top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | April 1, 2024





Tila kailanganing dumaan pa sa panibagong pagsusuri sa mga espesyalista ang kalagayan ng mata ni 2020+1 Tokyo Olympics silver medalist at 2024 Paris-Bound boxer Nesthy Petecio lalo pa’t daraan sa matinding pagsasanay at paghahanda para sa Summer Olympics sa Hulyo sa France.


Tila inaasahan ng 2019 Ulan-Ude World women’s featherweight titlist na maaaring tumindi pa ang problema sa  kaliwang mata sakaling aksidenteng tamaan ito sa ensayo lalo pa’t mas iigting ang kanyang ensayo para sa asam na kauna-unahang gintong medalya ng Philippine  boxing sa Olympiad.


Ang 31-anyos ng Davao del Sur ang itinuturing na kauna-unahang babaeng boksingero sa Olympics na nagwagi ng medalya subalit may iniinda ito sa kanyang katawan, maging ang muscle injury sa  kaliwang kamao. “[Nagawa] na naming magpacheck-up sa isang eye center, pinuntahan talaga namin ni coach Mitchell (Martinez) yun, kaya iyon medyo nag-okay naman yung mata ko sana magtuloy-tuloy na (pero) malaman ko iyon this next week kung matamaan siya kung babalik pa,” kwento ni Petecio sa reporters nang makapanayam sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.


Inalala ng two-time Southeast Asian Games gold medalist ang mga pangyayari sa kanyang laban sa First Olympic Qualification sa Italy, na nahihirapan itong imulat ang kanyang mata dulot ng nakuhang gasgas nito. “Panay ang dasal ko noon tapos sinasabayan ko na rin ng pag-iingat kase kapag nakita ng referee iyon, pwedeng ipatigil yung laban. Kay sabi ko Lord, ikaw na bahala, ibubuhos ko na lahat,” paglalahad ni Petecio.


Inamin din nitong patuloy ang pag-inom ng pain reliver upang maibsan ang sakit sa  kanyang kaliwang kamay na nakuha niya sa laan kay Esra Kahraman ng Turkey sa paborito nitong women’s under-57kgs category, bago makuha ang 4-1 split decision na panalo sa Olympic qualifying.


 
 

ni MC / Gerard Arce @Sports | March 27, 2024





Nagselyo ng isang kasunduan si 8th-division World champion Manny “Pacman” Pacquiao sa Saudi Arabia patungkol sa hinaharap na laban – kung saan pangunahing nasa listahan si undefeated/retired Floyd Mayweather Jr. para sa inaabangang PacMay 2 na proyekto. 


Magandang balita ang ibinulgar ni MP Promotions President at international matchmaker Sean Gibbons matapos ang pakikipagpulong ni Pacquiao kay Saudi Arabian Chairman Turki Alalshikh tungkol sa  laban sa kanilang bansa para sa pagbabalik sa pro fight ng Filipino boxing legend para pagpilian ang laban kina Conor “The Destroyer” Benn, two-division UFC champion Conor “The Notorious” McGregor at Mayweather.  


After meeting with his excellency Turki Alalshikh, boxing legend Manny Pacquiao is back at his gym in the Philippines and looking in incredible fighting shape,” wika ni Gibbons sa panayam ng World Boxing News.  


Samantala, walang iba kundi Team 2000. Nasungkit ng Team 2000 ang kampeonato sa kauna-unahang E. Rodriguez Jr High School Alumni 3x3 basketball tournament sa Barangay N.S. Amoranto covered court sa Malaya St. Quezon City. 


Sa pangunguna ng magkapatid na Mark and Jeff Caguisa, pinabagsak ng T2000 ang Batch 98, 14-10, para sa kampeonato sa 2-day competition na itinaguyod ng ERJHS Alumni Sports Club, sa pangunguna ni Ed Andaya ng Batch 81, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ERJHS 72nd Foundation Day and Grand Alumni Homecoming noong Feb. 23-25.


Napili si Mark Caguisa bilang Most Valuable Player sa kompetisyon, na sinuportahan din ng ERJHS Alumni Association, sa ilalim nina President Jess Asistin at Vice-President Zeny Castor, at Barangay N.S. Amoranto Chairman Ato de Guzman. Sa pamumuno ni playing coach Jerome Nell. 


Ang iba pang mga miyembro ng T2000 ay sina Kelvin Pantaleon at Chris Santiago.  Iginawad ni incoming ERJHS alumni president Ramon "Monchie" Ferreros ng Batch 73 ang mga tropeo, katuwang sina Asistin at Andaya. Ang naturang kompetisyon ay sinuportahan din nina PBA Commissioner Willie Marcial at Deputy Commissioner Eric Castro.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 27, 2024





Mga laro sa Abril 2 (Martes) (Philsports Arena, Pasig City)


4 n.h. – Akari vs PLDT


6 n.g. – Galeries vs Choco Mucho


Madaling inilampaso at pinasadsad ng 2-time league champion na Petro Gazz Angels ang nasunog na Capital1 Solar Energy Spikers sa pamamagitan ng panibagong straight set sa 25-11, 25-19, 25-14 sa unang handog ng triple-header kahapon sa 8th Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.


Patuloy na nanalasa ang mga hambalos ni Filipino-American Brooke Van Sickle ng tumapos ito ng kabuuang 19 puntos mula sa 15 atake, tatlong service aces at isang block, habang kasama rin ang pitong excellent digs tungo sa ikalimang panalo at makabawi sa fifth-setter na pagkatalo sa nagdaang laban. “I would say definitely, the five-set loss was, that it hurt a lot. I would see we recover extremely past, we stumbled a little bit for a couple of days, but it is, what it is, but we have to keep it back to our game, our performance will simply get better, doing this fantastic job, doing a bounce back an making a great record, because the league is getting competitive right now, so thankful to my teammates for doing a fantastic job and move on,” wika ni Van Sickle.


Sumuporta naman sa 26-anyos na galing ng University of Hawaii sina Jonah Sabete na umiskor ng 9 puntos mula sa limang atake at tig-2 ace at block, Mary Remy Palma sa 7 puntos, at tig-6 na ambag nina Ivy Perez, na lumikha rin ng 10 excellent sets at si Kecelyn Galdones, habang nasilayan din si two-time league MVP Myla Pablo na gumawa ng apat na puntos upang makabangon ang koponan sa 21-25, 25-18, 25-22, 19-25, 13-15 pagkatalo sa Chery Tiggo Crossovers noong Marso 21 sa Smart Araneta Coliseum.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page