top of page
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | March 12, 2022



ree

Hello, Bulgarians! Sa ginanap na webinar noong Marso 11, mahigit 15,000 ang dumalo sa pagtitipon, at sumali sa Facebook livestreaming ng Go Negosyo at mga partners nito. Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, kayang ibangon ng mga Pinay entrepreneur ang ekonomiya ng bansa, dahil kababaihan ang bumubuo ng halos 90 porsiyento ng micro at small entrepreneurs sa bansa, ang pagpapalakas ng bahaging ito ng populasyon ay isang malaking hakbang para maibangon ang Pilipinas mula sa COVID-19 pandemic.

“We need to inspire and motivate our women entrepreneurs, napapanahon ang Women 2022 Entrepreneurship Summit dahil nakita natin kung paano maaaring maging puwersa ang mga kababaihang negosyante sa pagpapalakas ng ating ekonomiya, marami sa kanila ang humarap sa mga hamon sa panahon ng pandemya, lalo na sa muling pagpundar ng kanilang mga negosyo. Sa kabila nito, nagpakita sila ng katatagan,” sabi ni Concepcion.

Maraming negosyanteng Pinay ang dati nang aktibo sa e-commerce, ngunit dahil sa COVID-19 pandemic, nalantad ang kakulangan nila sa pondo at sapat na pagsasanay sa e-commerce. Umaasa si Concepcion na sa pamamagitan ng Women’s Summit, mas maraming Pinay entrepreneur ang mai-inspire sa tagumpay ng mga babaeng mentor at leader. Ang summit ay paraan din para matuklasan ng mga nagnanais na magnegosyo ang iba't ibang modelo at pamamaraan ng pagnenegosyo.

Sa temang "Thriving in a Changed World: Women Leading the Way", ang summit ay binubuo ng tatlong kaganapan, bawat isa ay layong magbigay ng inspirasyon sa susunod na henerasyon ng mga Pinay na negosyante na magsimula ng kanilang sariling mga negosyo.

Una ay isang virtual conference na tatalakayin ang papel ng kababaihan sa pagpapalakas ng ekonomiya; kasunod ang Inspiring Filipina Entrepreneurs Awards na kikilalanin ang 17 na natatanging Pinay na negosyante. Ikatlong kaganapan ay ang Women Enterprise Enablers Virtual Expo, isang exhibit ng mga negosyong pinamumunuan ng kababaihan at mga organisasyong kasosyo. Ito rin ay inaasahang mag-uugnay ng mga maaaring maging kasosyo ng mga negosyante. Ang Women 2022 Entrepreneurship Summit ay umaasang mag-inspire sa mga innovator at entrepreneur na magsimula ng mga negosyong may positibong epekto sa lipunan gamit ang inclusive, innovative at sustainable na pagnenegosyo.

Sinabi ni Concepcion na ang pagtulong sa mga Pinay na negosyante ay mas naging mahalaga ngayong ang Pilipinas ay nahaharap sa kabi-kabilang balakid sa pagbangon nito. Ang tumataas na presyo ng mga bilihin na dulot ng krisis sa Russia-Ukraine ay nakakaapekto sa paggalaw ng ekonomiya, habang ang patuloy na banta ng COVID ay nagdudulot pa rin ng pangamba sa ilang mga Pilipino.

Samantala, ang mga maliliit na negosyante ay umaasa na sa muling pagbubukas ng ekonomiya ay mababayaran na ang kanilang mga pagkakautang na dulot ng mga lockdown at mga paghihigpit sa nakalipas na dalawang taon. Ang gobyerno ay nahaharap din sa P12 trilyong pambansang utang. Inaasahan na sa muling pagbubukas ng ekonomiya, makakayanan ng bansa ang epekto ng mga krisis at makakuha ng sapat na kita upang mabayaran ang mga utang nito.

“Dapat nating tandaan na ang MSMEs ay higit sa kalahati ng mga kabuuang trabaho na naiaambag sa Pilipinas. Ang kanilang pagbangon ay pagbangon nating lahat,” ani Concepcion.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | March 10, 2022



ree

Hello, Bulgarians! Nakipagtulungan ang Manila Electric Company (Meralco) sa lokal na pamahalaan ng Pasig at sa Ateneo School of Medicine and Public Health (ASMPH) para sa isang programang naglalayong magbigay ng suportang pinansyal sa mga mag-aaral na naghahangad maging doktor.


Sa ilalim ng pinirmahang memorandum of agreement (MOA) kamakailan, limang residente ng Pasig na na nagnanais magkaroon ng titulong Doctor of Medicine at Master of Business Administration sa ASMPH ang makatatanggap ng scholarship mula sa One Meralco Foundation (OMF) at sa Pasig local government unit (LGU).


Ang OMF, ang sangay ng Meralco na nangangasiwa sa mga programa nitong pagtulong sa mga komunidad, ang sasagot sa mga pangunahing gastos ng iskolar gaya ng bayad sa matrikula at mga miscellaneous fee, habang ang lokal na pamahalaan ng Pasig naman ang magbibigay ng allowance para sa uniporme, pagkain, at subsidiya sa transportasyon.


“After successfully completing the course, they will return to Pasig City to serve in our public hospitals including the Pasig City General Hospital and the Pasig City Children’s Hospital or even in the Pasig City Health Department,” pahayag ni OMF President Jeffrey O. Tarayao.


Ayon pa kay Tarayao, ang Meralco-Pasig Scholarship Grant ay isang paraan upang bigyang pagkilala ang hindi matatawarang sakripisyong ipinamalas ng mga healthcare worker ngayong panahon ng pandemya. Nilalayon din ng programa na hikayatin ang mga mag-aaral na maging doktor at magsilbi sa ating bansa.


“We think that we can best begin this right in the very city where Meralco and the Ateneo School of Medicine are proud citizens, our very own Pasig City,” dagdag ni Tarayao.


Umaasa naman ang Pasig LGU na ang programang ito ay makatutulong sa pagpapalakas at pagpapatibay ng sistemang pangkalusugan ng bansa.


“Infrastructure is important. Medicine is important. The supplies and equipment, they are all important. But at the end of the day, it’s about the people. If we have good people in government, in our public healthcare sector, working for our public healthcare system, then you know that our people will be in good hands,” pahayag ni Pasig City Mayor Vico N. Sotto.


Batid naman ni Ateneo Professional Schools Vice President Dr. John Paul Vergara ang kahalagahan ng nasabing programa at ng suporta para sa mga tatanghaling iskolar ng OMF at Pasig LGU. Aniya: “We are of course excited to work with the Pasig government and to bring more Pasigueños into our medical school and forge a meaningful and lasting partnership.”


Sa kanyang pahayag ay sinabi naman ni Meralco President at Chief Executive Officer Atty. Ray C. Espinosa: “Throughout the pandemic, we have witnessed the heroism of our healthcare workers and front-liners who have inspired many young Filipinos to pursue medical professions. Through this medical scholarship program, we hope to help deserving young Pasigueños achieve their ambitions while producing more doctors for our country’s needs.”


“We in Meralco are deeply honored to invest in our young people and to contribute to the improvement of public health in Pasig for many years to come,” dagdag pa niya.


Ang mga mag-aaral na nagnanais maging bahagi ng programa ay maaaring magpasa ng kanilang aplikasyon hanggang sa ika-15 ng Marso 2022, habang ang mga requirement naman ay kinakailangang ma-kumpleto hanggang sa ika-16 ng Mayo 2022. Para sa kumpletong detalye at patnubay sa aplikasyon ukol sa Meralco-Pasig Scholarship Grant, bisitahin ang https://www.facebook.com/100066291500027/posts/290923109794070/



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 27, 2021


ree


Hello, Bulgarians! Nang pumutok ang balita na maaaring mabakunahan ang mga batang may comorbidities, agad na ipinarehistro ni Paul Vincent Lim ang kanyang anak para sa pagbabakuna. As early as 9AM, nasa SM Megamall Mega Trade Hall na si Lim at ang kanyang 15-year old na anak.


"The benefits outweigh the risk. The moment I knew that he was eligible for inoculation, I did not hesitate to register his name. His pedia also approved of it so we pushed through with it," sabi ni Lim.


Ang anak ni Lim ay isa lamang sa 1.2 milyong bata na may edad 12 hanggang 17 na may comorbidities sa bansa, na ngayon ay nakuha ng kanyang anak ang proteksiyon laban sa kinatatakutang sakit na ito -- COVID-19 vaccine.


Sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH), Inter-Agency Task Force and National Task Force Against. COVID, National Vaccination Operation Center (NVOC),


Mandaluyong City LGU, at SM Supermalls na binuksan ang SM Megamall Pediatric Vaccination Center sa mga batang Pilipino na may mga kondisyong medikal noong, Oktubre 21.


“At SM, we remain committed to providing accessible and convenient vaccination areas to our communities and beyond. Now that the roll out of the inoculation of minors with preexisting conditions have started, we will continue to lend a helping hand to the government and give them the necessary support to boost the country's vaccination drive," saad ni SM Supermalls President Steven Tan.


Humigit-kumulang 120 indibidwal na kabilang sa kategoryang A3.1 ang nagpunta sa mega vaccination center upang mabakunahan laban sa COVID-19. Ang SM Megamall ay bahagi ng 17 lokasyon at tanging mall venue kung saan inilunsad ang Phase 2 ng programa.


Prior to the opening, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos said that they've prepared really well to ensure the safety of the kids. "Vaccinating children can be quite challenging. We had to make some modifications in the vaccination center like putting up dividers where the kids will be getting jabbed. Also, we have prepared well for emergencies.


Our team conducted a simulation yesterday to ensure that we can respond to emergency situations immediately," Mayor Abalos noted.


Ang MandaVax site ay kasalukuyang nakatanggap ng humigit-kumulang 7000 na pagpaparehistro, at halos 1, 000 ay mga bata na may comorbidities. Sa ngayon ang SM Megamall Pediatric Vaccination Center ay tumutugon sa mga residente ng Mandaluyong, gayunpaman, binanggit ni Mayor Abalos na malapit nang ma-accommodate ang mga hindi residente ng Mandaluyong na nagtatrabaho sa lungsod at may mga anak na may comorbidities.


Ang phased approach sa pagbabakuna ng kategoryang A3.1 ay nagsimula noong Oktubre 15. Binigyang-diin ng DOH na ang rollout ng pagbabakuna sa mga bata at menor-de-edad ay kailangan upang maiiwas sila sa panganib.


“It's been a while since developed countries have started administering pediatric vaccines, and we believe that it’s high time for us to start this already. We chose SM Megamall as one of our venue partners for the second phase of the A3.1 vaccination roll out because we know that they can provide vast, safe, and convenient spaces, ideal for vaccination. We are grateful to SM Supermalls and SM Megamall for opening their vaccination centers to us," pahayag ni Chief Local Health Support Division and Vaccine Cluster Head, Dra. Amelia Medina.


Maaaring irehistro ng mga magulang at tagapag-alaga ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng MandaVax site gamit ang kanilang household code. Dagdag pa ng LGU, maaaring tumawag sa mga sumusunod na hotline ng MANDAVAX ang mga may katanungan tungkol sa pagbabakuna sa mga menor-de-edad: 0917-1762632, 0917-1862632, 0917-6762632, 0968-6095405, 0915-4972946, 0919-5245715, 8532-5001 loc 471 to 480

Para sa karagdagang impormasyon at up-to-date na balita sa mga iskedyul ng pagbabakuna sa SM malls sa inyong LGU, sundan ang @smsupermalls sa lahat ng social media platforms



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page