top of page
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | April 5, 2022



ree

Hello, Bulgarians! Inihayag ng pangulo at CEO ng Social Security System (SSS) na si Michael G. Regino na ang deadline ng pagsunod para sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) para sa taong 2021 ay extended mula Marso 31, 2022, hanggang Hunyo 30, 2022.


Sakop ng ACOP ang mga sumusunod na uri ng pensiyonado:


• Survivor pensioners (receiving pensions through Death Benefit),

• Total disability pensioners,

• Guardians and their dependents, and

• Retirement pensioners residing abroad.


Ang mga retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas ay nananatiling exempted sa pagsunod sa ACOP.


Sinabi ni Regino na layon ng extension na bigyan ng mas mahabang panahon ang mga hindi pa nakasunod sa ACOP para maiwasan nila ang pagsususpinde ng kanilang buwanang pensiyon.


“Originally, we have given covered pensioners a period of six months from October 1 last year to comply with the ACOP for the calendar year 2021. But in view of the restrictions that were implemented at some point earlier this year due to the Omicron variant along with other considerations, we decided to extend the deadline for another three months or until June 30,” pahayag ni Regino.


“We urge those who have not yet complied with the program to submit their compliance immediately for them to not miss the new deadline. We have various methods for compliance that we developed with the utmost consideration for their safety and convenience,” dagdag pa niya.


Ang mga guideline at dokumentaryong kinakailangan para sa iba't ibang paraan ng pagsunod gaya ng sa pamamagitan ng e-mail, mail, courier, drop box, video conference, at home visit (para sa kabuuang mga pensioner na may kapansanan na naninirahan sa Pilipinas) ay maaaring ma-access sa https://bit .ly/3iwZBUE.


Ang mga sakop na pensiyonado sa ilalim ng ACOP na nakasunod na para sa taong 2021 ay hindi na kailangang muling isumite ang kanilang compliance. Ang karaniwang iskedyul ng ACOP ay magpapatuloy sa Hulyo 1, 2022.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | April 2, 2022



ree

Hello, Bulgarians! Napakaraming kaganapan ang buwan ng Marso, nariyan ang Women’s Month celebration, kung saan siyempre bida ang mga kababaihan, na hindi basta babae lang, na ginanap sa SM Supermalls.


Isang achievement ang natanggap ng SM Supermalls, ang Special Awards of Recognition ay mula sa DILG, DOH, DTI, at DICT na naganap kamakailan.


Bilang advocates para sa #SafeMalling, ginawaran din ng certificate of recognition ang SM Supermalls para sa kanilang katatagan sa pagdadala ng DTI Safety Seal sa lahat ng 76 malls. Inorganisa ng DILG, ang event na pinamagatang “Recognition of the Best Performing Local Government Units: Safety Seal Certification Program, VaxCertPH Program, and National Vaccination Day” na ginanap sa SM Mall of Asia.



ree

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | March 26, 2022


ree

Hello, Bulgarians! Sa wakas ang kauna-unahang kidney transplant center sa Cabanatuan City ay magkakatotoo na matapos makatanggap ang Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (DPJGRMMC) ng P13.27 milyong grant mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) noong Marso 11.


Pinangunahan ni Chairman at CEO Andrea D. Domingo, kasama ang mga miyembro ng PAGCOR Board ang turnover ng grant sa DPJGRMMC para sa pagbili ng Electro-Mechanical Operating Room Tables na may mga espesyal na accessories para sa Urology Department ng ospital (P4.42 million) at Kidney Transplant Donor Section (P8.85 milyon).


Sinabi ni Medical Center Chief Dr. Huberto Lapuz na pinlano nila ang pagtatayo ng kidney transplant center tatlong taon na ang nakararaan, ngunit natigil ang mga plano dahil sa kakulangan ng budget, bukod sa iba pang hamon na nararanasan ng ospital na resulta ng pandemya.


Ibinahagi ni Lapuz na kapag naitatag na ang kidney center sa DPJGRMMC ay hindi lamang mga residente ng Cabanatuan kundi pati na rin ang mga pasyente sa Central Luzon at mga karatig probinsiya tulad ng Aurora, Bulacan, Tarlac at Nueva Viscaya ay makikinabang.


“We are very fortunate that our hospital became the recipient of PAGCOR’s donation. Malaking tulong na ma-establish namin ito dahil wala namang transplant center dito na malapit. Ang mga pasyente pumupunta pa sa Manila para magpagamot sa National Kidney Transplant Institute (NKTI). Once built, this will truly help many patients. Dito na sila ooperahan,” pahayag ni Lapuz.


Bukod sa kidney transplant center, ina-upgrade ng DPJGRMMC ang kapasidad nito mula 400 hanggang 1,000 na kama at magtatatag din sila ng heart center. “Hopefully this year or next year, our plans for the hospital will all materialize. We would like to thank PAGCOR for providing financial assistance for our kidney transplant center,” dagdag pa ni Lapuz.


Samantala, nag-donate din ang PAGCOR ng P2.5 milyon sa Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP). Ang halaga ay gagamitin para sa pagbili ng dalawang patrol jeep (single cab).


“The two vehicles that will be procured will be used in our mobility assets so we will be more effective in managing police operations. With this additional mobility, we can deliver better performance. It will be a big asset because we will be more effective,” saad ni PNP-AVS Director Police Brigadier General Ysmael Salonga Yu.


Ang AVSEGROUP ay isang unit na sumasaklaw sa kaligtasan at seguridad ng lahat ng mga paliparan sa bansa.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City

 
 
RECOMMENDED
bottom of page