top of page
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | December 22, 2023



ree

Hello, Bulgarians! Inihayag ng Government Service Insurance System (GSIS) na hakbangin nitong palakasin ang katatagan ng educational infrastructure sa bansa, na magbibigay ito ng fire insurance para sa mahigit 132,000 public school buildings sa ilalim ng Department of Education (DepEd) sa buong bansa.


Ang kabuuang fire insurance para sa mga pampublikong paaralan ay nagkakahalaga ng P843.11 bilyon, at sakop nito ang fire, lightning, and natural catastrophes sa loob ng isang taon na epektibo mula Enero 1, 2024.


Tumulong ang Bureau of the Treasury (BTr) sa pagsasama-sama ng insurance coverage, na minarkahan ang mahalagang hakbang sa pagtutok ng bansa sa seguridad sa imprastraktura ng edukasyon sa ilalim ng National Indemnity Insurance Program (NIIP).


Ang NIIP ay inisyatiba ng BTr, na naglalayong magbigay ng sapat at komprehensibong proteksyon sa mga kritikal na asset ng pamahalaan tulad ng mga paaralan, ospital, kalsada, at tulay.


 “With the rising frequency of natural calamities, protecting public school buildings becomes a priority of the government. Our partnership with DepEd is a step towards ensuring financial resilience in support of its MATATAG agenda,” pahayag ni GSIS President and General Manager Wick Veloso.


Bilang karagdagan sa pag-insure sa mga gusali ng paaralan ng DepEd, ang GSIS ay nagbigay ng 24/7 personal accident insurance coverage para sa lahat ng tauhan ng DepEd, na sumasakop sa death at medical expenses.


“We are committed to look after the well-being of our DepEd members by providing them with strong insurance protection,” pahayag ni Veloso. 


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga pangkalahatang insurance program ng GSIS, maaaring bisitahin ang GSIS website- www.gsis.gov.ph, Facebook Page @GSIS.PH, at tumawag sa contact center sa 8.847.4747.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | December 20, 2023



ree

Hello, Bulgarians! Ayon sa mga matataas na opisyal ng Pag-IBIG Fund, inaprubahan kamakailan ang P929-million revolving credit line para sa Social Housing Finance Corporation (SHFC) upang pondohan ang mga proyektong pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing o 4PH Program na may kabuuang 2,264 housing units ang nakatakdang itayo sa Pampanga, Manila, Misamis Oriental at Davao City.


“I am happy to report that our key shelter agencies remain united in their mission of bringing opportunities for homeownership closer to our fellow Filipinos, especially the underserved. With Pag-IBIG Fund’s approval of a revolving credit line for the SHFC, we are now better equipped to provide our informal settler families (ISFs) with affordable housing in a safe environment under secured communities, which is what we envision under the 4PH Program of President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Ang revolving credit line ng Pag-IBIG Fund para sa SHFC ay tutustusan ang pagpapatayo ng medium at high-rise condominiums sa ilalim ng 4PH program na binubuo ng 996 units sa San Fernando City, Pampanga, 352 units sa Tondo, Manila, 416 units sa Tagoloan, Misamis Oriental at 500 units sa Davao City. Upang matiyak ang wasto at mahusay na paggamit ng mga pondo, ang revolving credit line ay naglalaman ng mga pananggalang na kinabibilangan ng kaukulang mga loan collateral na ibinigay ng SHFC, na may maximum na termino ng pagbabayad na tatlong taon at mga probisyon na nagtitiyak sa pagpapalabas ng mga pondo para sa mga nilalayong proyekto.


Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang Fund’s credit line para sa SHFC ay bahagi ng pangako nito sa pagsisikap ng Administrasyong Marcos na tugunan ang backlog ng pabahay sa ilalim ng 4PH Program.


“Pag-IBIG stands as the single largest source of home financing in the country today, with a share of nearly 40% of the home mortgage market. We recognize our role in providing the financing for socialized housing projects so that these become more accessible and affordable for low-income earners. We are happy to partner with the SHFC under the Pambansang Pabahay para sa Pilipino or 4PH Program, so that our ISF communities will now have a better chance of owning quality homes in sustainable communities. Our members can expect more similar partnerships to provide them even more opportunities to own a home,” sabi ni Acosta. 

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | December 10, 2023



ree


Hello, Bulgarians! Inihayag ni Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Wick Veloso na nakahanda ang GSIS na magbigay ng emergency loan sa mga miyembro at pensyonado sa CARAGA Region, Mindanao na naapektuhan ng 7.4 na lindol na yumanig sa Surigao Del Sur noong Disyembre 2.

 

Sa ilalim ng GSIS Emergency Loan program, ang mga kuwalipikadong miyembro na walang emergency loan ay maaaring humiram ng hanggang P20,000. Ang mga may existing emergency loan balance ay maaaring humiram ng hanggang P40,000 upang mabayaran ang kanilang nakaraang balanse sa emergency loan at makakatanggap pa rin ng maximum na netong halaga na P20,000. Ang mga pensyonado ay maaari ding mag-aplay para sa loan na P20,000.

 

Ang mga kuwalipikadong aplikante para sa emergency loan ay mga aktibong miyembro na naninirahan o nagtatrabaho sa lugar ng kalamidad na hindi naka-leave of absence without pay at nagbayad ng kanilang mga premium sa loob ng huling anim na buwan bago ang aplikasyon. Sila ay dapat na walang nakabinbing administratibo o kriminal na kaso at mayroong net take-home pay na hindi bababa sa P5,000 pagkatapos maibawas ang lahat ng kinakailangang buwanang obligasyon.

 

Ang mga miyembro at pensioner ay maaaring mag-aplay para sa loan gamit ang GSIS Touch mobile application, available itong i-download sa Google Play Store at Apple App Store. Maaari rin silang mag-apply sa pamamagitan ng GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk, na makikita sa lahat ng opisina ng GSIS, mga piling Robinson's at SM supermall, at malalaking tanggapan ng gobyerno gaya ng Department of Education. Papayagan ang over-the-counter na application kung offline ang GWAPS kiosk o kung ang borrower ay nawala ito o may sira ang ecard, hindi nababasang biometrics o may temporary-issue eCard.

 

Para sa karagdagang detalye, maaaring bisitahin ng mga miyembro at pensioner ang GSIS website (www.gsis.gov.ph) o Facebook page (@gsis.ph); mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph; o tumawag sa GSIS Contact Center sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila) o 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers) o 1-800-10-847-4747 (para sa Smart, Sun, at Talk 'N Text subscriber).

 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page