top of page
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | April 30, 2022


ree

Hello, Bulgarians! Kasunod ng pagpasok ng bagong Omicron subvariant BA.2.12 sa Pilipinas, muling isinulong ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang panukalang i-require ang booster shot upang matawag na ‘fully vaccinated’.


“I must repeat the suggestion I made early this year and have been emphasizing since: ‘fully vaccinated’ must mean having completed the primary dose and at least one booster shot,” ani Concepcion.


Muling isinulong ng founder ng Go Negosyo ang mungkahi habang lumalakas ang mga babala mula sa mga eksperto sa gitna ng mababang booster uptake at ang pagpasok ng bagong variant ng COVID-19.


Ayon sa mga eksperto, kabilang na ang World Health Organization, ang Pilipinas ay makararanas ng pagtaas ng mga kaso ng COVID sa Mayo. Sa katatapos na townhall ng Go Negosyo na “Booster to the Max”, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research na maaaring tumaas ang mga kaso sa Mayo hanggang Hunyo, habang sinabi naman ni Fr. Nic Austriaco na alinman sa tatlong bagong variant ng Omicron ang maaaring mag-trigger ng pagtaas ng kaso.


Bilang unang hakbang, sinabi ni Concepcion na ang pribadong sektor ay naghahanap ng mga paraan upang maakit ang mga tao na magpabakuna at magpa-booster. Kabilang dito ang mga discount sa mga customer na nakatanggap na ng kanila booster shot.


Idinagdag niya na makabubuti ang pagsulong ng booster vaccination dahil kailangan din ang mga booster para sa bakuna sa mga sakit tulad ng pneumonia at tuberculosis.


Nagkakaisa ang mga medical experts na ang proteksyon na ibinibigay ng mga bakuna ay maaaring humina simula sa apat na buwan pagkatapos ng pangunahing dosis, at nangangailangan ng pangatlo, o booster, upang maibalik ang proteksyon laban sa malubhang sakit o pagpanaw mula sa COVID-19.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | April 11, 2022


ree

Hello, Bulgarians! Kamakailan sinuportahan ng pinakamalalaking grupo ng mga negosyante ang panukalang palitan ang mga vaccination card ng booster card simula Hunyo.


Sinang-ayunan nila ito dahil kailangang manatiling malusog ang ekonomiya at makaiwas sa mga bagong variant ng SARS-Cov2 virus. Laman ng panukala ang pagtatakda ng expiry date sa vaccination cards at pagpalit nito ng booster card.


Naunang inihain ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, kabilang sa mga grupong hayagang sumuporta sa panukala ay ang Philippine Franchise Association, Philippine Retailers Association, Philippine Marketing Association, Philippine Association of Legitimate Service Contractors, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Makati Business Club, Financial Executives Institute, American Chamber of Commerce, European Chamber of Commerce, Indian Chamber of Commerce, at ang Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas, pati na rin ang mga grupong kumakatawan sa mga salon/spa, amusement park, at mga concert venues at organizers.


Samantala, ang mga airlines at restaurants ay magsusulong ng mga insentibo para magpa-booster na ang mga tao.


Pinag-aaralan din ng ilan pang mga grupo ang kanilang pagsuporta.


Ayon sa panukala, binibigyan ang mga tao ng 60 araw matapos maglabas ng resolusyon ang IATF.


Papayagan din nito ang lahat, anuman ang priority group, upang makuha ang kanilang mga booster shot.


Ang panukala ay naunang sinuportahan ni Dr. Ted Herbosa, tagapayo ng National Task Force. Ayon kay Dr. Herbosa, ngayong may higit sa 65 milyong Pilipino na ang ganap nang nabakunahan, 11.8 milyon pa lamang ang nakatatanggap ng kanilang booster. Naunang naging isyu ang booster kasunod ng balita na 27 milyong bakuna ang mag-e-expire na sa Hulyo.


Sinabi ni Concepcion noong nakaraang linggo na nanganganib na magkaroon ng mataas na kaso ng COVID sa ikalawang bahagi ng 2022 kung hindi dadami ang mga nababakunahan at nabu-booster.


Nagbabala ang Go Negosyo founder ng patung-patong na problema sa ikalawang bahagi ng taon kung ang krisis sa Russia-Ukraine ay magtatagal pa at magdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pag-antala sa pandaigdigang daloy ng mga produkto.


“Right now there is no danger. The danger is in the next semester when the waning immunity might be felt already. And this is not counting the possibility that new variants might emerge," aniya.


Ayon kay Concepcion, ang Pilipinas ay kasalukuyang isa sa iilang bansa sa Asya na mababa ang kaso ng COVID. Gayunpaman, may pag-aalala na sa pagbukas ng bansa sa dayuhang turista, maaari itong makadagdag sa pagtaas ng mga kaso. Tila nakakalimutan na din daw ng ilan ang physical distancing at tamang pagsusuot ng face mask.


Kamakailan ay lumagpas na sa P12 trilyon ang pambansang utang ng Pilipinas dahil sa paghiram para sa pagtugon sa pandemya. Ayon kay Concepcion, magsasayang ang bansa ng US$200 milyon kung hahayaan lang mag-expire ang mga bakuna. “That’s money we can’t afford to waste,” aniya.


Sa kabila nito, pinuri ni Concepcion ang pagsisikap ng gobyerno na mailapit ang pagbabakuna sa mga tao. Ang problema, aniya, ay ang mga taong pinagpapaliban o tinatanggihan ang pagpapabakuna.


"We already know what might happen if we don’t act, and we know what needs to be done. If we close down again in the second semester, we risk losing our gains in the last two years. This can be entirely preventable if we act now," sabi niya.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | April 7, 2022


ree

Hello, Bulgarians! Sa natapos na National Women’s Month Celebration (NWMC) ay inilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang “SUPER TICKET PARA KAY SUPER PINAY” kung saan may LIBRENG TICKET ng Super Lotto 6/49 na may halagang P100 ang mga kababaihan na masugid na sumusuporta at tumataya sa PCSO kapalit ng halagang P10 na taya sa PCSO digit games (2D, 3D, 4D at 6D) o halagang P20 na taya sa iba’t ibang laro ng lotto (Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55 at Ultra Lotto 6/58).


Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa mga kababaihan at pagsusulong ng pagkapantay-pantay ng kasarian ng bawat isa maging ikaw man ay lalaki o babae. Ang proyektong ito ng PCSO ay pinangunahan ng Product Standard and Development Department (PSDD) sa pangunguna ng kanilang Department Manager na si Gng. Laila D. Galang.


Ayon sa kanya, ito ay pagbibigay halaga at inspirasyon sa mga “SUPER PINAY” ng bansa na nagpapakita ng walang patid na tapang at husay sa abot ng kanilang makakaya lalo na sa panahon ng pandemya. Nagpasalamat din siya sa mga sumusuporta sa PCSO, “Maraming salamat po sa patuloy po ninyong pagtangkilik sa mga produkto at laro ng PCSO. Kayo po ang inspirasyon namin sa pagtulong. Mabuhay po ang mga kababaihan, mabuhay ang mga Pilipino.”


Sabay-sabay na isinagawa ang proyektong ito sa lahat ng branch offices ng PCSO sa buong bansa.


Samantala, nakibahagi at nagpakita rin ng suporta ang Sweepstakes Employees Union (SEU) sa selebrasyon. Namahagi ng libreng taho para sa mga tumatangkilik sa PCSO.


Hinihikayat naman ni PCSO Vice Chairperson and General Manager Royina Marzan Garma na patuloy na suportahan ang PCSO sa pamamagitan ng pagtangkilik sa mga produkto at laro ng PCSO dahil dito nanggagaling ang 30% na ipinantutulong sa medical at iba pang programa na may kinalaman sa kawanggawa ng PCSO.


Ipinaalala rin ng PCSO sa publiko ang tungkol sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na nagsasaad na ang lahat ng panalo na higit sa halagang P10,000 ay may 20% na buwis.


Ayon naman sa batas (RA 1169) ang nanalong tiket ay puwede lamang kubrahin sa loob ng isang (1) taon mula sa petsa ng bola nito, pagtapos nito ay mawawalan na ito ng bisa.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page