top of page
Search

ni Lolet Abania | June 30, 2021


ree

Nasa 60 indibidwal ang naitalang tinamaan ng COVID-19 matapos makumpleto ang kanilang second dose ng Sinovac vaccine, subalit lahat sila ay mild cases lamang habang wala namang nasawi.


Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Chief Eric Domingo, base sa report mula sa Adverse Effect unit of vaccines, sa nasabing bilang, 27 sa kanila ang tinamaan ng COVID-19 wala pang 14 araw matapos mabakunahan ng second dose ng Sinovac vaccine, habang 33 indibidwal ang nagkasakit nito dalawang linggo makaraang maturukan ng naturang bakuna.


“These are all mild cases and the infection was drastically reduced [compared with those who got COVID-19 after getting first dose],” ani Domingo sa Laging Handa public forum ngayong Miyerkules.


Samantala, 5 katao na nakakumpleto naman ng doses ng AstraZeneca vaccine ang na-infect ng COVID-19 wala pang dalawang linggo nang mabakunahan ng dalawang doses. Isa naman ang nagkasakit ng COVID-19 matapos ang 14 araw na maturukan ng second dose ng AstraZeneca vaccine.


Gayundin, isa ang nagkaroon ng COVID-19 wala pang dalawang linggo matapos makatanggap ng second dose ng Sputnik V vaccine, habang isa naman ay nagkasakit nito dalawang linggo makaraang mabigyan ng second dose ng Pfizer shot.


Matatandaang sinabi ng Department of Health (DOH) na kinokonsidera na ang isang indibidwal ay fully vaccinated na dalawang linggo matapos na matanggap ang second dose ng bakuna kontra-COVID-19.


Gayunman, ang mga indibidwal na fully vaccinated ay kinakailangan pa ring magsuot ng face mask, face shield at isinasagawa ang social distancing habang hindi pa naaabot ang herd immunity ng bansa.


Paliwanag naman ni Domingo na kahit may 60 indibidwal na tinamaan ng mild COVID-19 matapos makumpleto ang Sinovac vaccine shots, hindi ibig sabihin na ang Chinese vaccine ay mas mababa ang kalidad kaysa sa ibang brand ng bakuna.


“It cannot be compared since the bulk of the supply that were first delivered were Sinovac,” sabi ni Domingo.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 8, 2021


ree

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) para sa Sinopharm COVID-19 vaccine ng China, ayon kay Director General Dr. Eric Domingo.


Matapos umanong i-review at pag-aralang mabuti ng mga eksperto ng FDA ang aplikasyon ng Sinopharm, inaprubahan nila ito noong Lunes.


Samantala, noong Mayo, inaprubahan ng World Health Organization (WHO) ang emergency use ng Sinopharm COVID-19 vaccine. Ito ang kauna-unahang bakuna na gawang China na inaprubahan ng WHO.


Bukod sa Sinopharm, aprubado na rin ng WHO ang emergency use ng Pfizer-BioNTech, Moderna, Johnson and Johnson, at AstraZeneca na gawang India at South Korea.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 27, 2021


ree

Hindi pa kasama sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan ang mga edad 12 hanggang 15 dahil sa limitadong suplay ng bakuna, ayon sa Department of Health (DOH).


Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, habang pinag-aaralan pa ang pagbabakuna sa mga kabataan, nananatiling ang mga health workers, senior citizens at persons with comorbidities ang prayoridad ng pamahalaan.

Saad pa ni Duque, “We cannot include them yet [in the vaccination drive] because our supply of vaccines is limited and they are not included in the high-risk group.


“We need to follow our prioritization formula. We cannot deviate because if you expand the coverage to more individuals, we cannot achieve the protection needed by the most vulnerable groups.”


Samantala, pinag-aaralan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng emergency use authorization sa pagturok ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine sa mga edad 12 hanggang 15.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page