top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | February 22 , 2022





Hello, Bulgarians! Sa gitna ng patuloy na krisis sa kalusugan, ang mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ay nagpakita pa rin ng suporta para sa MP2 savings program noong 2021 na umabot sa halos P26 bilyon, na nagtatakda ng isa pang record para sa halagang naipon ng mga miyembro sa isang taon, pahayag ng mga opisyal ng ahensiya. Sa loob lamang ng 12-buwan, umabot sa P25.95 bilyon ang ipon ng mga miyembro sa ilalim ng Modified Pag-IBIG 2 (MP2) Savings Program noong 2021, na nakamit ang napakalaking paglago ng 95% mula sa P13.23 bilyon na nakolekta noong 2020.


“Even amid some uncertainties caused by the pandemic, the MP2 proved to be one of our most sought-after programs. Because the MP2 has traditionally provided higher returns on savings, more and more members are preferring to grow their hard-earned savings in Pag-IBIG Fund. As we finalize all reports for the year, we will be announcing the dividend rates for 2021 very soon.


Helping create more financially secure Filipino workers is our contribution to the national government’s efforts towards economic recovery,” sabi ni Secretary Eduardo D. del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na namumuno rin sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Ang MP2 Savings Program ay special voluntary savings facility ng Pag-IBIG Fund na may maturity period na limang taon. Sa mababang entry point na P500 minimum savings, ito ay idinisenyo para sa mga aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund na gustong makaipon ng higit pa at makakuha ng mas mataas na dibidendo, bilang karagdagan sa mandatoryong Pag-IBIG Regular Savings na kanilang iniipon bawat buwan. Bukas din ang programa sa mga manggagawang dating miyembro ng Pag-IBIG. Kabilang ang mga pensiyunado at retirado, basta mayroon silang hindi bababa sa dalawang taong halaga ng ipon bago ang pagreretiro.


Samantala, sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na tumaas din ang bilang ng pinagsama-samang MP2 savers noong nakaraang 2020, mayroong 508,522 MP2 saver. Sa pagtatapos ng 2021, ang kabuuang bilang ng MP2 saver ay tumaas ng 42% sa 721,980.


“We thank our members for their enduring support for the MP2 even during these challenging times. Because you choose to save in MP2, it has always been one of our most impressive programs. Prior to the pandemic, we had just achieved our best year in 2019. And while many lessons were learned during the last two years of the pandemic, we’ve also learned that your trust in Pag-IBIG never waned as the MP2 not only remained firm, but also grew to record-levels in 2020 and 2021. With our robust financial position and the Lingkod Pag-IBIG brand of service, our members can rest assured that their savings are safe and will continue to grow in the coming years,” saad ni Moti.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | February 19, 2022





Hello, Bulgarians! Aprubado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang planta ng Holcim Philippines, Inc. sa Bulacan bilang premyadong pasilidad na may kakayahang masuri ang tibay ng mga produktong magagamit para sa mga proyektong pang-imprastruktura ng pamahalaan.


Ipinagkaloob ng DPWH sa planta ng semento ng Holcim Philippines, Inc, -- nangungunang building solution provider sa bansa -- sa Norzagaray, Bulacan ang pagkilala matapos makapasa sa mga panuntunan ng pamahalaan sa aspeto ng laboratory competency, quality management system, customer reliability, at mga produkto. Tatagal ang accreditation hanggang Nobyembre 2023.


“Many thanks to the DPWH for accrediting the materials testing laboratory of our Bulacan plant, which is supplying a number of important infrastructure projects in Luzon. Technical support is important for such projects so this accreditation can further strengthen our customer’s confidence in the quality of our products coming from the Bulacan Plant,” pahayag ni Holcim Philippines President and CEO Horia Adrian.


Dalawang pasilidad ng Holcim Philippines ang nabigyan na nang pagkilala ng DPWH bilang mapagkakatiwalaang pasilidad para sa mga kagamitan na kailangan sa mga proyekto ng pamahalaan.


Noong 2017, ang Technical Services and Product Development laboratory sa Holcim sa Parañaque ang unang nakatanggap ng DPWH accreditation in 2017, habang ang planta ng semento sa Davao City ay kasalukuyang sumasailalim sa pagsusuri ng DPWH.


Bukod sa mga dekalidad na pasilidad sa mga planta, ibinida rin ng Holcim Philippines ang kahandaan ng mobile laboratories para matugunan ang pangangailangan ng mga customer na hindi na kailangan pang magtungo sa planta. Ang modernong laboratoryo ng Holcim Philippines ay handang magsagawa ng pagsusuri sa mga material na gawa sa concrete, aggregates, at soil para matulungan ang mga kontraktor sa madaling pagpili ng tamang kagamitan.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | February 17, 2022





Hello, Bulgarians! "Malaki ang magagawa ng Alert Level 1 sa ating pagbangon." Ito ang pahayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion. Kung mangyari ito, sabi ni Concepcion, ang bansa ay makakamit ang 6.5 percent na GDP growth rate sa unang quarter ng 2022. Unang itinulak ng founder ng Go Negosyo na ibaba ang NCR sa Alert Level 1 pagdating ng Marso 1, at sinabing mataas ang posibilidad na mangyari ito nang mas maaga kaysa sa inaasahan.


Gayunman, tinanggap ni Concepcion ang desisyon ng pamahalaan na panatilihin ang NCR sa ilalim ng Alert Level 2 hanggang sa katapusan ng Pebrero. Umaasa siyang magpapatuloy ang kasalukuyang mababang antas ng HCUR (healthcare utilization rate) at ang pagbaba ng ADAR (o mga nahahawaan kada 100,000 ng populasyon) at sa huli ay hahantong na sa Alert Level 1 ang NCR pagdating ng Marso. Bukod dito, tingin ni Concepcion na sa kalaunan ay maaari na rin alisin ang Alert Level system. Ipinaliwanag niya na marahil ay wala na sa state of public health emergency ang bansa dahil wala nang nakikitang mga variant of concern, parami nang parami ang mga nababakunahan at ang HCUR ay nananatiling mababa.


Sinabi ng OCTA Research fellow na si Dr. Guido David na ayon sa mga indicator o sukatang ginagamit sa pag-subaybay ng pandemya, maaaring mag-Alert Level 1 na sa Marso. Ayon kay David, ang NCR ay magiging malapit, o nasa, “very low risk” pagdating ng Marso. Sinabi rin ni David na ang ADAR ay magiging mas mababa pa sa 1, at ang positivity rate ay magiging mas mababa sa 3 percent. "Mahalaga ang mas mababang alert level kung ipagpapatuloy ng ating bansa ang mga naipanalalo na natin sa fourth quarter," sabi ni Concepcion. Ang Pilipinas ay nagkamit ng 7.7 na paglago sa GDP sa huling bahagi ng 2021; iniuugnay ito sa pagluluwag na nangyari noong kapaskuhan.


Inaasahan ng OCTA Research na ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa NCR ay babagsak sa 200 kada araw sa pagtatapos ng Pebrero, at 140 naman kada araw sa Marso. Samantala, ang HCUR naman ay inaasahang patuloy na bababa. Nauna nang sinabi ng OCTA Research head na si Prof. Ranjit Rye na ang mas mababang Alert Level 1 status ay pagkakataon para mapanatili ang paglago ng ekonomiya. Matatandaang dahil sa payo ng OCTA, iminungkahi ng pribadong sektor ang dalawang linggong lockdown noong Agosto 2021. Nagtagumpay ang lockdown sa pag-iwas ng surge sa kapaskuhan at naisalba ang ekonomiya sa ikaapat na quarter ng 2021.


Nauna nang sinabi ng IATF na ang Alert Level 1 ay ituturing na "new normal" ng bansa.


Sa ilalim nito, mayroon pa ring mga public health protocols ngunit papayagan ang mga negosyo na mag-operate sa 100 percent na kapasidad. Gayunman, nananawagan ang mga negosyante ng karagdagang pagluluwag, dahil sa kahirapang kumita ng sapat gawa ng limitadong kapasidad dahil sa physical distancing. "Dapat isa-alang alang ito ng pamahlaan sa pagtatakda nila ng public health protocols," sabi ni Concepcion.


"Ginagawa ng mga negosyante ang kanilang makakaya upang makasunod sa new normal, ngunit sa palagay ko, dapat nating subukan kung kaya nating maging ligtas gamit lamang ang pag-obserba ng public health protocols," sabi niya.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page