top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 21, 2021




ree


Pangungunahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang paghuli sa mga illegal distributors ng Ivermectin, ayon sa babala ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong araw, Abril 21.


Aniya, "To ensure the safety and welfare of the public and at the same time avoid any unnecessary conflicts, the Food and Drug Administration (FDA) has been directed to take the lead in determining the course of action against the illegal trading/dispensing of Ivermectin."


Ayon naman sa Department of Health (DOH), kasong paglabag sa Republic Act 9711 o The FDA Act of 2009 ang isasampa sa mga mahuhuling gagamit ng Ivermectin nang walang compassionate special permit (CSP).


Sa ngayon ay kasalukuyan pang isinasailalim sa clinical trial test ang veterinary product na Ivermectin, kung saan matatandaang ginamit ito nina dating Senate President Juan Ponce Enrile at kasalukuyang Senate President Tito Sotto. Dalawang ospital na rin ang inaprubahan sa paggamit nito dahil sa isinumite nilang CSP.



 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 20, 2021



ree

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) ng mga bakunang Janssen at Covaxin kontra COVID-19, batay sa inanunsiyo ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez, Jr. sa ginanap na public briefing kagabi.


Nauna na ring nag-tweet si Indian Ambassador Shambhu Kumaran upang pasalamatan ang ‘Pinas sa iginawad na EUA sa bakuna nilang Covaxin na mula sa Bharat Biotech manufacturer.


Ayon sa tweet ni Kumaran, “Another decisive step in the long battle together against Covid-19.”


Batay sa pag-aaral, ang Covaxin ay nagtataglay ng 92% hanggang 95% na efficacy rate.


Samantala, ang Janssen COVID-19 vaccines nama’y gawa ng Johnson and Johnson, kung saan mahigit 6 milyong doses nito ang binili ng ‘Pinas.


Matatandaang inirekomenda ng U.S Food and Drug Administration (FDA) at Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ihinto muna ang pagbabakuna ng Janssen dahil sa iniulat na blood clot sa 6 na nabakunahan nito.


Sa ngayon, ang may emergency use authorization (EUA) pa lang na bakuna ay ang Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, CoronaVac ng Sinovac, ang Sputnik V ng Gamaleya Institute at kabilang ang dalawang nadagdag na bakuna.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 19, 2021



ree

Tumanggi ang doktor ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada na ipainom sa kanya ang Ivermectin, ayon sa panayam kay dating Sen. Jinggoy Estrada ngayong umaga, Abril 19.


Kuwento ni Jinggoy, "I have consulted the doctors of my father regarding Ivermectin because there was lots of report na nakakagaling nga raw. I consulted the doctor and the doctor said, 'I will not give Ivermectin to your dad because that's only for animals…' I really have to follow the doctor's advice."


Sa ngayon ay nakatakdang ilipat sa regular room ng ospital ang nagbi-birthday na si Erap, at mamaya rin ay bibisitahin ni Jinggoy ang ama upang dalhan ng birthday cake at batiin sa ika-84 na kaarawan.


Sabi pa ni Jinggoy, "All his vital signs are already normal, 'yung kanyang oxygen flow is already normal. His blood pressure has already been stabilized. Kaya sabi ng doktora, he can be transferred to a regular room today.”


Matatandaang 2 ospital na ang nagsumite ng compassionate special permit (CSP) sa Food and Drug Administration (FDA) upang gamitin kontra COVID-19 ang nasabing veterinary product. Bukod dito, ilang pulitiko na rin ang umaming uminom sila ng Ivermectin.


"Maraming gamot na ibinibigay sa aking ama so I cannot credit kung ano nagpagaling sa kanya," dagdag pa ni Jinggoy.


Nagbabala naman ang Department of Health (DOH) na kasong paglabag sa Republic Act 9711 o The FDA Act of 2009 ang isasampa sa mga mahuhuling gagamit ng Ivermectin nang walang CSP.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page