top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 26, 2022



Hello, Bulgarians! Magandang araw, masayang buhay! Hudyaka sa Kadaugan sa Katawhan sa ZaNorte ni Atty. Ivan Patrick Ang, Chairman ng pinakamalaking event sa lalawigan ng ZaNorte na magaganap simula Hunyo 27 hanggang Hulyo 3, 2022. Tinaguriang “Kasa Kaza”, ang pagdiriwang na ito ay panimula sa pagbabalik ng mas malaking Hudyaka ZaNorte Festival sa Mayo 2023.


Matatandaang ang Hudyaka, na hinatulan bilang pangalawang pinakamahusay na panlalawigang pagdiriwang ng Association of Tourism Officers of the Philippines, pinalitan ng Saulog Festival dahil sa pulitika. Sa loob ng 9-taon, hinangad ng mamamayan ng ZaNorte ang isang tunay na maligayang pagdiriwang ng anibersaryo ng pagkakatatag. At ngayon ay bumalik na ang Hudyaka sa ZaNorte Sports Complex! Ang isang linggong pagdiriwang ang gigising sa mga tao sa umaga sa pamamagitan ng isang roving truck na may sakay na mga tribal drummers, na gumagala sa mga lansangan ng Dapitan, Dipolog at mga pangunahing bayan.


Naka-line up ang crowd drawing at spectator sporting events. Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Hunyo 27-Kadaugan Run, isang marathon competition, na inaasahang lalahukan ng 500 runners, Hunyo 27 hanggang 29 - Beach Volleyball sa Dapitan Boulevard, fronting Gloria Fantasyland, kung saan ang mga manlalarong kasali ay naka-sexy two-piece attire. Hunyo 27-Hulyo 3-Tennis tournament, para sa mga bata at propesyonal. Hunyo 30-Kickboxing competition sa ZaNorte Sports Complex open ground. 10 paligsahan ang magpapasaya sa karamihan, no admission fees. Hulyo 1 - Mountain Bike Circuit Race sa Motocross Race Track sa loob ng complex. Susundan ng pinakamalaking event sa Motocross ng taon, na aabot hanggang gabi para sa isang pambihirang kaganapan sa karera. Ang nasabing mga kaganapan ay isinabay sa Tattoo Competition sa parehong site. Dagdag pa: ang tunog ng mga makina ng bisikleta ay susuportahan ng 10 lokal na underground band na tumutugtog ng progressive rock at metal. FREE ADMISSION. Hulyo 1 hanggang 3- Golf tournament sa sikat na Dakak 18-hole international standard golf course Bawat araw at gabi ay dapat bisitahin ng mga pamilya, barkada at magkasintahan ang complex. May mga food stall na bukas para sa tanghalian, hapunan at mga iced cold beer. Sila ay aasikasuhin ng mga maliliit na negosyante at ang mga pagkain ay carinderia ang presyo. Ang agro-fair games at raffle draw ay nangyayari araw-araw sa HUdyaka site.


Magkakaroon ng fireworks show sa Hunyo 27 at Hulyo 2 sa complex. Sa Hunyo 30, isa pang fireworks show ang ipapalabas sa Dapitan City para tapusin ang libreng konsyerto sa Dapitan City Hall ng mga lokal na banda na sina Donita Nose at Jewel, Dominique Roque, Hero at Gloc 9. Libreng sakay ng bus ang naghihintay sa mga gustong mag-avail mula Dipolog at iba pang lugar ng lalawigan. Ang gabi-gabing palabas sa complex ay magsisimula ng 7pm Hunyo 27-Reggae Night, Hunyo 28-LGBT Beauty Pageant, Hunyo 29-Battle of the Bands. Ang Clash singing competition Hunyo 30, Mega show sa Dapitan with Gloc 9 and more at Hulyo 2-Battle of the Band.


Gabi-gabi ay tatapusin ng mga lokal na banda ang pagpapasaya mula alas-10: 00 ng gabi hanggang walang sawa. Ang isang linggong pagdiriwang na itatampok ay Subanen theme na panunumpa sa seremonya ni Gov. Nene Jalosjos sa Hulyo 2, na palaging naninindigan na ang kanyang tagumpay sa nakaraang halalan ay hindi ang kanyang tagumpay, kundi ang tagumpay ng lahat ng mga ZaNOrtehanon na sa wakas ay napalaya mula sa 9 years tyranny and monopoly. Susundan ng Subanen’s Buklog festival, ang seremonya ay pangungunahan ng Eat Bulaga Live Show mula 1130 hanggang 230pm sa outdoor Hudyaka stage. Sasabak sa show sina Bossing Vic, Joey at ang buong cast. Higit sa lahat, ang Philippine National Police at ang Philippine Army, sa pakikipagtulungan sa mga boluntaryong grupo na palaging handa sa komprehensibong plano sa seguridad. Daan-daang tauhan ang ipapakalat upang matiyak na ang buong linggo ay maaalala bilang festive and seamless celebration.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 19, 2022



Hello, Bulgarians! Nakipagpulong si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kay Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion noong Hunyo 15 para talakayin ang mahahalagang isyu na nakakaapekto sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) ng bansa, partikular ang kalusugan at ekonomiya, at ang epekto sa negosyo ng patuloy na krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine.


Sa courtesy call kay Marcos, Jr. na naganap sa kanyang campaign headquarters sa Mandaluyong City, nagkasundo sina Concepcion at Marcos na ang MSMEs ay magiging mahalaga sa kaunlaran ng bayan. Ang sektor, na binubuo ng 99.5 percent ng lahat ng negosyo sa Pilipinas, ay pinanggagalingan ng 62.6 percent ng mga trabaho.


Sa pagpupulong, tiniyak ni Marcos na tututukan ng kanyang administrasyon ang mga MSME. Humingi rin siya ng mga mungkahi ni Concepcion kung ano ang higit na kailangan ng sektor sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya. “Our MSMEs need access to money, market and mentorship opportunities,” ani Concepcion, bilang pagtukoy sa mga programa ng non-profit na Go Negosyo, na kanyang itinatag noong 2005. Idinagdag ni Concepcion na magiging mahalaga ang money o puhunan, lalo na ngayong ang giyera sa Russia at Ukraine ay patuloy na nagdudulot ng pagtaas ng mga bilihin at pagkagipit ng mga negosyante.


Ibinahagi ni Concepcion kay Marcos kung paano masusuportahan ng malalaking korporasyon ang mga MSME sa pamamagitan ng pagsasama sa kanila sa kanilang value chain, upang matulungan silang umunlad at isulong ang ekonomiya ng bansa.


Malugod na tinanggap ni Marcos ang pagpapatuloy ng mga hakbangin upang mapadali ang pag-adopt ng mga MSME sa digital economy, kabilang na ang mga pinasimunuan ng Go Negosyo sa kasagsagan ng mga lockdown. Ibinahagi ni Concepcion sa papasok na Pangulo kung paano nagawang online ng Go Negosyo ang mga in-person mentoring program nito, partikular ang mga proyekto nito kasama ang Department of Trade and Industry, Department of Agriculture at Department of Tourism. Gamit ang teknolohiya, napalawak din ng Go Negosyo ang mga naabot na MSMEs sa buong kapuluan.


Ibinahagi rin ni Concepcion sa papasok na Pangulo ang mga hakbanging pang-kalusugan ng Go Negosyo sa panahon ng pandemya. Sinabi ni President-elect Marcos na kailangang laging iugnay ang kalusugan ng mga tao at ang ekonomiya ng bansa. "I suggested to the President-elect that we should eventually have to plan how we can move out of a pandemic mindset to ensure our country’s economic growth," sabi ni Concepcion.


Inulit din niya sa hinirang na Pangulo ang kanyang panawagan na iangat ang state of public health emergency at ang tuluyang pag-alis ng mga alert level, habang ipinagpapatuloy ang pagbabakuna. Iminungkahi rin ni Concepcion ang pagbibigay ng Certificate of Product Registration para sa mga bakuna sa Covid upang ang mga ito ay maaari nang bilhin sa botika ng mga gustong mabakunahan.


Inilarawan ni Concepcion ang pagpupulong bilang "makahulugan at puno ng pag-asa," at ang hinirang na Pangulo bilang bukas at malugod na tumatanggap sa mga mungkahi. "It was a productive discussion between two people who have heard of each other but never had the chance to meet in person," sabi niya. Naroon din sa pulong sina incoming Executive Secretary Vic Rodriguez at Go Negosyo Lead Adviser Josephine Romero.


"We both agree that MSMEs should be supported if we are to realize inclusive growth for the Philippines," ani Concepcion.


Nangako ang founder ng Go Negosyo na hihikayatin ang pribadong sektor sa mga layunin na kasama ang administrasyong Marcos, at makikipagtulungan kay incoming Trade Secretary Alfredo Pascual upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng access sa money, market at mentorship sa mga MSME.


“Ako ay tiwala na sa ilalim ng Marcos presidency at sa nagkakaisang pagsisikap mula sa pribadong sektor, tayo ay may pagkakataon na maisakatuparan ang inclusive growth at kaunlaran para sa lahat,” sabi ni Concepcion.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | June 16, 2022



Hello, Bulgarians! Sa gitna ng posibleng pagbabalik sa Alert Level 2 status ng National Capital Region (NCR), sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion na maaaring hindi na kailangan pang itaas ang alert level kung mananatiling kaunti lang ang mga naoospital dahil sa COVID-19.


“If our COVID-19 cases are not ending up in hospitals, then there is no need for higher alert levels,” sabi niya.


Ito ay kasunod ng mga ulat ng unti-unting pagtaas ng mga nahahawa sa COVID-19. Noong Hunyo 13, nakapagtala ang Pilipinas ng 386 na bagong kaso; halos kalahati, o 188 ay sa NCR. Gayunman, ang mga rate ng naa-ICU ay 20 porsiyento lamang, at ang mga bilang ng nao-ospital dahil sa COVID-19 ay nasa 16.6 porsiyento lamang para sa buong Pilipinas.


"Don’t look at the percentages, look at the numbers," sabi ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvaña sa kanyang Facebook post noong Hunyo 13 matapos ang mga ulat tungkol sa mabagal na pagtaas ng mga kaso. Paliwanag ni Dr. Salvaña, ang 100 porsiyentong pagtaas mula sa baseline na 100 kaso ay 200 kaso lamang. Ipinaalala rin niya na nagkaroon na ang Pilipinas ng higit sa 35,000 kaso sa isang araw.


Ayon kay Dr. Salvaña, malamang ay hindi na kailangang umabot sa Alert Level 2 hangga't nananatiling maganda ang kapasidad ng mga ospital. Ayon din kay DOH Usec. Rosario Vergeire sa Laging Handa Public Briefing noong Hunyo 13, "Let us not look at the number of cases, we need to look at the hospital capacity because this is more important to our healthcare system."


"Ang batayan dapat ay ang bilang ng nao-ospital dahil sa COVID-19," sabi ni Concepcion.


"Sinasabi mismo ng mga medical experts na puwede pa ring mahawaan ng COVID-19 kahit nabakunahan na at kahit nagka-COVID-19 na. Ang pinipigilan ng bakuna ay ang malubhang sakit at pagkamatay sa COVID-19. Iyon ang dapat na sukatan sa pagpapasya kung tataasan ang o hindi ang alert level," aniya.


Idiniin ni Concepcion na ang dapat pagtuunang pansin ngayon ay ang ekonomiya.


“Nagbago na ang sitwasyon. Maaaring magkaroon na ng stagflation," sabi niya.


Ang krisis sa Russia-Ukraine ay nagdulot ng pagtaas ng presyo ng gasolina, na nagdulot ng sunud-sunod na pagtaas sa mga presyo ng mga commodities at, dahil dito, ng mga pangunahing bilihin. Sa pinakahuling krisis na ito ay nagbabantang mapilayan ang mga negosyo, partikular na ang mga MSME, na ngayon ay nagsisimula pa lamang bumangon mula sa pandemya.


Paliwanag ni Concepcion, ang giyera ng Russia at Ukraine ay makakaapekto sa lahat, kabilang na ang mga may-ari ng negosyo, mga tindera, at mga mamimili. “Lalala pa ito kung magtatagal ang giyera. Maaari tayong magkaroon ng kakulangan sa pagkain," sabi niya. Ito ang dahilan, aniya, kaya hindi dapat itaas pa ang alert levels, kundi bagkus lalong palakasin ang paggawa, lalo na sa sektor pang-agrikultura, para matulungan ang mga consumer.


“We need to change our mindset,” dagdag niya. "Hindi tayo maaaring mataranta o maparalisa muli kapag nakita nating dumadami ang nahahawa. Hindi ganito ang pamamaraan na matututo tayong mamuhay sa gitna ng COVID-19.”

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page