top of page
Search

ni Loraine Fuasan (OJT) | April 4, 2023



ree

FRANCE — Isang babaeng government minister, ang binabatikos ng kanyang kapartido dahil sa paglabas nito bilang front cover ng isang adult magazine Playboy sa France noong nakaraang linggo.


Kinikilala ang babae na si Marlene Schiappa, isang government minister mula pa noong 2017, at kasalukuyang Minister for the Social Economy and French Association.


Ang laman ng nasabing magazine ang 12-pahina na panayam sa kanya tungkol sa mga karapatan ng kababaihan at LGBTQ.


Ayon kay French Prime Minister Elisabeth Borne, isa mga bumabatikos sa kanya at sinasabing hindi nararapat at nababagay ang paglabas ng magazines ni Schiappa, dahil sa krisis na kinakaharap ng kanilang bansa kung saan nagsagawa ang mga ito ng kilos-protesta dahil sa kontrobersyal na pension reforms.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 25, 2021


ree

Patay ang 31 migrants kabilang ang 5 babae at 1 batang babae habang tumatawid sa English Channel mula France patungong UK matapos lumubog ang sinasakyan nilang bangka.


Batay sa report, mayroong sakay na 34 katao ang bangka kung saan 31 ang nasawi, 2 ang survivor, habang nawawala naman ang isa.


Ito ay itinuturing nilang deadliest disaster mula nang maging tawiran ang Channel.


Nangako naman si President Emmanuel Macron na hindi hahayaan ng France na maging libingan ang Channel at nagpatawag ng emergency meeting sa mga European ministers hinggil sa insidente.


"It is Europe's deepest values - humanism, respect for the dignity of each person - that are in mourning," ani Macron.


Sa report ng La Voix Du Nord, isang regional news site sa northern France, nabangga umano ang bangka ng isang container ship, dahilan para ito ay lumubog at malunod ang mga sakay nito.


Sa ngayon ay wala pang pinal na detalye at impormasyon na inilalabas ang mga opisyal ng magkabilang panig ng Channel hinggil sa insidente.

 
 

ni Lolet Abania | September 16, 2021


ree

Libu-libong mga health workers sa France ang sinuspinde na walang bayad dahil sa pagkabigo ng mga itong magpabakuna kontra-COVID-19 bago pa ang itinakdang deadline ngayong linggo, ayon kay Health Minister Olivier Veran ngayong Huwebes.


“Some 3,000 suspensions were notified yesterday to employees at health centers and clinics who have not yet been vaccinated,” ani Veran sa interview sa RTL radio. Ayon pa sa opisyal “dose-dosena” ring mga health workers ang naghain ng kanilang resignations kaysa anila mag-sign up sa pagpapabakuna.


Sinabi ni Veran, kumpara ito sa 2.7 milyon health workers sa kabuuan nagpabakuna na aniya, “continued healthcare is assured.”


Nagbigay na ng ultimatum si Presidente Emmanuel Macron sa mga staff ng mga ospital, retirement home workers at sa mga fire service personnel noong Hulyo na tanggapin nila kahit na isang shot ng COVID-19 vaccine nitong Setyembre 15 o harapin nila ang unpaid suspension.


Marami sa mga nurse sa naturang bansa, ang nag-aatubili o nagdadalawang-isip na magpabakuna dahil anila sa tinatawag na safety o efficacy ng vaccine, habang nakikitaan umano nila ng panganib sa ginagawang inoculation drive ng France.


Sa taya ng national public health agency ng France noong nakaraang linggo, tinatayang 12% ng hospital staff habanf nasa 6% ng mga doktor sa private practices ang babakunahan pa.


Sa kabuuan, 70 % ng mga French ang nakatanggap na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine o fully vaccinated, na available para sa lahat mula sa edad 12.


Habang 74 % pa lamang ang nakatanggap ng isang dose, kung saan maraming atubiling magpabakuna kahit na marami silang supply ng COVID-19 vaccine.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page