top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 2, 2021


ree

Nanawagan ang mga health workers na magbitiw na sa puwesto si Health Secretary Francisco Duque III sa ngalan ng delicadeza sa malawakang protestang idinaos nila kahapon.


Kasama sa mga nakilahok sa protesta ang mga manggagawa mula Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC), National Kidney and Transplant Institute (NKTI), Philippine General Hospital, Research Institute for Tropical Medicine at Tondo Medical Center.


Sila ay nagmartsa patungong tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Maynila para hilingin ang pagbibitiw ni Duque dahil umano sa kabiguan ng pamahalaan na maibigay agad ang kanilang mga benepisyo.


Pero iginiit din ng mga manggagawa na hindi lang sa benepisyo nagpabaya ang DOH dahil wala rin umano silang sapat na proteksiyon sa araw-araw na pagsuong sa COVID-19.


Iilan pa lamang daw ang nakatanggap ng ipinangakong special risk allowance (SRA) sa mga health workers.


Hindi pa rin anila naibibigay ang kanilang meals, accommodation and transportation (MAT) allowance at active hazard duty pay.


Nasa P311 milyon ang pondong ibinaba para bayaran ang SRA ng higit 20,000 health workers.


Makailang beses nang ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Duque pero kamakailan, sinabi nitong tatanggapin niya kung kusang magbibitiw ang kalihim.


Nauna nang sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na tuluy-tuloy ang ugnayan ng DOH at DBM para makakuha ng budget support sa dami ng benepisyong kailangang bayaran sa mga health workers.


Bago nito, nagdaos din ng protesta ang mga health workers noong Lunes kasabay ng Araw ng mga Bayani.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 21, 2021


ree

Rumesbak si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga humihiling sa kanyang patalsikin na sa puwesto si Department of Health Secretary Francisco Duque III.


Hirit ng pangulo, magbigay ng dahilan ang mga kritiko ni Duque upang alisin niya sa puwesto ang kalihim.


Saad ni P-Duterte, “Kawawa naman ‘yung mama. Gusto nila… they want me to fire Duque.


“Gusto mong paalisin ko? Give me a reason bakit ko paalisin. Eh, kinuha ko ‘yung tao, nakiusap. Hindi naman ‘yan nag-apply, nakiusap. Hindi nakiusap na 'Kunin mo ako.' Ako ang kumuha.

“So, kung ano’ng pagkakamali niya, sa akin ‘yan.


“You want to oust him for what? Ano ba ang nagawa niya na kasamaan? May dalawang asawa siya? Wala tayong pakialam niyan, dagdagan mo pang isa, secretary, para tatlo.”


Aniya, ang mga sinisibak lamang niya sa puwesto ay ang mga sangkot sa korupsiyon at dereliction of duty, kaya isang matinding kawalan ng katarungan umano kung sisibakin niya si Duque.


Saad pa ng pangulo, “I could be doing a great injustice. Alam mo kung bakit? Ako ang kumuha [sa kanya] and he is performing. 'Pag pinaalis ko 'yan si Duque, lifetime sabihin diyan, 'Alam mo, pinaalis ‘yan kasi may corruption sa ano.' Just imagine the injustice that you inflict on your fellow human being.


“Hindi ako ganoon kung mag-perform ka. Ngayon kung magnakaw ka riyan, puwede pa kitang ipapatay para tapos ang problema ko. Tapos niyan, pakulong ako. Okay lang 'yan.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 17, 2021


ree

Nanawagan si Senate President Vicente Sotto III sa Department of Health (DOH) ngayong Huwebes at pinaalalahanan ito hinggil sa paggamit ng face shield dahil aniya, sumang-ayon na si Pangulong Rodrigo Duterte na sa mga ospital na lamang magsuot nito.


Tweet ni Sotto, "Last night, the President agreed that face shields should only be used in hospitals. Allowed us to remove ours! Attn DOH!"


Matatandaang sinabi ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na maaaring alisin na ang mga face shields kapag nasa labas dahil sa mababang panganib ng transmission ng COVID-19 sa mga open spaces.


Ngunit iginiit naman kamakailan ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang patuloy na paggamit ng face shield dahil mababa pa ang bilang ng mga nababakunahan kontra-COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page