top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 13, 2021





Hello, Bulgarians! Dahil may pangangailangang palakasin ang paglikha ng trabaho para sa mas maaraming Pilipino, nagpahayag si Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ng buong suporta sa planong paglikha ng hanapbuhay ni presidential candidate at Vice-President Leni Robredo para sa micro, small and medium enterprises (MSMEs). Sinabi ni Concepcion na ang job generation program ni Robredo, na tinawag na "Hanapbuhay Para sa Lahat" ay magbibigay ng trabaho sa mga Pilipino at makatutulong na buhayin ang sektor ng MSME sa bansa na lubhang naapektuhan ng pandemya. "The Vice President has presented a clear-cut and feasible plan on how to revive the MSME sector and how to generate employment opportunities for Filipinos through her job generation platform," wika ni Concepcion, na idinagdag pa na “it’s like hitting two birds with one stone.”


Sa ilalim ng kanyang "Hanapbuhay Para sa Lahat" program, sinabi ni Robredo na ipaprayoridad ang MSMEs pagdating sa pagbili ng supply ng gobyerno para sa iba’t ibang programa at proyekto nito. “Bubuksan natin ang mga pinto para makalahok sila sa procurement process ng gobyerno. Imamandato natin ang pag-prioritize ng MSMEs at mga magsasaka, na kailangan bilhin ng mga government offices kabilang na ng mga para sa food programs,” wika ni Robredo.


Idinagdag pa ni Robredo na layon ng programa na maiugnay ang MSMEs sa mas marami at malaking merkado upang madagdagan ang kanilang kita, tulad ng ginagawa ng ilang organisasyon gaya ng Go Negosyo sa loob ng ilang taon.


“Tulad na ng mga nagawa natin sa Angat Buhay ng Office of the Vice-President at ginagawa ng ibang organisasyon tulad ng Go Negosyo, iuugnay natin ang mga maliliit na negosyo sa mas malalawak na merkado, partikular sa larangan ng agrikultura at turismo,” wika ng Bise-Presidente. "This move would help MSMEs grow and expand their operation. Expansion means additional manpower, so it would lead to more employment opportunities for many Filipinos who have lost their livelihood during the pandemic," wika naman ni Concepcion.


Sa kanyang pagdalo sa “Kandidatalks” series ng Go Negosyo, kung saan binibigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na ilahad ang kanilang mga plano at programa para sa MSMEs ng bansa, binigyang-diin ni Robredo ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga maliliit na negosyo sa ekonomiya.


Sa mahigit 950,000 negosyo sa bansa, sinabi ni Robredo na 99.5 porsiyento nito ay MSMEs at 88.77 porsiyento rito ay maliliit na negosyo. “Small enterprises play a big role in our economy,” wika pa ni Robredo, na sinabing nakakalikha ng 5.3 milyong trabaho ang maliliit na negosyo.


Ngunit nalulungkot si Robredo dahil madalas, walang kapital at iba pang pagkukunan ang mga MSME para sila’y makatayo tuwing panahon ng krisis, gaya ng COVID-19 pandemic, kung saan napilitan silang pansamantalang ihinto ang operasyon o tuluyan nang magsara. Bilang bahagi ng kanyang suporta sa MSMEs, pakay ni Robredo na maglaan ng Php100 bilyon na stimulus package para sa MSMEs bilang bahagi ng COVID recovery plan ng bansa upang hindi na magtanggal ng mga empleyado ang mga maliliit na negosyo. Plano rin niyang palawakin ang access sa pautang sa pamamagitan ng direct lending sa mga bangkong pag-aari ng gobyerno at pagbibigay ng insentibo sa buwis sa social enterprises.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 11, 2021





Hello, Bulgarians! Ang mga member-borrower na may past due short-term loan ay maaaring mag-apply para sa Social Security System’s (SSS) Penalty Condonation Program sa pamamagitan ng online gamit ang kanilang My.SSS account mula Nobyembre 15, 2021 hanggang Pebrero 14, 2022.


Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio na ang Short-Term Member Loan Penalty Condonation Program (STMLPCP) ay bahagi ng Pandemic Relief and Restructuring Programs na iniaalok ng SSS.


“We continue to respond to the needs of our members who were greatly affected during this pandemic. Through the STMLPCP, SSS offers conditional loan condonation by waiving their accumulated penalties once their loan principal and interest are fully paid,” sabi ni Ignacio.


Kasama sa programa ang mga may outstanding Salary, Calamity, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), Emergency Loans at Restructured Loan sa ilalim ng Loan Restructuring Program (LRP) na ipinatupad noong 2016 hanggang 2019.


Ang mga kuwalipikadong mag-apply ay ang mga sumusunod:


· Miyembrong may short term loan na lampas na sa takdang panahon ng hindi bababa sa anim na buwan mula sa unang araw ng pagtanggap ng condonation;


· Miyembrong hindi nabigyan ng anumang panghuling benepisyo tulad ng disability o retirement;


· Miyembrong hindi na-disqualify dahil sa pandaraya na ginawa laban sa SSS;


· Miyembrong maghahain ng kanilang panghuling aplikasyon sa benepisyo para sa disability o retirement, na ang contingency date ay bago o sa huling araw ng availment period ng condonation program;


· Tagapagmana o benepisaryo ng mga yumaong miyembrong umutang na maghahain ng aplikasyon para sa death benefit, na ang contingency date ay bago o sa huling araw ng availment period ng condonation program; at


· Para sa mga member-borrower na magbabayad ng kanilang pinagsama-samang loan sa ilalim ng installment basis, ang kanilang edad, dapat wala pang 65 taong gulang sa pagtatapos ng installment term.


“We encourage our member-borrowers to avail of our short-term member loan condonation program. With this program, they can update their loans and avoid further accumulation of penalties,” dagdag ni Ignacio.


Ang iba pang mga tuntunin at kondisyon sa ilalim ng loan penalty condonation ay maaaring tingnan sa SSS Circular No.2021-014 na maaaring ma-access sa pamamagitan ng link na itohttps://bit.ly/3GEzwhf.

Para sa tamang impormasyon at update sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at sundan ang SSS sa Facebook at YouTube sa “Philippine Social Security System,” Instagram sa “mysssph,” Twitter at “PHLSSS,” sumali sa Viber Community nito sa “MYSSSPH Updates,” o bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph/


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 09, 2021





Hello, Bulgarians! Inilunsad ng Philippine Postal Corporation (Post Office) ang “Pasko 2021” postage stamps kasabay ng maningning na gabi ng pagtatanghal, handog ng pamosong Philippine Philharmonic Orchestra sa makasaysayang gusali ng Manila Central Post Office kamakailan.


Tampok ang temang “Paskong Pilipino”, inilalarawan sa selyo ang mensahe ng parol na nagbibigay-liwanag at komukonekta sa sama-samang selebrasyon ng pamilya, magkakaibigan, magkalapit o magkalayo damang-dama pa rin ng bawat isa ang Pasko.


Makikita sa selyo ang makukulay na parol hudyat na ‘eto nang simula ng masaya at sama-samang pagdiriwang ng Paskong Pinoy.


Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio, “Ang mga karanasan sa nagdaang sakuna o trahedya ang ngsilbing lakas at gabay upang lumago, tumibay at mapanatili ang ating pananampalataya sa Diyos”.


Hinarana ng Philippine Philharmonic Orchestra ang mga Manileno sa libreng konsiyertong inihandog ng Cultural Center of the Philippines (CCP).


Ipinakita rito ang pagtugtog ng iba’t ibang kantang pamasko at mga awiting pinasikat ng mga lokal at internasyunal na mang-aawit sa kumpas ng baton ni Maestro Herminigildo Ranera.


Pinamalas din ang galing ng pinakabatang sopranong si Alexa Kaufman at ang The Nightingales.


Ang aktres na si Issa Litton ang naging host ng espesyal na konsiyertong pinamagatang “PPO@PPO”.


Nagpasalamat si Postmaster General Fulgencio sa Office of the President sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at kay Direk Arsenio “Nick” Lizaso, Pangulo ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at chairperson ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sa kanyang adhikain na maitampok ang konsiyerto sa makasaysayang gusali ng post office upang patuloy na maitampok ang mga programang pangkultura at sining. Ang Post Office, NCCA at CCP ay pare- parehas na nasa ilalim ng Office of the President.


Ang gusali ng post office ay idineklarang mahalagang yamang pangkalinangan ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Ayon kay Postmaster General Fulgencio, “Ang makasaysayang gusali na ito ang magsisilbing backdrop upang mas lalong mapahalagahan ang talento ng mga Pilipino na siyang tunay na kayamanan ng bansa”.


Idinesenyo ni in-house graphic designer Ryman Dominic Albuladora, ang mga “Christmas Stamps”, Souvenir Sheets at First day cover envelope ay mabibili sa Manila Central Post Office Postshop sa Liwasang Bonifacio.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page