top of page
Search

ni Lolet Abania | August 16, 2021


ree

Nakatakda ang panibagong bawas-presyo sa mga produktong petrolyo bukas, Martes, kung saan ito ang ikalawang sunod na linggong pagbabang ginawa ng mga kumpanya ng langis.


Sa isang advisory, ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. ay may rollback sa kanilang presyo per liter ng diesel ng P0.30, at kerosene ng P0.40, habang hindi naman nagbago sa gasoline.


Magpapatupad naman ang Cleanfuel at Petro Gazz ng pareho ring adjustments, subalit hindi kasama rito ang presyo ng kanilang kerosene.


Epektibo ang bawas-presyo nang alas-6:00 ng umaga ng Martes, Agosto 17, sa lahat ng kumpanya ng langis, maliban sa Cleanfuel na ipapatupad ng alas-8:01 ng umaga ng pareho ring araw.

 
 

ni Lolet Abania | August 2, 2021


ree

Magtataas ang apat na kumpanya ng langis ng kanilang produktong petrolyo simula bukas, Agosto 3.


Sa magkakahiwalay na advisories ngayong Lunes, ang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, at Seaoil ay nag-abiso na ang kanilang presyo ng gasoline ay itataas ng P1.05 per liter.


Ang Seaoil at Pilipinas Shell ay magpapatupad naman ng dagdag na P0.75 per liter sa kerosene. Gayundin, ang apat na kumpanya ng langis ay may dagdag-presyo sa diesel na P0.80 per liter.


Epektibo ang taas-presyo ng alas-6:00 ng umaga ng Martes para sa Pilipinas Shell, Petro Gazz, at Seaoil habang alas-4:01 ng hapon naman sa Cleanfuel.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 6, 2021


ree

Muling magkakaroon ng oil price hike sa susunod na linggo, ayon sa Unioil Petroleum Philippines noong Sabado.


Ayon sa fuel price forecast ng Unioil, inaasahang tataas ng P0.60 hanggang P0.70 ang presyo kada litro ng kerosene sa June 8 hanggang 14.


Samantala, sa presyo naman ng Diesel, inaasahan ang pagtaas ng presyo na aabot sa P0.55 hanggang P0.65/litro at sa gasolina ay P0.20 hanggang P0.30 kada litro.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page