top of page
Search

ni G. Arce @Sports | February 4, 2024




Pinagsamang mga bata at beteranong manlalaro sa pangunguna nina dating Far Eastern University star Heather Guino-o at dating College of St. Benilde spiker Jannine Navarro ang ipaparada ng bagong saling Capital1 Solar Energy sa 7th season ng Premier Volleyball League (PVL) sa pagbubukas ng liga sa Pebrero 20.


Nakahandang manduhan ni multi-titlist coach Roger Gorayeb ang grupong determinadong magpamalas ng malaking impresyon sa kabuuan ng liga at makapagbigay ng pagkilala at pansin mula naman sa milyon-milyong tagahanga at tagasunod ng liga sa buong bansa.


Ipaparada rin ng Solar Energy, na pagmamay-ari ng magkapatid na Mandy at Milka Romero, ang mga dating La Salle player na si Arianne Layug, Jorelle Singh ng National University at dating University of the East team captain at spiker Janeca Lana para sa karagdagang opensa.


This will be a good opportunity for them to shine and be recognized so we are giving our all-out support to the team,” wika ni Mandy, na pangunahing nangangasiwa ng family-owned solar energy company. “My sister and I are hoping we can grow together in support of PH sports, especially volleyball.”


We are not in a hurry; we take it one step at time until we build a winning culture. That’s our goal,” saad naman ni Milka, na parehong anak ng sports patron at sports enthusiasts Mikee Romero, na naniniwalang kumbinsidong ibubuhos ng bawat manlalaro ang kanilang kakayahan upang makakuha ng panalo. 

 
 

ni G. Arce @Sports | February 2, 2024




Ibinunyag ni 2022 Invitational Conference Finals MVP Celine “Ced” Domingo ang katotohanan sa pag-alis sa seven-time champion na Creamline Cool Smashers kasunod ng mabigat na emosyong dinadala sa koponan na kabilang ang tuluyang paglipat sa Akari Chargers para sa susunod na bagong season ng Premier Volleyball League simula Pebrero 20.


Ilang taon na umanong may "itinatagong sama ng loob" ang dating FEU  Lady Tamaraws middle blocker na pilit na dinadala kasama ang koponan upang manatiling maganda ang samahan na nagresulta sa ilang kampeonato sa pro-league.


“The truth is, I’ve been trying to be professional for so long. I mean, it’s easy for everyone to say that, pero you won’t really understand what I’ve been through unless you’ve experienced this,” pahayag ni Domingo sa kanyang Kumu Live Session na unti-unti nilang inilabas sa social media, kung saan nanatiling sarado ang mga bibig ng 5-foot-9 middle blocker sa lahat ng isyu na nakapalibot sa kanya upang hindi madamay ang mga kakampi sa Cool Smashers.


Everyone had no idea that I keep my mouth shut ever since, kase nga, I’ve been trying to be professional. At that time kaya di rin ako nagsasalita, I was so hurting inside, I was also protecting my team, kung ano-ano yun, na ayoko ng palakihin pa na kapag nagsalita ako nu'ng mga time na 'yun lagi siyang pag-uusapan.”


Ayaw na lamang banggitin pa ng 2-time PVL Best Middle Blocker ang mga personalidad na naging dahilan umano nito lalo pa’t may kinalaman ito sa kanyang personal na buhay na hindi nalalayo sa kanyang mga kaibigan at kakampi sa Cool Smashers. 


So I just chose to hurt all by myself, honestly di ko nalaman agad-agad, parang napagtagpi-tagpi ko lang, they didn’t told about it, so I found out na lang sa social media lang,” saad ng middle defender na kasalukuyang naglalaro pa sa Nakhon Ratchasima QminC sa Thailand League. 

 
 

ni G. Arce @Sports | February 2, 2024




Mga laro ngayong araw (Biyernes)


(FilOil EcoOil Centre)


11 a.m. - UE vs FEU-D (Boys' Final Four)

1 p.m. - NUNS vs FEU-D (Girls' Stepladder First Round)

3 p.m. - NUNS vs UST (Boys' Final Four) 

 

Pumalo ng mahahalagang puntos si University of Santo Tomas Junior Golden Tigresses team captain Margaret Altea upang siguraduhin ang 2nd seed at panigurong bronze medal matapos lampasan ang defending champion na National University Nazareth School sa iskor na 23-25, 25-19, 25-21, 17-25, 15-11, Miyerkules sa 86th  University Athletic Association of the Philippines (UAAP) High School Girls volleyball tournament sa Adamson Gym sa San Marcelino, Ermita, Manila.


Kinakailangan na lang na maghintay ng Espana-based girls squad sa magwawagi sa biniktimang Lady Bullpups at FEU-Diliman Lady Baby Tamaraws sa Biyernes, bandang 1 p.m. sa FilOil EcoOil Center para sa kanilang semifinals knockout match upang makuha ang karapatan na makalaban ang unbeaten at top-seed finalists na Adamson University Baby Falcons.


Pinagbidahan ni Altea ang atake at depensa ng UST sa mahalagang parte ng 5th set mula sa paghahabol sa 4-5 ay binitbit nito sa 9-5 kalamangan ang koponan tungo sa naturang panalo upang makasiguro ng panibagong bronze medal na kanilang nakuha noong nagdaang 85th season. Mismong si Altea rin ang nagbigay ng panapos na block kay NUNS best player Celine Marsh upang makabawi sa masaklap na pagkatalo noong nagdaang Sabado sa naunang 5th set game sa 23-25, 25-21, 21-25, 25-21, 16-18.


Well, 'yung unang ano namin is 'tong opportunity na playoff. Actually, 2-3-4 tied, nagkatalo sa (sets) ratio. Sabi ko lang sa girls, another opportunity kung ilalaban din natin. Madali lang namang bitawan eh. Either way, pareho lang naman kami ni NU ng gustong mangyari,” pahayag ni UST head coach Kungfu Reyes. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page