top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | March 18, 2024





Naging mas malinaw pa ang nilulutong laban sa pagitan nina 8th-division World Champion Manny “Pacman” Pacquiao at undefeated British boxer Conor “The Destroyer” Benn kasunod ng mas lumalaking interes ng bansang Saudi Arabia na ganapin roon ang naturang bakbakan ngayong taon.


Pinagtibay ni MP Promotions President Sean Gibbons ang bulung-bulungan sa itinutulak na laban matapos aminin nito sa isang online interview na mula umano sa kawalan ay nagbunga sa kaliwanagan ang salpukan nina Pacman at Benn kasunod ng pagkikita sa isang boxing event sa Saudi Arabia na kinalauna’y pinaburan ng dalawang panig sa pagitan ng MP Promotions at Matchroom Sport na pinamumunuan ni chairman at promoter Eddie Hearn. “It was bizarre. There was a year or so ago when we were interested in the Conor Benn fight but then it died down. His Excellency loves fighters and loves Manny Pacquiao so invited him to the show on the weekend and Conor Benn was there doing some commentating for DAZN,” panimulang kwento ni Gibbons.


They are both there at the weigh-in and you had Derek Chisora joking with them saying ‘why don’t you guys’ fight’ and then Ariel Helwani was there and said ‘are we going to get a fight, how close is it and let’s have a face off’. We weren’t even negotiating but we are now and it went from zero to 100 and now we are certainly negotiating.”


Naging panauhing pandangal si Pacman at ang asawa nitong si Jinkee sa laban nina dating heavyweight champion at Olympic gold medalist Anthony Joshua at dating UFC Heavyweight champion Francis “The Predator” Ngannou, mula sa imbitasyon ni His Excellency Turki Alalshikh, Saudi Adviser sa Royal Court bilang Minister ng at chairman ng General Entertainment Authority ng Saudi, habang naging commentator naman si Benn para sa DAZN.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 18, 2024





Ipagpapaliban  muna pansamantala ang pagiging malapit na magkaibigan nina Filipina World challenger Denice “The Menace” Zamboanga, na makukuha ang kanyang kauna-unahang suntok sa title shot kontra sa dating training partner na si ONE Atomweight MMA World champion Stamp “Nong Stamp” Fairtex para sa umaatikabong bakbakan sa main event bout ng ONE 167 sa Hunyo 8 sa Impact Arena sa Bangkok, Thailand.


Minsang nagkasama sa iisang bakuran sina Zamboanga at Stamp sa Training Center sa Pattaya, Thailand nung 2019-2020, kung saan nabuo ang magandang pagsasamahan bilang sparring partners. Subalit pansamantala munang ihihiwalay ni Zamboanga ang sarili sa malapit na kaibigan at seryosong tuparin ang matagal na pangarap na makamtan ang pinakaaasam na korona.


Makailang ulit ring naunsyami ang pagnanais ng 27-anyos mula Quezon City na si Zamboanga (10-2, 2KOs, 3Subs) ng makailang beses itong naghintay at umasa sa pagkakataong sasabak sa World title fight laban kay dating champion Angela “Unstoppable” Lee, habang nabigong manaig sa ONE Atomweight Grand Prix kontra Ham Seo-Hee nung Setyembre 2021, at sa kanilang rematch sa ONE X nung Marso 26, 2022.


Ngunit bumangon ito sa magkasunod na laban kina Lin Heqin ng China sa bisa ng split decision sa ONE on Prime Video 5 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City at kontra kay Julie Mezabarba ng Brazil sa ONE Fight Night 9 nung Abril 22, 2023 sa Lumpinee Boxing Stadium sa Bangkok, Thailand.


Determinado ang Karate at jiujitsu practitioner mula sa T-Rex MMA Training Center na sisiguraduhing hindi papakawalan ang unang pagkakataon na makamit ang inaasam na pwesto.


Nakuha naman ni Stamp ang bakanteng korona laban kay Ham sa pamamagitan ng third round stoppage dulot ng body punches nung nagdaang Setyembre 30 sa ONE Fight Night 14 sa Singapore upang maging kauna-unahang fighter na nagwagi ng titulo sa MMA, Muay Thai at Kickboxing.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 17, 2024





Nagawang makipag-face off ng nag-iisang eight division World champion na si Manny “Pacman” Pacquiao kay undefeated British boxer Conor “The Destroyer” Benn sa isang boxing event sa Riyadh, Saudi Arabia matapos ang bulung-bulungan na nilulutong upakan sa hinaharap.


Usap-usapan ang gaganaping banggaan ngayong darating na ‘summer’ (mga Mayo o Hunyo sa ibang bansa) bilang hudyat na rin ng pagbabalik sa pro-boxing ng 45-anyos na Filipino boxing legend na minsang hinamon ang kampo ng dating World Boxing Association (WBA) Continental (Europe) welterweight titlist na maaaring ganapin sa Middle East.


Sa huling dalawang laban ng 27-anyos na mula Greenwich. London na ginanap sa U.S.,  magkasunod na nagpositibo sa ipinagbabawal na substantiya ang ipinataw kay Benn kasunod ng VADA testing, dahilan upang maudlot ang laban nito noong 2022 kay Chris Eubank Jr., subalit malaki ang posibilidad na malampasan nito ang naturang alegasyon laban kay Pacquiao sakaling ganapin ang laban sa Gitnang Silangan. “That’s what I was there for, really,” paglalahad ni Benn upang agarang magtungo sa Saudi Arabia. “I knew he [Pacquiao] was going to be there. Right now, that’s looking like the one that we’re focusing on.”


Malaki ang pagnanais ni Benn na makatapat ang malalaking pangalan sa larangan ng boksing higit na sa 147-pound division, higit na ang makatapat ang future “Hall of Famer.”


Minsang nabuhay ang espekulasyon sa harapan nina Pacquiao at Benn noong isang taon matapos ibunyag din mismo ni Matchroom Sport chairman at promoter Eddie Hearn na potensiyal na magkaharap ang dalawa, habang nakakuha ng paghahamon ang kampo ni Pacman na interesadong makaharap ang British boxer, na nanatiling undefeated sa panalo kontra kay Peter Dobson nitong nagdaang Pebrero 3 na nauwi sa unanimous decision na panalo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page