top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 9, 2022



Hello, Bulgarians! Upang mas maraming Filipino pa ang makinabang sa primary care services sa bansa, nanawagan ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa lahat ng Local Government Units at kuwalipikadong private health clinics sa buong bansa na magpa-accredit bilang provider ng Konsultasyong Sulit at Tama o PhilHealth Konsulta Package.


Kasama sa PhilHealth Konsulta Package ang targeted health risk screening at assessment, initial at follow-up consultation, mga piling laboratory test at gamot batay sa rekomendasyon ng doktor, kung saan nakarehistro ang miyembro at qualified dependents niya.


Ang mga laboratory at diagnostic procedure na pasok sa package ay complete blood count with platelet count, urinalysis, fecalysis, sputum microscopy, fecal occult blood, Pap smear, lipid profile, fasting blood sugar, oral glucose tolerance test, electrocardiogram, creatinine at HbA1c. Samantala, kabilang sa mga gamot na kasama ang anti-microbial, anti-asthma, antipyretics, anti-dyslipidemia, anti-diabetic at antihypertensive, kabilang ang fluids at electrolytes, anti-thrombotic at antihistamines.


May nakalaang pondo ang PhilHealth sa bawat pasyenteng nakarehistro sa pangangalaga ng Konsulta package providers na ibabayad batay sa napagkasunduang mga serbisyo na dapat naipagkaloob sa rehistradong miyembro.


Ang aplikasyon para sa Konsulta accreditation ay bukas sa mga non-hospital facility tulad ng mga rural health units, ambulatory surgical clinic at infirmaries. Lahat naman ng outpatient department ng PhilHealth – accredited Level 1, 2 at 3, pampubliko man o pribadong ospital ay hinihikayat din magpa-accredit.


Maaaring isumite ng mga interesadong provider ang kanilang aplikasyon at self-assessment tools sa malapit na Local Health Insurance Office.


As of September 30, 2022, mayroon nang 1,243 ang accredited PhilHealth Konsulta Providers sa buong bansa.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 6, 2022


Hello, Bulgarians! Mahilig ka ba magmerienda? Narito ang sagot ng Mang Inasal, the country’s “Ihaw-Sarap” expert, magkakaroon ng special Empanada Blowout ngayong Oktubre 10!


Gawing kakaiba ang araw na ito sa pamamagitan ng pag-avail ng eksklusibong deal, kasama ang iyong mga kaibigan at miyembro ng pamilya. Mag-enjoy sa ₱20 na diskwento ng malutong, chunky, at chicken-sarap na Empanada sa halagang ₱29 lamang kada piraso via dine-in, takeout o delivery sa Mang Inasal stores nationwide.



Gayundin, ang mga voucher para sa 10.10 Empanada Blowout ay available sa Share Treats, Shopee at Lazada website and apps. Available ang redemption sa pamamagitan ng dine in, regular takeout, Call & Pick up, at Park, Order & Go -- valid sa loob ng 60-araw lamang mula sa araw na matanggap ang mga voucher.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 4, 2022



Hello, Bulgarians! Tumataya ka ba sa Lotto? Isang nakamamanghang pangyayari ang naganap noong Oktubre 1, 2022 ng inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang makasaysayang pagkapanalo ng 433 mananayang nakakuha ng jackpot prize na P236,091,188.40 sa Grand Lotto 6/55 winning combination 09-45-36-27-18-54.


Ang resulta sa naganap na GrandLotto draw ay indikasyon sa kasabihang the more you play, the more chance of winning, ang PCSO ay games of chance, walang siyentipikong paliwanag o statistics na kasangkot upang matukoy ang winning numbers.


Ang mga nanalo sa jackpot ay makatatanggap ng Php545,245.23 at mababawasan ng 20% buwis alinsunod sa TRAIN Law, kaya nasa P436,196.19 ang maiiuwi ng bawat isa, samantala ang mga maswerteng ahenteng nagbenta nito ay makakakuha ng komisyon na 1% ng jackpot prize.


Ayon sa PCSO, sinisiguro ng ahensya na bawat resulta ng araw-araw na laro ay transparent at mayroong integridad.


Para sa mga mapapalad na nanalo, mangyaring pumunta lamang sa PCSO’s main office sa Mandaluyong City at magpakita ng dalawang valid ID para makuha ang nasabing premyo.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page