top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 24, 2021



Nasunog ang bahagi ng storage area ng Food and Drug Administration (FDA) sa Muntinlupa City noong Lunes nang gabi.


Ayon sa Bureau of Fire Protection-Muntinlupa, itinaas ang unang alarma bandang alas-7:35 at idineklarang under control na bandang alas-7:55 nang gabi. Alas-8 naman nang ideklarang fire out na.


Wala naman umanong nasugatan o nasaktan sa insidente ngunit patuloy pa ring iniimbestigahan ng BFP Muntinlupa ang pinagmulan ng sunog.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 17, 2021



Isa ang patay sa sunog na sumiklab sa factory sa Valenzuela City ngayong Martes nang umaga.


Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa Gilvan Packaging Corporation sa Barangay Paso de Blas alas-4:41 nang umaga.


Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy, kaagad itong umabot sa third alarm matapos ang anim na minuto.


Samantala, idineklara namang under control ang sunog bandang alas-5:44 nang umaga.


Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng awtoridad ang sanhi ng sunog at gayundin ang pagkakakilanlan ng biktima.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 2, 2021



Patay ang anim na katao at inilikas naman ang mga residente mula sa dose-dosenang villages sa southern Turkey matapos manalasa ang wildfire.


Ayon sa mga eksperto, lumalawak ang mga naaapektuhang lugar dahil sa malakas na hangin. Maging ang mga residente sa tourist city na Bodrum ay inilikas din dahil nadamay na rin ang naturang lugar sa wildfire na nararanasan sa kalapit na distrito nito na Milas dahil sa malakas na hangin.


Mahigit 540 residente na rin ang inilikas gamit ang mga bangka dahil hindi na madadaanan ang mga kalsada. Ayon sa datos ng EU, nakaranas na ang Turkey ng 133 wildfires ngayong 2021.


Pumapalo rin sa 49.1 degrees Celsius (120.3 Fahrenheit) ang temperatura sa southeastern town ng Cizre. Samantala, nagbabala rin ang mga awtoridad sa posibleng pananatili ng mataas na temperatura sa ilang lugar sa bansa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page