top of page
Search

ni G. Arce @Sports | February 1, 2024





Dadalhin ng dekoradong men’s volleyball player na si Bryan Bagunas ang kanyang kahusayan sa Cignal HD Spikers upang mas lalong palakasin ang puwersa ng bagong balasang koponan para sa 2024 edisyon ng Spiker’s Turf.

 

Pinapirma ng 3-time league champion ang pinakamahusay na wing spiker at isa sa mga sandalan ng Pilipinas pagdating sa hatawan matapos itong maglaro para sa Taichung-based club Win Streak ng Taiwan at Oita Miyoshi Weisse Adler sa Japan V.League.

 

Dadalhin ng multi-titlist outside spiker ang galing sa National University Bulldogs na kanyang tinulungan ng dalawang kampeonato, kasama ang pagiging season at Finals MVP, Best Server at Best Attacker na planong makabawi sa 2024 edisyon matapos makuha ang runner-up finish sa Invitational Conference laban sa Sta. Elena-NU Nationals, na minsang naging koponan din ni Bagunas.

 

Excited ako to begin this new chapter of my career with the Cignal HD Spikers. Alam naman natin isa na sila sa pinakakilala at pinakarespetadong teams sa men’s volleyball dito sa Pilipinas, kaya umaasa akong makakatulong ako sa kanilang mahabang listahan ng mga tagumpay,” wika ng dating NU spiker, na tatapusin muna ang paglalaro sa ibang bansa bago ito bumalik sa Pilipinas sa darating na bakasyon.  

 
 

ni GA @Sports | January 30, 2024



Matinding pasabog ang nakahandang ibuhos ni power-lefty spiker Caitlin Viray para sa Farm Fresh Foxies upang masubukang maiangat ang koponan sa mas magandang posisyon sa pakikipagharap sa mga bigating koponan sa darating na bagong season ng Premier Volleyball League simula Pebrero 20 sa Smart Araneta Coliseum.

 

Kabilang ang 5-foot-8 opposite spiker sa siyam na bagong manlalaro na tutulong sa batang-batang grupo upang higit pang patindihin ang opensiba sa seventh season kasunod ng magandang karanasan sa Choco Mucho Flying Titans, kung saan natulungan nitong makapag-ambag ng mahahalagang puntos tungo sa kauna-unahang podium finish sa second place sa nagdaang 2023 Second AFC nung Disyembre.

 

Maaaring mabigyan ng mas maraming pamamaraan sa atake ang Farm Fresh sa pagpasok ni Viray, matapos makakuha ng 2-10 rekord para sa 10th place finish, para mahigitan ang pinakasadsad na kartada sa 13th pwesto sa debut conference nung 2023 Invitational Conference.

 

Nakahanda ang 25-anyos mula Cavite sa anumang responsibilidad na ibibigay rito nina coach Jery Yee at Japanese consultant Master Shimizu, lalo pa’t parte rin ng koponan ang isa pang lefty-spiker at leading scorer ng koponan na si Trisha Gayle Tubu.

 

Nagsimula na ring makipagpalitan ng paluan sa kanyang mga kakampi ang dating University of Santo Tomas Golden Tigresses spiker sa isinagwang matinding pagsasanay katulong si Master Shimizu para sa panibagong sistemang kinakaharap nito matapos ang apat na taon sa Flying Titans at diskarte ng dating coach na si Dante Alinsunurin.

 

Bahagyang nanibago ito sa bagong sistema na karamihan umano ay mahahalagang panimula sa larangan ng balibol, kahit na matagal ng naglalaro sa propesyunal na lebel, ay pilit pa ring ibinibigay sa kanila upang hindi makalimutan. Nagsimula na ring makipag-tuneup ng koponan sa 84th season UAAP champions na National University Lady Bulldogs para makatulong sa isa’t isa sa kani-kanilang kampanya.                            

 
 

ni GA @Sports | January 27, 2024


Photo : UAAP / FB


Mabilis na napansin ng National Basketball Association (NBA) ang kahusayan at kakayanan ni reigning University Athletic Association of the Philippines (UAAP) MVP Kevin Quiambao matapos itong imbitahan ng New York Knicks na magpasikat sa susunod na 2024 Summer League na siyang magiging daan upang maging kauna-unahang purong Filipino na makapasok sa pinakamataas na estado sa larangan ng basketball.


Ito’y makaraang ihayag ni Miguel Rocha, head ng PR ng Strong Group Athletics, ang magandang balita sa kanyang social media account matapos ang mahusay na pagpapakita ng laro ng 6-foot-8 forward sa ginaganap na 33rd Dubai International Basketball Championship, kung saan patuloy na malinis ang kanilang kartada sa 5-0 patungo sa quarterfinal round.


And I confirm [that] he did get offered to play for the Summer League. Yes, he did. He got offered to play in the Summer League, but there is no decision yet. No, decision for Kevin Quiambao. What matters is he got offered by New York to try out in the Summer League. And that’s already a big plus, already a big win for Philippine basketball considering na we were trying to get the first Filipino, pure blooded Filipino into the NBA. And it all starts there,” wika ni Rocha sa isang report. 


Kasunod ng matinding alok sa 22-anyos na Rookie of the Year awardee ng UAAP noong 2022 para sa De La Salle University Green Archers, na kanyang tinulungan na makuha ang ika-10 kampeonato sa nagdaang season, mula sa bansang United Arab Emirates na maging naturalized player dulot ng pagbuhat sa Philippine squad kahit na mayroong apat na mahuhusay na imports.


Sinabi ni Rocha na bukod sa alok ng UAE ay napanood din ito ng mga scout mula sa Knicks, kung saan inalok na rin itong ipakita pa ang potensyal sa Summer League.  

 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page