top of page
Search

ni G. Arce @Sports | February 20, 2024



Mga laro ngayong Martes (Philsports Arena)


4 n.h. – Petro Gazz vs Strong Group


6 n.g. – Cherry Tiggo vs Capital1 



Ipaparada ng kapwa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Champions League titlist Petro Gazz Angels at Chery Tiggo Crossovers ang mas pinalakas na hanay ng manlalaro kontra sa mga baguhang Strong Group Athletics at Capital1 Solar Energy sa pagbabalik ng 7th season ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.


Kasunod ng pambihirang impresibong laro sa PNVF nang kunin ang parehong MVP at Best Outside Spiker award, tutulungan ni Filipino-American Brooke Van Sickle ang Petro Gazz na muling makabalik sa AFC Finals na makakaliskisan sa pambungad na laro sa alas-4 n.h. na susundan  ng bagong kapitana ng Chery Tiggo na si Aby Marano laban sa nagbabalik na si coach Roger Gorayeb at Capital1 Solar Energy sa 6 p.m.


Binigyang-diin ng Hawaii-born spiker ang kanyang binitawang pangako sa koponan upang manatiling maibigay ng buo ang kakayanan, imbes na magpasuko sa maagang karangalang natanggap, habang hindi rin ito nababahala sa pagbibigay sa kanya ng malaking halaga at pagtutok dulot ng naunang ipinakitang laro.


Awards are cool and all, but my goal as a player is just to be consistent. I want to be able to support my teammates, be there for them, and just be that consistent player. I’m excited about the PVL, not stressed at all,” pahayag ng 5-foot-7 spiker. “I want to be there for my teammates. They have my back; I want to be able to have their backs and the chemistry that we’re already building, and the relationships that we’re buildingI just want to be as consistent as possible."


 
 

ni G. Arce @Sports | February 20, 2024



Nalalapit na ang pagkakataon para kay dating World titlist at challenger Jerwin “Pretty Boy” Ancajas na makuha ang ikalawang kampeonato na planong sundan ang nagdaang impresibong panalo para magamit laban kay World Boxing Association (WBA) bantamweight titlist Takuma Inoue sa nakatakdang bakbakan ng main even bout sa Pebrero 24 sa Ryogoku Kokugikan National Sumo Arena sa Tokyo.


Sa paglapag ng kampo ni Ancajas sa Japan nitong Linggo ng hapon ay malinaw sa kaisipan nitong kinakailangang mautakan at maisahan ang Japanese champion, subalit hindi inaasahan ng dating IBF super-flyweight champion na nakakakita sila ng isang knockout victory para tapusin ang katunggali. 


Nagawang tapusin ni  Ancajas (34-3-2, 23KOs) ang kanyang paghahanda at preparasyon na isinagawa sa Survival Camp sa Magallanes, Cavite, kasunod ng ilang rounds ng sparring sessions, pagsuntok sa bag at mitts, gayundin ang intense circuit at takbo upang mas mapaibayo pa ang paghahanda para makamit ang ikalawang World title.


Halos siyento-por-siyento ng handa ang 32-anyos mula Panabo, Davao del Norte bago makatapat ang nakababatang kapatid ni undisputed junior-featherweight titlist Naoya “Monster” Inoue, upang masundan ang panibagong pagkakataon na maging kampeon matapos unang beses itong maghari sa IBF super-flyweight, na kanyang hinawakan ng halos anim na taon bago tuluyang mawala sa kamay ni reigning champion Fernando “Pumita” Martinez noong 2022.


Kumana ng impresibong knockout victory sa nagdaang laban si Ancajas kontra kay Colombian boxer Wilner Soto na pinayuko sa pamamagitan ng fifth round technical knockout nung Hunyo 24 sa Minneapolis, Minnesotta. Subalit aminado si head trainer at manager Joven Jimenez na hindi nila hinahabol na makapagwagi ng knockout victory, bagkus ay kinakailangan nilang masunod ang itinatag na sistema at diskarte upang mautakan ang Japanese champion.


 
 

ni G. Arce @Sports | February 18, 2024


Photo: Joaqui Flores / FB (UAAP Season 86)


Mga laro ngayong araw (Linggo) (SM Mall of Asia)

10 am – FEU vs UP (men’s)

12 nn – NU vs UST (men’s)

2 pm – FEU vs UP (women’s)

4 pm – NU vs UST (women’s)


Maagang nagpasikat at nagpasiklab ng kanyang kahusayan ang tinaguriang ‘super-rookie’ na si Casiey Dongallo upang pangunahan ang opensiba ng University of the East Lady Warriors matapos ilista ang unang tagumpay laban sa Ateneo de Manila Lady Blue Eagles sa bisa ng 4th set panalo 20-25, 25-17, 25- 23, 25-18, kahapon sa unang laro ng 86th UAAP women’s volleyball tournament na ginanap sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.


Humambalos ang Cebuana winger ng kabuuang 27 puntos mula sa 26 atake at isang service ace, kasama ang 9 excellent digs kasunod ng mahusay na paggabay ng isa pang rookie playmaker na si Kizzie Madriaga na namahagi ng kabuuang 16 sets, kasama ang 4 na puntos para sa karagdagang opensiba mula kina middle blocker Riza Nogales sa 13pts mula habang si Kayce Balingit sa 12pts.


Isa sina Dongallo at Madriaga sa anim na rookie’s ng Recto-based squad na nagmula sa California Academy na sumungkit ng gold medal sa 2023 Shakey’s Girls Volleyball Invitational League, habang doon din ibinulsa ni Donggallo ang MVP plum, habang nagawa rin magpasikat ng sinasabing “the next Alyssa Valdez” sa 2023 (PNVF) Champions League.


Sunod-sunod na nakabawi ang UE sa mga sumunod na set sa pagtutulungan nina Dongallo Nogales, Balingit at Madriaga upang maitala ang 25-17 sa 2nd set, kasunod ng mas maraming atake sa 12, blocks sa tatlo, service aces sa dalawa at maraming errors ng Ateneo sa walo, habang naitakas nito ang third set kasunod ng 10 errors na naitala ng Ateneo

 
 
RECOMMENDED
bottom of page