ni Fely Ng - @Bulgarific | March 15, 2022

Hello, Bulgarians! Kamakailan, isang taga-Cavite ang maswerteng nanalo ng MegaLotto 6/45 na may jackpot prize na P8,910,000.
Nahulaan niya ang tamang kombinasyon ng mga numero na 02-30-45-42-27-17.
Ang maswerteng tiket ay binili sa isa sa mga lotto outlets sa General Trias, Cavite.
Samantala, ang 25 na mananaya ang nakahula ng lima (5) tamang numero ay kukubra ng P32,000 kada isa, habang 925 na mananaya naman ang mananalo ng Php1,000 kada isa dahil sa nakuha nila ang apat (4) na tamang numero at 17,091 na mananaya naman ang magkakamit ng halagang P30.00 para sa tatlong (3) tamang numero na nahulaan nila.
Ang lotto jackpot prize ay maaaring kubrahin sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Ang mga nanalong tickets po ay sinusuring maigi sa pamamagitan ng ating lotto machine para sa beripikasyon. Ang maswerteng jackpot winner ay kailangang magdala at magpakita ng dalawang (2) valid government IDs para maiproseso ang kanyang panalo.
Batay sa batas (RA 1169) ang nanalong tiket ay puwede lamang kubrahin sa loob ng isang (1) taon, pagtapos nito ay mawawalan na ito ng bisa.
Ayon naman sa Tax Reform Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ang lahat ng panalo na higit sa halagang P10,000 ay may 20% tax.
Ang MegaLotto 6/45 ay nilalaro at mapapanood tuwing Lunes, Miyerkules at Biyenes live telecast sa PTV-4 tuwing 9pm.
Patuloy po nating tangkilikin ang “Larong may Puso” ng PCSO para may tsansa kang manalo ng milyon-milyong papremyo mulasa PCSO at makaipon ng pondo para naman sa mga kawanggawa at pagtulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan.
Para sa karagdagang impormasyon at ibang detalye ng mga laro, produkto at serbisyo ng PCSO mangyaring bisitahin ang PCSO official website www.pcso.gov.ph, PCSO FB pagehttps://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at ang PCSO GOV para sa YouTube.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.



