top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 31, 2022


Hello, Bulgarians! Inanunsyo ni Social Security System (SSS) President at CEO Michael G. Regino kamakailan na ang mga retirement pensioner na first time umutang sa ilalim ng SSS Pension Loan Program (PLP) ay maaaring maghain ng kanilang mga aplikasyon online simula Mayo 30, 2022 sa My.SSS Portal.


Noon, kailangang bumisita sa pinakamalapit na SSS branch ang mga first time pension loan borrower para mag-file ng kanilang initial application dahil available lang ang online filing para sa renewal ng loan application.


“We recognize the challenges faced by our retirement pensioners in going to SSS branch to avail of the Pension Loan Program. With the pandemic still around, pensioners prefer to have their transactions done online in their respective homes. This online facility makes it easier for them to avail of said program as it also guarantees a faster approval process,” paliwanag ni Regino.


Hinihimok din ni Regino ang mga retirement pensioner na samantalahin ang low-interest loan offering na ito mula sa SSS. Tinitiyak niyang hindi hihingin ng SSS na i-surrender nila ang kanilang mga ATM card bilang pawn collateral, hindi tulad ng ilang pribadong loan institution.


Ang PLP ay inilunsad upang tulungan ang mga retirement pensioner sa

kanilang panandaliang pangangailangan sa pananalapi sa pamamagitan ng pag-aalok ng loan sa mababang interes na 10% kada taon.


Ang mga kwalipikadong retirement pensioner ay maaaring mag-apply para sa loan na katumbas ng 3, 6, 9, o 12 beses ng kanilang basic monthly pension kasama ang P1,000 karagdagang benepisyo, ngunit hindi lalampas sa maximum na halaga na P200,000.


Ang karagdagang impormasyon sa pension loan program at ang mga tuntunin at kondisyon nito ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng link na ito https://bit.ly/3sKV1HA.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 28, 2022


Hello, Bulgarians! Iginawad kamakailan ng Social Security System (SSS) at Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) ang bagong motorsiklo sa nanalo sa RCBC’s Handog na Motorsiklo Ngayong Pasko Promo na ginanap sa 2/F, Ramon Magsaysay Hall, SSS Building, East Avenue, Diliman, Quezon City.


Ibinigay nina SSS President at Chief Executive Officer Michael Regino (kaliwa) at RCBC Executive Vice President at Chief Innovation and Inclusion Officer Lito Villanueva (kanan) ang bagong Honda Click 125i sa grand prize winner na si Edilberto Flancia (gitna) sa awarding ceremony.


Sa ilalim ng promo, ang mga miyembro ng SSS na nagparehistro ng kanilang DiskarTech account sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) at nakatanggap ng kanilang mga loan at benepisyo mula sa SSS ay awtomatikong makakakuha ng isang raffle entry. Ang panahon ng promo ay tumakbo mula Nobyembre 10 hanggang Disyembre 10, 2021.


Si Flancia ay residente ng Lucena, Quezon, na nagbukas ng DiskarTech account at hinirang ito bilang kanyang disbursement account nang maghain siya ng kanyang retirement claim noong nakaraang taon.


Ang DiskarTech ay isang mobile app na inilunsad ng RCBC noong Hulyo 2020 na pangunahing nagbibigay ng online facility kung saan makukuha ng mga miyembro ng SSS ang kanilang mga benepisyo at loan. Hindi ito nangangailangan ng paunang deposito, maintaining balance, at dormancy fee.


Pinasalamatan ni Regino ang RCBC para sa inisyatiba sa pagbuo ng DiskarTech, aniya, “The digital platform is a convenient way for members to get their benefits and loan proceeds.” Pinuri rin niya ang universal bank sa pagbibigay tugon na digital ang solusyon para sa mga miyembro ng SSS.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | May 24, 2022


Hello, Bulgarians! Matapos ang mahabang proseso at ilang taong pagpapatayo ay pinasinayaan na ang pinakabagong city hall ng Lungsod ng Meycauayan noong Mayo 20, 2022 na maipagmamalaki sa buong Bulacan dahil sa world-class architectural design nito!


Ang 5-storey city hall ay sinimulang itayo noong 2016 sa ilalim ng administrasyon ni City Mayor Henry R. Villarica at ipinagpatuloy ng kanyang maybahay at kasalukuyang City Mayor ng Lungsod na si Linabelle Ruth Villarica.


‘Ika nga sa pagkain, kumpleto rekado ang kanilang bagong tahanan dahil mayroon itong heritage museum, pasalubong center, library, theater at helipad.


Minabuti ng mag-asawang Villarica na mas malapit ang Bahay Pamahalaan sa sentro ng komersyo ng lungsod at sa mas maraming mamamayan ng Meycauayan.


Simbolo ang bagong Tahanan ng Meycauayan ng lahat ng sakripisyo at tagumpay ng bawat Meycaueño.


Tunay nga itong maipagmamalaki hindi lang ng Meycaueño kundi ng buong Bulacan!


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page