top of page
Search

ni Lolet Abania | June 27, 2022


ree

Sumiklab ang sunog sa isang hotel sa kahabaan ng Mother Ignacia Avenue sa Quezon City ngayong Lunes ng hapon, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).


Batay sa report mula sa BFP-National Capital Region Public Information Office, nagsimula ang sunog sa 17th floor ng La Breza Tower sa Barangay South Triangle, Quezon City.


Ayon sa BFP, alas-2:24 ng hapon ay itaas sa unang alarma ang sunog at umabot sa ikalawang alarma ng alas-2:35 ng hapon. Idineklara ng BFP na under control ang sunog ng alas-3:12 hapon, habang fire out naman ng alas-3:28 ng hapon.


Wala nang iba pang detalyeng ibinigay ang mga awtoridad sa insidente, subalit inaalam na rin nila ang pinagmulan o naging sanhi ng sunog at halaga ng mga ari-ariang natupok.



 
 

ni Lolet Abania | June 20, 2022


ree

Dalawa ang nasaktan habang 150 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos sumiklab ang sunog sa Parañaque City, bago mag-madaling-araw ngayong Lunes. Nasa tinatayang 80 bahay ang natupok sa Valley 6 sa Barangay San Isidro.


Nagsimula ang sunog bandang ala-1:00 ng hatinggabi na umabot sa ikaapat na alarma. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nahirapan silang pasukin ang lugar dahil sa makitid na kalsada, may konstruksyon sa oras na iyon, habang malayo ang lokasyon ng fire hydrant.


Batay pa sa BFP, ang mga kabahayan ay makakadikit at gawa rin sa mga light materials. Nagtulung-tulong naman ang mga residente para apulahin ang sunog, kung saan kumuha sila ng tubig mula sa isang drainage system na kasalukuyang isinasagawa.


Nagsimula ang sunog habang karamihan sa mga residente ay natutulog na. Ilan sa kanila ang hindi na rin nasagip ang kanilang mga kagamitan. Apektado rin ng sunog ang isang bakery na pag-aari ng isa sa mga residente.


Ayon pa sa BFP, tinatayang aabot sa P600,000 ang mga ari-ariang napinsala. Alas-2:22 ng madaling-araw idineklarang ng BFP na under control na ang sunog, habang fire out naman pasado alas-4:00 ng madaling-araw.


Pansamantalang nanuluyan ang mga apektadong residente sa isang covered court ng barangay. Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang naging sanhi at pinagmulan ng sunog.


 
 

ni Lolet Abania | June 17, 2022


ree

Sumiklab ang sunog sa isang bahagi ng bagong na-renovate na Manila Metropolitan Theater sa Manila ngayong Biyernes ng umaga.


Sa isang statement sa Facebook, ayon sa MET, nagsimula ang sunog sa isang kuwarto sa unang palapag ng kanilang Padre Burgos Wing na kasalukuyang nire-renovate.


“Hindi na kumalat pa ang sunog sa ibang bahagi ng complex o ng Tanghalan, at tuluyang naapula ng pasado alas-9 ng umaga,” pahayag ng pamunuan ng teatro.


ree

Batay sa spot report ng Bureau of Fire Protection (BFP), ang sunog na itinaas sa ikalawang alarma, ay idineklarang under control ng alas-9:23 ng umaga habang fire out ng alas-9:41 ng umaga.


Ayon pa sa Metropolitan Theater, wala namang nasaktan sa insidente, at wala ring mahahalagang bagay ang nasira at nadamay matapos ang sunog.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page