top of page
Search
  • BULGAR
  • Nov 29, 2021

ni Lolet Abania | November 29, 2021


ree

Magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo simula bukas, kung saan ito na ang ikaapat na sunod na linggong rollback.


Sa isang advisory, ang Pilipinas Shell Petroleum Corp. ay may bawas sa presyo sa kada litro ng gasoline ng P1.10, sa diesel ng P0.60, at kerosene ng P0.50.


Gayundin, magpapatupad ang Cleanfuel ng parehong bawas sa presyo ng kanilang gas, subalit hindi kasama rito ang kerosene.


Epektibo naman ang tapyas sa presyo ng gas ng alas-6:00 ng umaga ng Martes, Nobyembre 30 sa lahat ng kumpanya ng langis, maliban sa Cleanfuel kung saan ipapatupad ang rollback ng alas-8:01 ng umaga ng pareho ring araw.

 
 
  • BULGAR
  • Nov 20, 2021

ni Lolet Abania | November 20, 2021


ree

Muling magkakaroon ng mahigit sa pisong rollback sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya.


Sa taya ng Unioil Petroleum Philippines, mula Nobyembre 23 hanggang 29, ang presyo ng kanilang diesel ay posibleng bumaba ng P1.10 hanggang P1.20 kada litro.


Habang ang gasolina ay may bawas-presyo ng P0.90 hanggang P1.00 kada litro. Ayon pa sa industriya ng langis, asahan din ang kerosene na may P1.30 hanggang P1.40 rollback.


Ito na ang ikatlong sunod na linggong nagpatupad ng bawas-presyo sa gas.

 
 

ni Lolet Abania | November 6, 2021


ree

Asahan ang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo sa Martes, Nobyembre 9, matapos ang sampung sunod na linggong oil price hike, batay sa mga taga-industriya nito.


May P1.10 hanggang P1.20 kada litrong tapyas sa presyo ng gasolina. Nasa P0.60 hanggang P0.70 kada litrong bawas sa presyo ang diesel habang P0.65 hanggang P0.75 rollback naman sa kerosene.


Bago pa ito, nagkaroon muna ng siyam na sunud-sunod na linggong dagdag-presyo sa gasolina.


Gayunman, ito naman ang ikalawang sunod na linggong rollback sa diesel at kerosene.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page