top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 19, 2022



Hello, Bulgarians! Kamakailan ay pinondohan ng Pag-IBIG Fund ang 5,411 socialized homes para sa minimum-wage at low-income na mga miyembro sa unang apat na buwan ng 2022.


Ang socialized home loan ay binubuo ng 18% ng 29,310 units na pinondohan ng ahensiya mula Enero hanggang Abril 2022. Ang socialized home loans ay kumakatawan sa 7%, o P2.35 bilyon mula sa pinakamataas na record na P31.97 bilyon na home loan na inilabas ng ahensiya.


"Socialized housing is designed especially for minimum and low-wage workers. With Pag-IBIG Fund’s Affordable Housing Program, we make sure that all our members, particularly those from the low-income sector, are given the opportunity to own a home. This is the essence of the BALAI (Building Adequate, Livable, Affordable and Inclusive) Filipino Communities Program of the government’s housing sector towards providing decent shelter for every Filipino family,” saad ni Secretary Eduardo D. del Rosario, Chairperson of the 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees and Secretary of the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).


Ang Affordable Housing Program (AHP) ng Pag-IBIG Fund ay para sa mga miyembrong mula sa mga sektor ng low-income and minimum-wage na kumikita ng hanggang P15,000 kada buwan sa National Capital Region (NCR), at hanggang P12,000 kada buwan sa labas ng NCR.


Sa ilalim ng AHP, tinatamasa ng mga borrower ang subsidized rate na 3% kada taon para sa home loan na hanggang P580,000 para sa mga socialized subdivision projects, hanggang sa P750,000 socialized condominium projects.


Sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang 3% rate ng AHP ay nananatiling pinakamababa sa merkado – rate na ibinigay ng ahensiya para sa mga miyembrong mababa ang kita mula noong Mayo 2017, gaya ng itinakda sa ilalim ng Republic Act No. 9679 o ang Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) Law of 2009.


“Because of our Charter, Pag-IBIG Fund is able to provide the lowest rates for the home loans of minimum and low-wage workers. We first offered our subsidized 3% rate in May 2017 to help more members realize their dreams of owning a home. And, until now, that special rate still stands. Aside from keeping our interest rates low, we also keep the insurance premiums at a minimum, so that our borrowers would only need to pay a low monthly amortization of P2,445.30 for a socialized home loan of up to P580,000. And what’s more, qualified borrowers will never have to put out cash for equity under our Affordable Housing Program. All of these are part of our efforts to provide the best home financing program for our members who earn minimum wage,” pahayag ni Moti.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 17, 2022



Hello, Bulgarians! Matapos makakuha ng mahigit 31 milyong boto ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa nakaraang halalan, nanawagan si Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na magkaisa na ang Pilipinas at samantalahin ang pagkakataon na palaguin ang ekonomiya.


"Millions of Filipinos, united behind one leader, can do wonders for this country and bring prosperity for all," ani Concepcion.


Si Bongbong Marcos ay ang unang kandidato sa pagka-pangulo na nakalikom ng majority ng mga boto simula pa noong panahon ng kanyang amang si Ferdinand Marcos, Sr., ayon sa partial unofficial count ng Commission on Elections transparency server, ito ay halos doble ng boto kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.


“Marami sa ating mga kababayan ang kapos-palad at patuloy na walang kumakatawan. Para sa kanila, ang pagnenegosyo ay paraan para makaahon sa kahirapan at ang kasipagan, pagkamalikhain, at katapangan ay sapat na para umunlad at maiangat ang kanilang estado sa buhay. Dito, patas lang ang larangan; katulad ng halalan, kung saan ang boto ng mahirap ay kasing halaga ng boto ng mayaman," sabi ni Concepcion.


Nang makapanayam si Marcos sa Kandidatalks show ng Go Negosyo ilang linggo bago ang halalan, sinabi niya na ang mga MSME ay malaki ang impact sa lipunan, dahil anumang tulong sa kanila ay agad mararamdaman maging ng malalaking korporasyon.

Aniya, maraming Pilipino ang handang magtrabaho at maging entrepreneur, ngunit kakailanganin nila ng tulong.


Kinilala rin ni Marcos kung paano makatutulong ang mga organisasyon tulad ng Go Negosyo sa paggabay sa mga maliliit na negosyante, at kung paano mailalaan ng gobyerno ang bahagi ng Internal Revenue Allotment para sa MSMEs. Sinabi niya na ang pagbuwis sa maliliit na negosyante ay dapat na makatwiran, at naniniwala siya na kung susuportahan ng pautang, R&D at infrastructure ang mga magsasaka, ay lubusang makakatulong ang agrikultura sa industriyalisasyon ng bansa. Nangako rin siya na ipagpapatuloy ang Build Build Build program ni Pangulong Duterte, at palalawigin pa ito sa information at power infrastructure.


Inamin ni Concepcion na marami ang naging emosyonal sa nakaraang halalan. "Naiintindihan ko na emosyonal ang ilan sa atin, ngunit hindi tayo dapat magkawatak-watak," sabi niya.


Ipinaliwanag niya na maraming problemang kinakaharap ang lahat ng mga bansa ngayon, kabilang na ang COVID at ang giyera sa Ukraine.

Sinabi ni Concepcion na ang mayoryang boto ay boses ng mga mahihirap at mga walang kumakatawan.


"Hindi tulad noon, mayroon na ngayong social media kung saan ay malayang naipapahiwatig ang mga saloobin ng merong access dito. Ngunit kailangan din nating makinig sa mga tunay na nasa gilid ng lipunan. That’s democracy,” sabi niya.


“Nagsalita na ang mga tao at ipinaalam ang kanilang pasya, tungkulin nating igalang ito, at dapat nating hayaan ang bagong Pangulo na gawin ang kanyang tungkulin,” ani Concepcion.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 14, 2022


Hello, Bulgarians! Bilang bahagi ng mandato na tumulong at magbigay ng kaukulang pondo para sa mga programang pangkalusugan ng bansa, ang ahensiya ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ay nagbibigay ng mga ayudang medikal sa pamamagitan ng Medical Access Program o (MAP) kilala rin sa dating tawag na Individual Medical Assistance Program o (IMAP) na ang pangunahing layunin ay tulungan ang mga Pilipino sa kanilang pangangailangang medikal gaya ng Hospital Confinement, Erythropoietin (Dialysis Injection), Cancer Treatment (Chemo Drugs & Radiation Therapy), Specialty Medicines (Hemophilia, Post Kidney Transplant Medicines, Rheumatoid Arthritis, Anti-Lupus, Immunocompromised Disease, Psoriais, Orphan Diseases, Idiophatic Thrombocytopenic Purpura – ITP, Thalassemia and Neuro-Psychiatric) at iba pa, (30%) ng kabuuang kita ng tanggapan ay inilalaan sa Charity Fund kung saan ito ay ginagamit sa mga programa para sa kawanggawa kasama na ang pantulong sa programang medikal.


Sa buwan ng Abril 2022 ang PCSO ay namahagi ng halagang P137,434,526.50 bilang tulong medikal para sa 18,144 na mga kwalipikadong pasyente sa buong Pilipinas.


Nagmula sa Northern and Central Luzon (NCL) Department ang may pinakamataas na halagang naibigay, P34,894,525.29 para sa 4,636 na katao. Sinundan ito ng Southern Tagalog and Bicol Region (STBR) Department na may halagang P29,307,535.16 para sa 4,748 na pasyente. Pumapangatlo naman ang National Capital Region (NCR) Department na nakapagbigay ng P27,679,218.53 para sa 2,121 na humingi ng tulong.


Samantalang ang Visayas Department naman ay may P24,653,691.79 na ibinahaging tulong para sa 3,398 na pasyente. Ang may pinakamaliit na naipamahaging tulong ay mula naman Mindanao Department, namahagi lamang sila ng P20,899,555.73 para sa 3,241 na katao.


Mula sa kabuuang halaga, ang P82,131,968.48 ay naibigay sa 8,248 katao na nangangailangan ng pagpapaospital o Hospital Confinement. Namahagi rin ng tulong medikal para sa mga pasyenteng may kanser. Nagbigay ang PCSO ng P17,614,544.50 para sa Chemotherapy ng 1,831 na pasyente at P1,290,945.00 para naman sa Radiation Therapy ng 86 na pasyente. Ang P27,928,825.67 naman ay ginamit sa pagda-dialysis ng 7,103 na pasyente.


Namahagi rin ng P2,024,900.00 para sa implant ng 58 na pasyente, idagdag pa ang P4,095,586.09 para naman sa 620 na nagpa-laboratoryo (laboratory procedures) at P19,991.50 para sa 4 na pasyente na naggagamot at nagpatingin sa Neuro-Psychiatrist.


Ang PCSO ay nagkaloob din ng iba’t ibang klase ng gamot sa halagang P305,900.00 para sa 13 katao. Post-Transplant medicines na nagkakahalaga ng P1,215,258.14 ang ibinigay sa 107 na katao, P270,016.00 para sa 36 na pasyente na may Hemophilia. Nagbigay din ng halagang P207,170.00 gamot para sa 14 pasyente na may Idiopathic Thrombocytopenic Purpara (ITP). Apat (4) na pasyente naman ang may sakit na Psoriasis ang nabigyan ng P84,310.00 para sa kanilang sakit. Gamot na nagkakahalaga ng P151,030.00 para naman sa 14 na katao na may sakit na Lupus at P94,081.12 para naman sa 6 na pasyenteng may sakit ng Rheumatoid Arthritis.


Samantala, tiniyak ni PCSO Vice Chairperson and General Manager Royina Marzan Garma na gagawin ang lahat para mapataas ang benta ng mga laro at produkto ng PCSO para sa tuluy-tuloy na pagtulong ng ahensiya sa publiko, “Hinihikayat ko ang mamamayang Pilipino na tangkilikin ang lahat ng lotto games kasama na ang STL games para makaipon ang PCSO ng pondong maipantutulong sa mga nangangailangan lalo na sa tulong medikal.”


Para sa mga nagnanais humingi ng tulong medikal sa PCSO ay mangyari lamang na bisitahin ang PCSO website www.pcso.gov.ph at basahin ang proseso gayundin ang mga kinakailangang dokumento. Pinapaalalahanan din ang publiko na bawal na ang walk-in applicants sa PCSO Main Office bagkus sila ay inaabisuhan na mag-apply online sa nasabing website o magpasa ng mga kinakailangang dokumento sa mga Malasakit Centers ng mga pampublikong ospital.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page