top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | March 15, 2024





Napaglabanan ni 2020+1 Tokyo Olympics silver medalist at 2024 Paris Games-bound Nesthy Petecio ang kinaharap na problema sa kanyang mata, na sinabayan pa ng buwanang dalaw habang nakikipag-upakan kay Olympian boxer Esra Yildiz ng Turkey para malampasan ang 4-1 spilt decision First Olympic Qualifying Boxing Tournament 2024, nitong Martes ng umaga (oras sa Pinas) sa E-Work Arena sa Busto Arsizio, Italy.


Inihayag ng 2019 Ulan-Ude World Championship gold medalist na bigla umanong umatake ang punit umano nito sa kanyang mata, bago ang kanyang laban. Subalit nakayanan pang makipagsabayan upang matupad ang pangarap na makabalik sa Summer Olympic Games mula sa apat na hurado ang nagbigay ng pare-parehong 29-28.  “Umatake 'yung sa loob ng mata ko. Hirap po akong i-open mata ko kagabi, kaya sabi ko kay God kaninang umaga around 11am same pa rin 'yung nararamdaman ko. Sabe ko sa kanya, Lord ibibigay ko na po sayo lahat, ikaw na po bahala sa mata ko. Kung papagalingin mo po ito at ipapadilat kahit konti lang po na i-open n'yo po ito grabe ibibigay ko na po sa iyo lahat Lord,” pahayag ni Petecio sa panayam dito ng Sunstar Davao.


Dahil sa kagustuhang makabalik sa Olympiad, kung saan tumuntong na rin sa 31-anyos ang kauna-unahang Pinay boxer mula Santa Cruz, Davao del Sur, pinilit nitong makipagsabayan at lampasan ang 2016 European Championships bronze medalist at Tokyo Olympian Turkish boxer. “Tapos around 2 pm grabe si Lord ma'am inopen niya po mata ko, kahit papaano nawala 'yung sakit ng mata ko. Like nakipag-videocall po ako sa fiancee ko sabi ko "Grabe pill! Grabe talaga si Lord!Nagulat siya at nagtanong bakit? Kasi na okay mata ko at na open na mata ko. Sabe ko sa kanya kahit i-open mo lang po ang aking mata hindi ko nato bibitawan, mananalo ako sa laban. Yan lang po panalangin ko sayo." Grabe ka Lord! Grabe yung binigay na blessings mo sa'kin ngayon,” dagdag ng 2-time Southeast Asian Games titlist, kung saan ayon sa kanyang Facebook account ay sinabi ring mayroon itong ‘menstruation’ na nagdudulot umano ng cramps at dysmenorrhea.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 14, 2024





Mga laro sa Sabado (Smart Araneta Coliseum)


2 pm – DLSU vs NU


4 pm – Adamson vs UST 



Nagpatuloy sa kanilang malinis na rekord ang University of Santo Tomas Golden Tigresses sa pangunguna ni ‘super-rookie’ Angeline “Angge” Poyos upang mapantayan nila ang magandang kartada noong 2011 para sa matinding pagsubok na hatid ng University of the Philippines Lady Maroons sa panibagong straight set sa 25-22, 25-20, 26-24 kahapon sa unang laro ng 86th  University Athletic Association of the Philippines (UAAP) women’s volleyball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.


Minsang natikman ng Golden Tigresses ang 6-0 marka noong season 73, kung saan dinedepensahan ang titulo laban sa De La Salle University Lady Spikers, matapos ang 13-taon ay muling naulit ang naturang pangyayari at maaaring magawang mawalis ang unang round sa kauna-unahang pagkakataon kontra Adamson University Lady Falcons sa Sabado, 4 p.m.


Bumuhos muli ng doble pigura si Poyos ng kabuuang 22 puntos mula sa 18 atake at apat na service aces, habang nag-ambag ito ng tig-pitong excellent digs at excellent receptions, habang rumesbak naman galing sa bench si Xyza Gula ng triple-double sa 14pts galing sa 2 atake at dalawang aces, kasama ang 12 excellent receptions at 10 excellent digs, gayundin si Regina Jurado na nag-ambag ng 12pts mula sa 11 atake at isang ace, kasama ang apat na digs.


Again, 'yung respeto na binibigay namin sa mga kalaban namin na alam namin kasi everybody’s game. So, yun na nga, very tight yung labanan especially nung last set kasi nga we won by two points so medyo hindi pa namin makuha yung rhythm nung ano, kung anong meron kami,” saad ni Golden Tigresses head coach Kung Fu Reyes. 


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 13, 2024





Mga laro bukas (Huwebes) (Philsports Arena)


4:00 n.h. – Petro Gazz vs Farm Fresh


6:00 n.g. – Cignal vs Choco Mucho 


Itinala ng Creamline Cool Smashers ang kanilang ika-apat na sunod na panalo upang pansamantalang hawakan ang liderato sa pangwawalis sa baguhang Strong Group Athletics sa bisa ng 25-13, 25-13, 25-19 straight set sa pambungad na laro ngayong araw sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference


Ipinamalas ni dating Southeast Asian Games beach volleyball medalist Bernadeth Pons ang kanyang kahusayan sa atake ng kumana ito ng doble pigura sa unang salang bilang starter sa 12 puntos mula sa 10 atake at dalawang aces tungo sa paglagay sa Cool Smashers sa 4-0 kartada sa harap ng wala pa ring talo na Cignal HD Spikers at Choco Mucho Flying Titans.


Nakatulong rin ng malaki higit na sa third set, kung saan mas lumaban ang Strong Group sa laro, si three-time conference MVP Alyssa Valdez na tumapos ng siyam puntos mula sa walong atake at isang service ace, habang nagdagdag rin sina Jema Galanza, Bea De Leon at Dji Rodriguez ng tig-limang puntos, na muling ginamit ang lahat ng manlalaro na pawang naka-iskor ng higit sa dalawang puntos.


Nagpapasalamat ako sa trust na ibinigay sa akin sa loob ng mga team mates at ng coaches, kaya naka-ready naman kami kung anong ibinibigay sa amin ni coach. Also, remind ni coach na ‘wag magpabaya at ilaro lang ang laro namin at ‘wag maging complacent pagdating sa laro,” pahayag ng dating Far Eastern University Lady Tamaraws, na masaya ring nakasama sa koponan ang dating kakampi sa national team ng beach volleyball na si Rodriguez. “Nakakatuwa rin kase before sa beach, yung gusto na magkakasama pa rin kami, pero may reason kung bakit nahiwalay ang isa (Cherry Rondina), kaya kilala namin na mag-perform siya (Rodriguez) talaga.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page