabia about two or three years ago now.”

 
 

ni GA @Sports | November 19, 2023



Mga laro sa Martes (Philsports Arena)

2 n.h. – Petro Gazz vs Farm Fresh

4 n.h. – Cignal vs Chery Tiggo

6 n.g. – Choco Mucho vs F2 Logistics

Tinapos ng Akari Chargers ang kanilang three-game losing skid upang balingan ng ngitngit ang kulelat na Quezon City Gerflor Defenders sa dominasyong 25-18, 25-15, 25-19, kahapon sa pagdayo ng 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference sa Aquilino Q. Pimentel International Convention Center sa Cagayan de Oro City.


Kumamada ang dating Ateneo Blue Eagles power-hitter Faith Janine Nisperos kabuuang 11 puntos upang pangunahan ang atake ng Akari na tinapos ang kanilang three-game losing skid at umangat sa 4-4 kartada katabla ang F2 Logistics at Petro Gazz Angels sa three-way tie.


Bumira rin ng sariling 11 puntos si Christine Soyud mula sa 8 atake, 2 service aces at isang block, habang lumista rin ng parehong walong puntos sina Fifi Sharma at Dindin Santiago-Manabat. Naging mahusay rin ang pamamahagi ng bola ni Michelle Cobb na nagbigay ng 10 excellent sets kasama ang dalawang puntos.


It’s a good step-forward and we put our hands together and we really tried to help each other during the game. We put our trust to our coaching system and with each other,” pahayag ni Nisperos matapos ang laro na ikinagalak ang pagbabalik sa Mindanao na lumaki sa Davao City, Davao del Sur. “Syempre it’s nice to be back home and the energy is really different when you’re in the province, kitang kita mo yung grabeng suporta sa’yo ng mga taga-rito, to be out-of-town. It’s really a blessing in disguise because we can also be together in one place as a team,” dagdag ng 23-anyos na dating 2022 UAAP second best Outside Hitter.

 
 

ni GA @Sports | November 17, 2023



Mga laro bukas (Sabado)

(Cagayan de Oro)

4:00 n.h. – Gerflor vs Akari Chargers

6:00 n.g. – PLDT vs Creamline

Tinudla ng NXLed Chameleons ang kanilang ikalawang sunod na panalo para sa kauna-unahang winning streak matapos bokyain ang kulelat na Galeries Tower High Risers sa straight set 25-22, 25-18, 25-17 sa unang laro ng itinakdang triple-header na mga laro sa 6th Premier Volleyball League (PVL) Second All-Filipino Conference kahapon sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City.


Kumarga ng birada sa hambalos si dating Adamson University Lady Falcons middle blocker Krich Macaslang upang sumegunda sa paglatag ng unang winning streak ng NXLed sa kabuuang 11 puntos mula sa walong atake, kasama ang dalawang service aces at isang block upang makatulong ng maigi sa pagkuha ng 3-5 kartada ng koponan na nakatulong si Jhoanna Maraguinot na nanguna sa 13pts mula sa 11 kills, kasama ang pitong excellent digs at anim na excellent receptions, habang nag-ambag rin ng doble pigura si Lycha Ebon sa 10pts at Camille Victoria sa walong puntos.


Nag-mature kami as a player kase may in-game adjustments kami, although natagalan kami half of the sets, pero naka-adjusts kami ginawa namin na pina-delay namin yung movements kase medyo nababasa nga nila yung plays namin,” wika ng 6-foot middle blocker matapos ang laro. “Kailangan lang naming i-maintain yung hunger for the game specially na bago kami, and we will improve as a new team, we are not scared and we will give a good fight that every team in the PVL now can compete.”


Sinandalan ng Chameleons ang matutulis nilang services ng makakuha ng malaking tulong higit sa sa second set upang makalikom ng kabuuang 11 puntos mula sa aces kumpara sa lima lamang ng Galeries, habang mas nabawasan ang mga errors ng NXLed sa 15 laban sa 18 ng Galeries tungo sa ikatlong panalo sa walong laro.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page