top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | February 24, 2024




Isinantabi lahat ni dating World champion Joshua “The Passion” Pacio ang lahat ng masasayang plano at patuloy na nagpursige sa pagpapaunlad ng kanyang kasanayan sa boksing at wrestling upang paghandaan ang nalalapit na rematch laban kay ONE Strawweight champion Jarred “The Monkey God” Brooks ng U.S. sa ONE 166 sa Marso 1 sa Lusail Sports Arena sa Lusail, Qatar.


Determinado ang Lions Nation MMA fighter na mabawi ang nawalang titulo sa American fighter na dumaig sa kanya sa bisa ng 5th round unanimous decision sa jampacked na MOA Arena sa Pasay City nung ONE 164 noong Dis. 3, 2022, kung saan nanlumo ang mahigit sa 20,000 manonood sa pagbabalik ng MMA event sa Pilipinas para putulin ang three-fight title defense ng 28-anyos mula La Trinidad, Benguet.


Todo ang paghahasa ni Pacio sa boksing at wrestling na parte umano ng naging kakulangan nito sa laban kay Brooks sa kanilang unang pagtatapat, kung saan makailang ulit na dinala sa grounds ng 30-anyos mula Detroit, Michigan si Pacio para magamit ang kanyang kahusayan sa wrestling na minsang naglaro sa NCAA Division II at nagtala ng 35-0 para makuha ang state championships. Sa naturang tagpo rin ay nahigitan ni Brooks si Pacio pagdating sa striking gamit ang kanyang kaalaman sa boksing, kahit na nailabas ng dating Team Lakay fighter ang kanyang mga kilalang atake at estilo.


Inaasahan umanong magiging mas agresibo ang atake ni Pacio laban kay Brooks matapos kakitaan ng pagkabagal sa laro ito sa unang paghaharap ng katigan ng tatlong hurado si Brooks na tatlong beses na matagumpay na nai-takedown si Pacio sa una, ikaapat at huling round, habang nagpamalas ito ng malulutong na kumbinasyong suntok at paminsan-minsan na nagpapakawala ng sipa.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | February 22, 2024




Mahusay ang pagkakasalo sa floor defense ni Lyka May De Leon para sa DLSU Lady Spikers upang mapalaso ang pagsugod ng FEU Lady Tamaraws para sa panibagong pangwawalis sa straight set 25-20, 25-17, 25-22, kahapon, sa unang laro ng 86th  UAAPwomen’s volleyball tournament sa Araneta Coliseum.


Matagumpay na napalitan ng sophomore libero na si De Leon ang pwestong iniwan ni Justine Jazareno na tumuntong ng professional league para itala ang double-double sa kabuuang 16 excellent digs para dalhin ang defending at reigning champions La Salle sa maagang liderato, 2-0 kartada.


Patuloy na nanguna sa puntusan si reigning Rookie/MVP Angel Anne Canino sa paglista ng 13 puntos mula sa 11 atake.  Nag-ambag din si towering spiker Shevana Laput ng 10 puntos mula sa 8 kills at 2 blocks, habang may 8  puntos sina middle blocker Thea Gagate mula sa 5 atake. “Medyo nag-struggle nga kasi sobrang erratic, parang tentative yung galaw nila. Pinaalalahanan lang namin na bumalik sa sistema,” saad ni assistant coach Noel Orcullo na hindi kuntento sa laro ng Lady Spikers.


Walang manlalaro sa Lady Tamaraws ang tumapos sa doble pigura nang lumista si Gerzel Petallo ng 7  puntos mula lahat sa atake kasama ang 10 excellent receptions at 8 excellent digs, habang may tig-anim na puntos sina Faida Bakanke at Ched Tagaod. May 6  puntos na ambag si Alyzza Devosora sa apat na atake at tig-isang ace at block kasama ang 7 digs at 4 receptions, samantalang mayg 11 excellent sets  si Tin Ubaldo.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | February 22, 2024




Mga laro ngayong Huwebes (FilOil EcoOil Arena)


3 n.h. – Galeries vs PLDT


5 n.h. – NXLed vs Choco Mucho 



Magiging sentro ng atensyon kung tunay na magiging epektibo ang mga bagong papalo sa koponan ng PLDT High Speed Hitters na sina Kim Fajardo, Majoy Baron, Shiela Kiseo, Kiesha Bedonia at Kim Kianna Dy upang mabitbit sa kauna-unahang podium finish sa pagsisimula ng kampanya kontra sa Galeries High Risers, habang lilipad muli ang last conference runner-up na Choco Mucho Flying Titans kontra palaban na NXLed Chameleons sa ikalawang laro ng 8th season ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference ngayong araw sa FilOil EcoOil Arena sa San Juan City


Masisilayan ang mga bagong manlalaro, maliban kay Dy, na hinihintay ang kabuuang pagrekober sa injury, sa ikalawang araw ng hampasan sa Pebrero 22 kontra sa Galeries High Risers sa unang laro ng 3 p.m. na susundan ng Choco Mucho at NXLed sa  5 p.m. Pansamantala namang mamamahinga sa laro ang beteranong middle blocker na si Mika Aereen Reyes dulot ng inorperahang kanang balikat.


Magiging kabalikat si Fajardo ni playmaker Rhea Dimaculangan, habang katulong naman sa depensa si Baron sina Dell Palomata, Jessey De Leon at Rachel Anne Austero.


Magsisilbi namang karagdagang opensa ang mga dating Far Eastern University Lady Tamaraws na sina Kiseo at Bedonia para kina Filipino-Canadian spiker Savannah Dawn Davison at Fiola Ceballos, samantalang aantayin ang debut game ni Dy na hahalinhinan muna ni rising spiker Erika Mae Santos at Jules Samonte para sa opposite, habang magiging pangunahing taga-damba sa depensa sina Maria Viray at team captain Kath Arado. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page